Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin pero hindi naman daw ito humihindi. Sukat doon ay napangiti ako.
“Bakit ba ang daming alam ni Javier?” Nasabi ko saka ako muling bumalik sa loob. Nagulat pa akong karga–karga na ni Javier ang bata.
“Marunong ka pala n’yan?” puna ko dito. OC si Javier at ayaw nito ng makalat at maingay. Pero panay ang daldal ng bata sa sarili nitong lenguwahe habang nakatitig at nakikipag–usap kay Javier.
“Oo nga eh, hindi ko rin alam. Parang gusto ko na rin tuloy magkaanak.”
“Maggirlfriend ka muna bago ka mangarap ng ganyan,” baliwalang sagot ko dito. Pero sa totoo lang mukhang bagay nga dito ang may kargang bata.
“Magkaanak kaagad eh takot ka pang karagahin siya kanina eh.” Pambubuko ni Manang Elisa dito.
“Ayos lang ‘yon—” natigilan ang sasabihin ko nang magring ang phone ko. Napakunot noo ako nang makita ko kung sino ang caller. “Hello…”
“Ako ‘to. Kailangan nating mag–usap, tungkol sa apo namin.” Anang ni Gener Montefalco sa seryosong tinig. “Magkita tayo.”
“Okay pero hindi ngayon, madami akong appointment Sir. Patawagan kita sa assistant ko bukas.” sagot ko dito saka tinapos na ang tawag. “Set me an appointment kay Mr.
Montefalco.”
“Sir, bakit ka pa makikipagkita sa kanya? Baka mamaya kung anong plano ng pamilyang ‘yon,” paalala ni Javier.
“Hindi naman ako pupunta sa bahay nila. Besides alam ko kung anong dahilan niya. He want my money. lyon lang naman ang dahilan para tawagan pa niya ako.” Nag–offer na ako nang pera sa mga ito kapalit ng gusto ni Atasha na panagutan ko ang anak namin. At alam kung sa laki nang utang ng mga Montefalco kailangan nila nang pera.
“Siya nga pala Javier, iyong condo at bank card ni Atasha?”
“Naayos ko na ‘yon sir, pinoproseso na nang banko ang cancelation. Ipapadala ko pa rin ba ang bagong bank card kong mapupunta na sa’yo ang custody ng bata? Sa tingin ko wala ka nang dahilan para sustentuhan pa si Miss Atasha. Besides hindi maganda ‘yon sa image mo kay Ma’am Yuri kapag ginawa mo pa rin ‘yon.”
Cla
“Tama siya Sir Zade. Kapag binigyan mo pa nang pera si Miss Atasha, baka lalo siyang mamihasa. Kaya mabuting huwag na. Gahaman ang pamilyang ‘yon. Marami silang empleyadong pinaalis na hindi na nila binayaran noon. Hindi naman makapagreklamo dahil nagbabanta silang magrereport sa police ng pagnanakaw kahit hindi naman totoo.”
Nagpalipat–lipat ako ng tingin sa mga ito. Pakiramdam ko obligasyon ko pa rin si Atasha dahil sa anak namin. Pero nasa akin naman ang bata kaya sa tingin ko tama sila.
“Sige huwag mo nang ibigay, cancel all her account. Iyong kotse hayaan mo na, luma na rin naman iyon. Siya nga pala Javier, kumusta ang imbestigasyon sa fund ng foundation?”
“Wala pa Sir, tinitrace pa namin ang missing fund. Bigyan mo ako ng ilang araw pa.”
“Okay pero madaliin mo na rin. Magiging busy ako sa mga susunod na araw.” seryosong saad ko dito. “Kaya gusto kong bawasan mo ang work loads ko. Iwasan mo rin ang biglaang meetings at—ahmm dapat wala akong weekend appointment.”
“Ha?” Salubong ang kilay na tanong ni Javier. “Ano namang gagawin n’yo?”
“Manliligaw,” baliwalang sagot niya na ikinatawa ni Javier, masamang tingin ang ibinigay ko
dito.
“Sige, goodluck kong ganun, Sir. Para naman makapagdate ako kapag weekends. Malapit na akong ubanin saka may lakad rin ako sa weekends.” nakangising saad nito.
“Akala ko allergic ka sa babae? Ang tagal na nating magkasama pero wala akong nabalitaang nagdate ka.”
“Personal ko ‘yon bakit kailangan kong sabihin. Goodluck sa panliligaw mo, sana sagutin ka kaagad. Pero kung ako kay Ma’am Yuri huwag—”
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)