Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 88

Oo nga pala anak, dapat inalam mo rin kung sino ang sperm donor?

Saka ko na iisipin yon, Mom. Saka kung tatangapin siya ni Zade hindi na mahalaga kung sino ang ama ng bata. Anak ko pa rin naman siya.lyon lang at tuluyan nang umalis si Atasha.

Nagdidiwang naman ang kalooban ni Natasha at muling tinitigan ang gold invitation card. Kaunting tiis pa, magiging maayos rin ang lahat.

O akala ko nandito ang anak mo?tanong ni Gener sa asawa ng dumating ito. Nakagolf outfit pa ito dala ang golf bag nito.

Mukha ka talagang don sa outfit mong yan honey,” puri ni Natasha sa asawa.

Bagay rin naman sa’yo ang golf outfit mo bakit ba ayaw mo kasing sumama. Kailangan natin ng socialization para naman mas makilala pa tayo. Marami akong nakausap na negosyante kanina,proud nitong balita sa asawa.

Magaling iyon mahal. Kailangan natin yan.Ipinakita nito ang invitation card kaya excited na napaupo si Gener sa tabi ng asawa.

Sa susunod na buwan na pala yon?Nanlalaki pa ang mata nito sa excitement. Pero kaagad ring naglaho ang ngiti nito ng may maalala. Tumawag pala si Atty Fortunato,” tukoy nito sa anak ng dating lawyer ni Charlene. Kaya nasira ang mukha ni Natasha. Gusto raw niyang makita si Yuri.

Ano? Bakit?Panic na bulalas ni Natasha.

Hindi sinabi pero alam kong may kinalaman sa shares yon.

Teka, honey baka ibibigay na niya kay Yuri ang rights, tanda mo ba dati sabi kapag 25 na si Yuri saka mapapasakanya ang share’s rights. Ang laki na noon. Hindi man lang natin magalaw. Buwisit talaga yang kapatid mong yan eh.

Sa susunod na taon pa ang 25th birthday ni Yuri. Pero paano natin makukuha sa kanya ang shares?Napapaisip na saad ni Gener.

Sa tingin ko kailangan na natin siyang hanapin, tutal naman diba. Siya ang dapat nating kilalaning anak.umiling si Natasha. Pero saan natin siya ulit hahanapin. Mas makakabuting wala siya para sa anak ni Atasha. Kung puwede nga lang huwag na siyang bumalik dito. Para sa atin na ang bahay na to. Ilang taong ako nang nangalaga dito kaya dapat lang na sa atin to mapunta. Kung puwede nga lang mamatay na lang ang babaing

46 The Invitation2

iyon.Gigil na sambit ni Natasha.

Claim

Pero isang nakakalukong ngisi ang kumawala sa ngiti ni Gener. Kaunting panahon na lang naman, honey. Oras na makuha na niya ang shareswala na tayong dapat isipin pa. Iyon lang ang dahilan kaya nabubuhay pa siya hanggang ngayon.

ANO KA BA, lumabas na kaya tayo ngayon. Nandiyan naman si Ate Rita, siya na ang bahala kay Zayu, diba baby dito ka lang ha, bait yan..kausap ni Moira sa batang karga ko.

Pero kasi

SshhIsang taon na kayo dito, at itong subdibisyon na lang ang mundo para sa’yo, Yuri. Hindi ka ba nagsasawa?Nakapamaywang na usig sa akin ni Moira.

Paano naman ako magsasawa kung kasama ko lagi ang anak ko. Saka alam mo namang

Hanggang kailan ka matatakot ha? Saka magsisimula ka na sa kompanya ng mga Saavedra, kaya mas mataas na ang chance na magkita kayo ng asawa mo. Malay mo naman wala nang pakialam yon sa’yo?

Natigalan ako dahil doon. Oo nga naman ano bang ikinatatakot ko kasi? Plinano ko nang mabuti, kaya bakit nga ba natatakot pa rin ako?

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)