45: Sumbat
NAHILOT KO ang sintido ko saka ako sumandal sa back rest ng swivel chair ko. “Sir ayos ka lang, wala ka pang pahinga. Sabi ko naman sa’yo matulog ka muna,” sita sa akin ni Javier. Kababalik ko lang galing sa isang three days conference sa Hong Kong.
“Baka magkasakit ka naman sa ginagawa mo,” paalala pa nito.
“Ayos lang ako.” tipid kong sagot dito.
Sa mahigit isang taon kong paghahanap kay Yuri ni anino nito hindi ko na nakita. “Gusto kong naman malaman ang totoo?” Nanlalambot kong saad dito. Ilang araw na rin akong kulang sa tulog dahil sa trabaho.
O baka mula nang malaman ko ang lahat mas ginusto ko na lang na maglaho. Wala naman akong ibang dapat sisihin kundi ang sarili ko.
**
Halos paliparin ni Javier ang kotse marating lang namin ang address na sinabi nang lalaking kausap ko. lyong kaninang excitement at kabang umalipin sa akin at munting pag–asa na makita ko ulit ang asawa ko. Lalong naging malinaw ng makarating kami sa lugar na iyon.
Palubog na ang araw. At talagang napakaganda ng lugar, higit na maganda kaysa sa painting. Nakakarelax at nakakapagpakalma nang pagod kong pakiramdam ang magandang view na natatanaw ko. Isinasayaw ng mabining hangin ang mga bulaklak sa malawak na parang. Mas lalo pang gumanda dahil sa cinematic effects ng sunset.
Kahit si Javier na pa–wow na lang sa ganda ng simpling tanawin.
Pero hindi iyon ang higit na nagpapasaya sa akin, kundi ang pag–asang baka nga naroon si Yuri. Wala namang bakod kaya tuloy na kaming naglakad sa pathway patungo sa magandang bahay bakasyunan.
“Tao po?” Ilang ulit rin kaming tumawag ng mayroong lalaking lumabas mula sa likod ng bahay.
“Sino ho sila?” Kunot noong tanong ng lalaki. Mukhang bata pa ito para maging katiwala sa ganung lugar.
“Itatanong ko lang sana kung may nakatira ba ditong babae ang pangalan Yuri Ann Dela Merced,” hindi man lang ako nagdalawang isip na gamitin ang pangalan ko to address my wife.
45 Sumbat !
“Yuri?”
Claim
“Ah sandali…” mabilis kong inilabas ang phone ko para ipakita ang larawan ni Yuri. “Ito siya.”
“Ay oho si Mam. Nakita ko nga siya sa kotse noong dumating kami. Paalis na sila noon kaya di ko rin sila naka–usap, kasama niya ata iyong asawa niya.”
“Asawa–anu?” para akong binagsakan ng langit at lupa sa sinabi ng lalaki. “Sandali ako ang–”
“Sinong asawa niya?” sabat ni Javier.
“Naku hindi ko ho alam eh, kanina lang rin kami dumating. Naisip ko lang na asawa niya iyong lalaking kasama kasi ang sweet naman nila sa kotse eh. Hindi ko na nga lang masyadong namukhaan kasi naka–shades iyong lalaki. Nakasakay na rin kasi sila sa kotse nang dumating kami ng asawa ko dito,” paliwanang ng lalaki.
“Sino bang may–ari ng lugar na ito?”
“Ay yan ho ang hindi ko alam. Si Manang Tess ho na lang ang tanungin n’yo at siya talaga ang katiwala dito. Kaso nga eh walang cellphone ‘yon. Mag–iwan na lang kayo nang contact para ibigay ko sa kanya pagbalik niya dito.”
Pero hanggang sa kasalukuyan walang tumawag na Manang Tess sa akin. Nang bumalik ulit kami ni Javier sa lugar. Iba na nakatira. Bagong katiwala na at hindi raw kilala si Manang
Tess.
“Bumalik kaya ulit tayo doon Javier?” Wala sa sariling saad ko.
“Malabo na ‘yon Sir. Kita mo nga’t nakulitan na iyong matanda last time. Gusto mo bang i–report tayo nu’n sa police?”
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)