Pagkakamali 127
56 Panghihinayang–1
Claim
56: Panghihinayang–1
56: Panghihinayang
WALA AKONG nagawa kundi ang sumama kay Zade. Naiilang ako sa maya’t mayang sulyap nito. Idagdag pang napapa–isip pa rin ako kung paano nito nagawang magdeklara na mag–asawa pa rin kami. Kaya paghinto ng kotse sa tapat ng gate ng mansion ni Clarence ay mabilis na akong bumaba.
Subalit nagulat ako nang sumunod pa rin ito.
“Sandali, hindi mo man lang ba ako papapasukin?” anitong iginilibot ang tingin sa malaking bahay sa harapan namin. “Kanino bahay ‘to?” usisa pa nito.
“Kay Clarence,” sagot ko dito.
“Dito siya nakatira, kaya pala hindi makapasok dito sa subdibisyon ang mga tauhan ko.”
“Ano?”
“Wala,” sagot nitong nagkamot pa ng batok.
“Salamat sa paghatid,” tatalikuran ko na sana ulit si Zade ng mabilis na hawakan nito ang braso ko na ikinagulat ko.
“Wala man lang tubig o kaya juice. Saka may gusto sana akong—”
“Zade ikaw ‘tong mapilit na ihatid ako, saka kanina pa tayo magkasama sa kotse wala ka namang sinabi,” ani kong hinila ko na ang braso kong hawak nito. Para kasi akong nakuryente saglit, ang init ng palad nito. “Salamat sa paghatid makaka–alis ka na.” baliwalang saad ko dito na ikinabagasak ng balikat nito.
Hindi ko ito puweding papasukin sa bahay ni Clarence lalo’t madalas na sa living room sina Ate Rita na nagbabantay kay Zayu. At iyon ang hindi dapat malaman ni Zade.
“Okay, pero susunduin ulit kita.”
“Hindi na.” mabilis kong sagot dito.
“Hindi naman ako nagpapaalam. Sinabi ko lang para handa ka na darating ako,” preskong sagot nito na tumalikod na rin.
“Kailan pa siya naging ganyan.” Nasabi ko saka ako pumasok na sa gate.
Ang malakas na tawag sa akin ni Zayu ang pumuno sa living room ng makita ako.
Panghihinayang–1
Claim
“Mummmmy….” anitong nakataas pa ang mga kamay para magpakarga. Hindi ko naman ito binigo kaya kaagad itong yumapos sa akin.
“Did you miss mommy?” tanong ko dito. Excited itong tumango at humalik pa sa pisngi ko. Bulol pa itong magsalita pero madaldal na talaga si Zayu.
“Zayu, watzzz pepa pig,” cute na cute nitong kuwento.
“Wow, talaga. Pero bawal ang matagal sa tv screen ha, dapat magplay ka rin.”
tumango–tango naman ito na parang nauunawaan na nga ako. “Dito ka lang muna magbihis lang si mommy, tapos sabay na tayong magdinner okay.”
Muli itong tumango at hindi na nagreklamo pa si Zayu ng ibalik ko ito kay Ate Rita.
Pag–akyat ko pa lang ng hagdan ay nagring na ang phone ko. Hindi nakaregister ang tawag pero sinagot ko na rin.
“Hoy babaing mang–aagaw!” pasigaw na bungad ng tila lasing na tinig sa kabilang linya. Hindi ko na kailangang hulaan kung sino ito.
“Ano bang kailangan mo Atasha? Kung makapagsalita ka naman. Ikaw nga nagpangap ka pang anak ng totoong magulang ko. Kaya sino sa atin ang mang–aagaw. ” baliwalang saad ko dito. Dahilan upang magmura ito ng malakas.
“Ang kapal mo- ikaw ang sumira ng lahat sa akin. Kaya sige lang pakasaya ka ngayon Yuri. Dahil sisiguruhin ko sa’yo, pagsisisihan mong kinalaban mo ako. Wala ka pa rin namang pinag–iba eh, duwag ka pa rin naman tulad noon. At tandaan mo, may anak na kami ni Zade kaya mag–isip kang mabuti. Lubayan mo si Zade kung ayaw mong wasakin ko pati ang pangit mong mukha,” sigaw nito sabay tapos ng tawag.
Malamang alam nitong pinuntahan ako ni Zade kaya nagwawala.
“Kaya bakit sinabi ni Zade na asawa pa rin niya ako?” Nasabi kong napailing na lang ako.
“ABA SIR, kakaiba ang aura mo ngayon. Sinagot ka ba kaagad ni Ma’am Yuri?” usisa sa akin ni Javier. Naroon na naman ito sa bahay at may dalang paper bag na hula ko grocery para kay Baby Zen.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)