Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 100

54: Admirer

54: Admirer

AKO NA niyan MissI mean Ma’am Yuri.” nakayukong bawi ni Susy sa mga files na nakatambak sa table ko. Dahil nakaleave ako bago ang party. Inaasahan ko nang marami akong trabaho pagdating ko.

At hindi nga ako nagkamali na maraming files na nakatambak sa table ko. Apat na patong ata ng rim bond paper ang mga yon. Lahat yon for sorting and filing. Kapag wala kasi si Mister Oliver tambak ang files sa mesa ko kaya inaagahan ko na talaga ang pasok.

Ayos lang, sabi n’yo as newbie yan ang trabaho ko kaya, ako nang bahala diyan,ani ko dito.

Naku hindi na ho,” magalang nitong saad.

Samantalang noong mga nakaraang araw. Panay ang pagsusuplada ni Susy sa akin. Halos lahat naman sila. Maliban lang kay Miss Emma na tinuturuan talaga ako sa trabaho. At hindi rin niya ako minamaliit dahil undergraduate ako.

Hindi, kami na nito. Ahmantayin mo na lang si Sir Oliver baka may ipapagawa sa’yo.” giit nito sabay kuha ng mga files. Nagulat akong nabuhat niya iyon. Noong last time dalawang rim lang ng bondpaper galing sa office supplies hindi raw nito kaya. Kaya tinawag pa ako para ako ang magbuhat.

At ngayong nalaman nilang anak ako ni Senador Gaston. Para itong hiyang hiya.

Ilang minuto pa ang lumipas nang nagsidatingan na ang mga coemployee namin. Ang dating maiingay pagpasok ay biglang natahimik at nakayukong bumati pa sa akin.

Kaya napailing na lang ako. Di nagtagal ay dumating na rin si Miss Emma. Malapad ang ngiti nito dala ang paborito nitong lunch bag. Hindi ito kasama sa list ng nagattend sa event ng Gala De Manila dahil isang taon pa lang ito sa kompanya.

Good morning, Yuri.Excited na bati pa nito na ikinatingin ng lahat dito. Kaya natigilan ito sa aktong pagabot sa akin ng isang di kalakihang brown paper bag.

Brownies iyon hula ko. Ilang araw na niya akong binibigyan ng brownies, malapit daw kasi ang condo nito sa kilalang Sweet Cakes shop.

Anong mayroon, para silang natuklaw ng ahas,pabulong nitong saad at dumukwang pa sa

akin.

Hayaan mo na sila. Salamat di Miss Emma.

Not aver

Hay bakit ba napakaformal mo. Emma na lang kasi. Kaunti lang naman ang tanda ko sa’yo

eh.

Sige, salamat dito Emma.

Welcome,nakangiting sagot nito saka pumuwesto na sa katabing cubicle ko.Sabay ulit tayo maglunch ha, alam mo naman ayaw nila sa akin dito.mahinang dagdag pa nito.

Nalaman kong si Emma ang nakakita nang madaming error sa financial record, dahilan para materminate ang dating manager. Para kasing may scanner ang mata nito. Ang bilis tumingin kapag numero ang pinaguusapan.

Kaya kapag nahihirapan ako dito ko na itinatanong. AhEmma puwede mo bang tingnan

ulit ito?

Teka, ipakita mo muna kay Madam Susy alam mo namang intrimitida yon. Saka ko icheck para ma bluff ulit natin kapag may mali akong nakita na di niya nakita,” ngumisi pa ito sa

sinabi.

Nagtungo naman ako kay Miss Susy para ipakita ang summary na ipinapagawa nila sa akin noong isang araw. Excuse me pacheck ko lang sana ito.” Magalang kong saad dito.

Ahano, okay lang kung si Emma na ang magcheck siya naman ang assistant ni Sir Oliver eh. Okay lang.nahihiyang saad nito at alanganing ngumiti.

Wala akong nagawa kundi ang umalis na lang. Halatang ilang kasi ang mga ito. Maging ang ibang empleyado hindi makatingin sa akin.

Sis, ano bang mayroon, bakit parang ang bigat ng tensyon dito kanina pa nanakit ang balikat ko eh,” sambit ni Emma nang makabalik ako sa puwesto namin.

Ikaw na lang daw magcheck,” sagot ko na lang dito.

Talaga ano bang nakain niya? Saka feel mo ba ang tensyon dito, nakakastress.

Oo nga eh.Alanganing saad ko dito. Alam kong dahil sa announcement iyon. Pero ayaw kong sabihin kay Emma dahil baka pati ito umiwas na rin sa akin.

Magandang araw, flowers delivery for Ma’am Yuri Ann,napalingon ako sa may pinto dahil doon. Isang malaking bouquet ng bulaklak ang dala nang deliveryman.

Sir dito si Yuri,excited na saad ni Emma. Wow grabe ang ganda naman nito. May boyfriend ka?usig na baling sa akin nito.

Ako? Wawala ah.

Ah sus, eh bakit wawalaat namumula ka pa ha. Kilig ka no,” tudyo nito sa akin na ikinainit ng mukha ko nakatingin kasi ang lahat sa napakagandang bouquet.

Pa pirma na lang dito Ma’am,anitong inabot na sa akin ang dala nitong receiving form.

Kanino ho galing ito, sir?usisa ko nang wala akong makitang pangalan ng sender. Pero pinirmahan ko na rin naman.

Naku, tawagan n’yo na lang ang office namin Ma’am, sa delivery lang ho ako. Salamat ho,paliwanag nito saka umalis na.

Ang mahal siguro nito. Ang ganda at ang laki oh, sa boyfriend mo galing?

Wala akong boyfriend,giit ko.

Ah baka sa admirer mo. Maraming single dito sa building ang nagkakagusto sa’yo kaya malamang sa isa sa mga officemate natin.ani Emma na inamoy pa ang flowers.

Hindi ko rin maiwasang maisip kong kanino galing ang bulaklak? At sino naman ang magpapadala sa akin ng bulaklak sa opisina. Kung kay Martin galing iyon siguradong ito mismo ang magdadala.

Pagkatapos ng lunch ay naging abala na kami sa trabaho. Pinadalhan rin kasi ako ni Mister Oliver ng mga gagawin.

Pagsapit ng alas singko ay isaisa nang nagsialisan ang lahat. Nakaleave kasi ang manager namin kaya maaga kaming uuwi.

Mauna na kami Ma’am Yuri,” anang ni Letty kasunod sina Susy at Alexa.

Teka tinawag ka ba nilang M’am? Ano bang mayroon?Nagkakamot na saad ni Emma.

Magbasa ka kasi sa gc girl,pairap na sagot ni Alexa dito sabay talikod na nang mga ito.

Taray, ano ba kasi iyon?

Sige, pero promise mo hindi ka tulad nila na hindi na rin ako papansinin ha. Kasi nakakailang eh.” Pakiusap ko dito.

Ang oa, ano nga, sis.panungulit nito kaya napilitan na rin ang sabihin at muntik nang mapanganga ito. seryoso!naiilang na napatango na lang ako dito. At mukhang ayaw pang maniwala kaya binuksan pa nito ang phone nito. Seryoso nga sisay Ma’m pala—-

Mas okay na sa akin ang sis o kaya girl, ayaw ko nang Ma’am, empleyado rin ako dito. Kaya sana huwag kang tumulad sa kanila na gusto na lang akong iwasan.

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)