52: At Ruins–2
Saglit na hindi nakapagsalita ang mga ito.
“Hindi ba?” gumuhot ang takot sa mukha ni Atasha.
“Ang-” si Natasha. Bakas ang labis na frustration sa mukha na iihilamos ang kamay. Hindi nito akalaing darating ang araw na kailangan nitong aminin sa sariling anak na hindi sa kanila ang lahat.
“Ang ano Mom!”
“Ang kompanya at itong bahay, pag–aari ng totoong ina ni Yuri at si Yuri ang–beneficiary ng lahat ng ito. Kaya hindi natin maibebenta sa legal na paraan.”
Tila naistatwa si Atasha sa narinig! Kulang pa ata ang naunang kahihiyan na naranasan niya. Now this…. “Si…sinasabi n’yong kay Yuri ang lahat ng ito!” tila bombang sumabog sa mukha ni Atasha ang sariling tinuran.
Tuluyang nawasak ang mundo niya sa nalaman. Kaya may malaking shares si Yuri. Kaya kahit halatang ayaw ng pamilya niya kay Yuri, nanatili ito sa bahay nila dahil-“sa kanya ang lahat ng ito?” Tila asido ang mga luhang pumapatak sa kanyang mga mata.
“Kaya nga anak, sa ngayon pabayaan na muna natin si Zen kay Zade. Kailangan muna nating ayusin ang lahat.”
“So… paano tayo, ano ang sa atin? Ano ang sa akin Mom, Dad? All this—everything!” Nanginginig ang tinig ni Atasha. Habang kuyom ang sariling kamay. “This is why I hate her so much— dahil…….. No! No!” pasigaw niyang sambit.
“Anak, ipapaliwanag namin ang lahat….” panic na paki–usap ni Natasha dito. Bakas ang labis na pag–aalala sa anak na tila binagsakan ng buong mundo.
“Kung ganun,” saad ni Atasha na nagtatangis ang bagang. “kunin natin kay Yuri ang lahat ng ito, Dad! Hindi—hindi tamang nasa kanya ang lahat ng para sa akin….” matalim ang garalgal na tinig nito.. “Bakit kailangan ganito ang kalalabasan ng lahat, ang sabi n’yo magiging maayos ang lahat. Kaya bakit?” humahangos na usig niya sa magulang..
“I’m sorry anak, pero hindi pa tapos ang lahat. Magtiwala ka,” pag–aalo ni Natasha dito. “Hindi tayo maghihirap, hindi ko papayagang maghirap ka.”
“HINDI PA RIN ako makapaniwala,” di ko mapigilang saad habang nagpalipat–lipat ang tingin ko kay Clarence at kay Sir Gaston. Naroon ang parting masaya siya sa nalaman. “Kung alam n’yo ang kasinungalingan nila bakit—”
“Revenge, Yuri. Hindi maaring gawin nila kaming tanga. At hindi ako titigil hanggang hindi nawawala sa kanila ang lahat. Alam na namin ang lahat ng pinagdaanan mo sa kamay nang walang hiyang pamilyang ‘yon.” ani Clarence sa seryosong anyo.
“Kaya ba ang bait n’yo sa akin? Sa amin ng anak ko?”
“I didn’t know that until Dad told me about it. Kamukha ka raw kasi ng mommy natin.”
“This belong to you anak, diba?” seryosong saad ni Sir Gaston. Nagulat pa ako ng makita ko ang kuwentas na regalo sa akin ng matandang lalaki noong 18th birthday ko na kinuha sa akin ni Atasha.
“I’m glad you had our mom’s pictures at least nakilala ko man lang ang mukha niya,” may himig tampong saad ni Clarence sa ama. Maingat kong kinuha kay Sir Gaston ang kuwentas.
“Ang totoo po, hindi ko pa nakita ang laman ng pendant o kung may laman ba ito. Kinuha kaagad sa akin ‘to ni Atasha pagkaalis ng matandang lalaking nagbigay nito sa akin.”
“Matandang lalaki?” kunot noong usisa ni Sir Gaston.
“Opo Sir—”
“Dad,” sansala nito sa akin. “from now on, pag–aralan mong tawagin akong Dad or Daddy. Please, anak.” namula pa ang mukha nito sa sinabi. “Ang tagal ko ring gustong sabihin sa’yo ang totoo, pero naisip kong mas mabuting maging mas especial ang pagpapakilala ko sa’yo anak. At tandaan mo mula ngayon. Gawin mo ang lahat ng gusto mo. At tulad ng sinabi ko, poprotektahan kita anak.”
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)