“Hayaan mo na girl, baka magbabanyo lang,” baliwalang saad ni Moira saka binalingan si Javier na nagkakamot ng kilay nito. Saka ito lumipat sa tabi ni Clarence.
PAG–AKYAT pa lang namin sa second floor ay kita ko na kaagad si Martin na nagmamadali nang umalis patungo sa exit door. Dahilan para mapangiti ako. Hindi ko alam kung anong ginawa o sinabi ni Javier para umalis si Martin. Pero hindi na iyon ang mahalaga ngayon.
Napakaganda ni Yuri kaya hindi ko na napansin ang nagmamadaling si Clarence.
Kita kong pagkagulat sa mata ni Yuri sa biglang pagsulpot ni Clarence. Wala iyon sa plano namin ni Javier. Pero bahala na. Mabilis akong naglakad palapit sa mga ito at lalong nagulat si Yuri ng makita ako.
“Anong ginagawa mo dito?” Matalim ang boses na saad ni Clarence kay Moira na katabi ni Javier sa mesa. Kaya sinamantala ko ‘yon para maupo sa tabi ni Yuri.
“Teka, ako bang kausap mo?” kunot noong tanong ni Moira na kumapit pa sa braso ni Javier. Halata namang gusto lang galitin si Clarence.
“Ikaw bakit ka rin nandito?” takang baling sa akin ni Yuri at kita kong pagkailang nito.
“Gusto ko lang maglibang—kaso hindi raw ako masasamahan ni Javier, kaya pala.” Palusot
“May ka–date si Yuri kaya huwag kang eksena.” Pataray na sabat ni Moira pero nakangisi
naman.
“I’m talking to you Moira! Umalis na tayo. At ikaw rin,” baling nito kay Yuri at masamang tumingin pa sa akin.
“May date kami okay. Hindi mo ako kailangang utusan at isa pa break na tayo baka nakakalimutan mo lang naman,” paasik na sagot ni Moira na lalong ikinadilim ng mukha ni Clarence. Kulang na lang sumabog ito sa galit. “Baby Javier pasenyahan mo na ang ex ko. Ganyan talaga ‘yan ang grumpy kaya ayaw ko na sa kanya eh. Buti pa ikaw mabait.”
“Baby-” muntik na akong masamid ng sarili kong laway dahil doon.
“Anong nakakatawa?” saway sa akin ni Yuri, natigilan ako nang magsalubong ang titig namin. Naisip kong ang corny ni Moira para tawaginng baby si Javier. Pero parang ang sweet
naman ng ganun.
“Gusto mo rin bang baby ang itawag ko sa’yo? Pero ang korny na noon, babe na lang kaya o kaya-”
So Mua Talunan–2
“O Kaya umalis ka na.”
Claim
“Oo tama, umalis kana Dela Merced. Let’s go Yuri, Moira!” Gigil pa ring mando ni Clarence.
Pero baliwalang umiling lang si Moira.
“Isama mo si Yuri, dahil kapatid mo siya. But I’ll stay here with my baby Javier.”
“Huwag mo akong inisin Moira!”
“Huwag mo siyang sigawan Mr. Saavedra! She’s my date. At kusa naman siyang sumama so walang dahilan para pilitin mo siya kung ayaw niya sa’yo. Kapag iniwan na huwag na kasing maghahabol pa.”
Napalingon ako kay Javier dahil doon. “Loko!” mahinang usal ko dito saka ko tinitigan ito ng masama, pero hindi naman pala nakatingin sa akin ni Javier. Mukhang seryoso itong nakikipagtigan kay Clarence.
Hindi ko pa ito nakitang ganun ka seryoso. Lalo na kaharap ang isang babae.
“Hinahamon mo ba ako?” Tiim bangang saad ni Clarence, kita kong pagkuyom ng kamao
nito. Wala naman akong dapat ipag–alala. Si Javier ang ka–sparing ko pa–minsan–minsan sa boxing at aminado akong mas mahusay ito sa akin.
“Teka sandali ha… ano bang ginagawa mo Clarence?. Nangugulo ka na okay. Iwan mo na
kami dito dahil date namin ‘to ni Javier.”
“Oo umalis na kayo!” sabat ng lalaking hindi ko na napansin ang paglapit nito. “Puwesto ko ‘yan pare!” anitong masama ang tingin sa akin.
Akala ko ba pinaalis na ni Javier si Martin? Bakit bumalik?
“Anong puwesto mo? Sa akin pa rin ‘to. At walang sa’yo!” giit kong kay Yuri nakatingin. Gusto kong iparating dito na hindi ako basta magpapatalo.
Subalit blankong tingin lang ang ibinigay nito sa akin kaya parang umurong naman ang dila
“Okay sige, kayo na lang dito. Uuwi na ako.” Napapabuntong hiningang saad ni Yuri saka ito tumayo. Ganun rin ang ginawa ni Moira at ni Javier na nagkamot pa nang sintido.
“Ngayon lang ako nakikipagdate eh.” Dinig kong monologue ni Javier.
“Ganun ba pasensya na baby kasi naman may epal eh. Lipat na lang tayo ng place–”
“Moira!” singhal pa rin ni Clarence habang kuyom ang kamao nito.
“Isa pang sigaw mo sa akin sasapakin na talaga kita. Break na tayo kaya goodbye.” Asik nito
Moa Talunan–2
kay Clarence saka kumapit na sa braso ni Javier.
“Hatid ko na kayo?” presenta ko pero masamang tingin ang ibinigay sa akin ni Yuri.
Claim
“No, alam mo Zade. Tama si Javier kapag iniwan na huwag mo nang habulin pa.” Talo ko pa ang sinikmuraan ni Yuri dahil doon. Kaya para akong naestatwa na lang.
“Huwag nang habulin pa,” paismid ko saad pero parang nag–echo ang boses ko kaya
napatitig ako kay Clarence na halatang gustong manapak.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)