Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 101

55: Bisita

KAAGAD na naginit ang ulo ko ng palapit ako sa entrance ng building ng Saavedra Group of Company. Nang sabihin sa akin ng detective na nagtatrabaho na si Yuri sa mga Saavedra. Kaagad akong nagpadala nang isang malaking bouquet ng bulaklak para dito.

Hindi ko na pinalagyan ng pangalan dahil baka hindi tangapin ni Yuri. At sinadya kong magpunta ng maaga para maabutan ko ito.

Nagtiis akong tumayo nang halos kalahating oras tapos bigla na lang eeksena si Martin.

Kaya napalapit ako sa mga ito. At lalo lang akong naasar ng makita kong may dala pa itong bulaklak. Lintek!usal ko.

Tekasila ba nandito para sa’yo?tanong nang babaing katabi ni Yuri.

I came here for Yuri,sabat ni Martin pero kay Yuri nakatingin. Sunduin raw kita sabi ni Clarence.

Nauna akong dumating, at kakausapin ko si Yuri. Alam rin si Senador Gaston na ako ang susundo kay Yuri,” asar na giit ko kay Martin. Nangiinis pa ata ang isang to.

Kanina pa rin ako dito, nasa kotse lang akohirit nito. Para sa’yo nga pala, hatid na kita.”

Akong maghahatid kay Yurihuwag ka ngang eksena, puwede.pikang nakuyom ko ang kamao ko. Kanina pa ako nagiisip ng idadahilan kung bakit ako nandoon tapos eeksena pa ang walang hiya.

Bakit ka nga ba nandito Zade?Naguguluhang baling sa akin ni Yuri. Napalunok naman ako nang makita ko ang walang kislap nitong tingin sa akin.

At mula kung saan biglang sumagi sa isipan ko kung paano ako titigan ni Yuri noon. Iyong laging masaya ang kislap ng mata nito kahit hindi ko naman ito pinapansin noon.

Sukat doon ay nakuyum ko ang kamao ko. Para kasi akong sinakal biglang sa paraan ng titig

nito sa akin.

Sabi ko gusto kitang kausapin at

Pero wala na tayong dahilan para magusap pa Zade.

Tekaano ba ito? Naguguluhan ang brain cells ko guys,sabat ng babaing napapakamot ng noo Alam kong mga hot fafa kayo pero, hindi tamang inaabala n’yo itong kaibigan ko sa

Misita

panliligaw n’yo. Nauna akong ka date niya kaya huwag na kayong eksena. May lakad kami

Okay ihahatid ko na kayo,presenta ko bago pa makapagsalita si Martin.

Aba maganda yan, ano sis? Kanino ba tayo sasama?

Anobakas ang pagkalito sa mata ni Yuri. kasi–

Ako nang maghahatid sa n’yo, then will talk. Tara na,” yakag ko dito. Abot langit ang pagpipigil kong hawakan ang kamay ni Yuri dahil baka magalit ito at lalo akong iwasan.

Pero ganun na lang ang gulat ko nang makita kong hawakan ni Martin ang palad ni Yuri.

Dahilan para bigla na lang umakyat ang dugo sa utak ko.

What the hell….

I’m dating Yuri, hindi ka ba nainform,kumpiyansang saad ni Martin na ikinainit ng ulo ko.

Youdating her?Halos mabasag na ata ang ngipin ko nang magtagisan yon sa inis. Sabay baling kay Yuri. Date pa lang naman hindi mo pa girlfriend at lalong malabong maging asawa mo si Yuri. So take your hands off my wife, you idiot!singhal ko dito na ikinagulat ni Yuri.

Oh lala..asawa mo s’ya!bulalas ng babaing kasama nito. Pambihira. Ayaw ko talaga nang love triangle. Tayo na lang magdate sir pogi, single ako,” tila na

man nagulat si Martin ng hilahin ito ng kaibigan ni Yuri.

Meanwhile.

Napahinto si Emma nang tila biglang natigilan ang lalaking hinila nito. Ang pogi mo sir para magkagusto sa babaing may asawa, mukhang in love si sir isang pogi sa asawa niya,lintaya ni Emma pero walang reaksyong makikita sa mukha ni Martin.

I was with her all this time pero bakit hindi niya ako nakikita tulad ng kung paano niya titigan si Zade?mahinang sambit ni Martin saka baliwalang iniwan si Emma.

Pambihira, bakit kayo nagaagawan sa isang maganda, madami namang ibang maganda at single no. Single rin kaya akohaist!naiiling napalatak nito saka muling nilingon si Yuri.

Bakit niya iiwasan kung halata namang gusto pa rin niya tssskk.anitong tuluyan nang naglakad palayo.

Ihatid na kita?maya maya saad ko nang hindi nagsalita si Yuri.

Bakit kailangan mong magsinungaling ha Zade?bakas ang iritasyon sa magandang mukha

Claber

nito.

Saan?

Na asawa mo pa ako? Ano bang mapapala mo ha? Mabuti pa lubayan mo na lang ako. Ayaw ko na nang gulo sa pagitan namin ni Atasha.

Yuri, I was wrong, bulag ako kaya nangyari ang lahat ng ito. Kung puwede lang bigyan mo ako ng pagkakataong magpaliwanag.

Ano pa bang ipapaliwanag mo. Let’s not complicate things, Zade. Kayo ni Atasha may anak na kayo. Hindi mo alam kung anong pakiramdam na lumakingisang malalim na paghinga ang pinakawalan nito. just focus on her at sa anak n’yo. Huwag mo siyang hayaang lumaking malungkot.kita ko ang emosyong dumaan sa mata nito.

Ngayon higit kong nauunawaan ang gusto nitong sabihin. Alam kong iyon ang dapat kong gawin pero paano naman ang nararamdam ko.

I want her back to me. lyon lang naman ang tanging gusto ko ngayon. Alam kong nagiging makasarili ako. Pero kasalanan bang maging makasarili? I did so much bad things to Yuri, then. Dahil tanga ako.

Kaya gusto kong bumawi sa kahit na anong paraan. Maliban lang ang hayaan pa itong mawala sa paningin ko ngayon.

Uwi na tayo,” pinalambing ko pa ang boses ko.

Ano?gulat nitong sambit na lihim kong ikinangiti. Puwede ba Zade kung anuanong sinasabi mo.

Ibig kong sabihin ihahatid na kita. Pero kung—-” matigil ang sasabihin ko nang biglang bumuhos ang ulan. Umulan naani kong ikinaatras nito. Noong araw na yon malakas rin ang ulan bago tayo unang nagkita.Nasabi ko habang nakatitig ako sa malakas na patak ng ulan. Bakit hindi mo sinabi?

Ang ano ba?Mahinang sagot nito.

Hindi ko alam kung dapat ko pang ipaalala kay Yuri ang lahat. It was painful a memory para isipin pa nito. Lalo’t nagkasakit pa pala ito matapos saktan ni Natasha paguwi nito sa bahay na basang basa ng ulan.

Wala, ang ibig ko lang sabihin. Bakit hindi mo sinabi na aalis ka, iyon lang naman. Halika na ihahatid na kita.muling yakag ko dito saka ko inilahad ang palad ko sa harap nito.

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)