9: Become my Family–2
“Sabihin mo nga Aling Susan, si Yuri ba.”
“Itinulak si Miss Atasha,” umiling ito. “hindi ho Sir, sinugod niya si Ma’am, nakaiwas lang si Ma’am Yuri kaya nadapa si Miss Atasha. Bakit kasi nagpupunta siya dito. Alam naman niyang aalis na rin si Ma’am Yuri. Nagtataka lang ako kung bakit parang hindi man lang kayo naaawa sa asawa n’yo, Maiwan ko na kayo sir.” paalam nitong tumalikod na, pero huminto ito ng biglang may naalala.
“Iyong mga damit po pala, ayos lang ba kung ipapamigay ko na lang. Magaganda pa kasi iyon eh. Alam n’yo kasi iyong mga damit na iyon pinili niya dahil gusto niya. Sobrang pihikan si Ma’am Yuri sa mga gamit at matipid rin. Nakakapanghinayang lang.”
“Gawin n’yo ang gusto n’ya. Ah, bakit nga pala siya sumuka?”
“Hyper acidity daw ho. Uminum na raw siya nang gamot.”
“Ganun ba, sige. Salamat.” nasabi ko na lang saka ko ito iniwan.
Natagpuan ko ang sarili kong patungo sa silid ni Yuri. Ilang sandali na akong nakatayo sa may pinto. Nag–aalangan na parang may nagawa akong pagkakamali dito.
I just want to check on her. Giit ko sa sarili ko. Saka ko nagawang ipihit ang door knob para buksan ang
pinto.
Katahimikan ang bumungad sa akin. Habang nakatuon ang atensyon ko sa babaing mahimbing ang tulog sa gitna nang kama. Pero sa halip na lumapit pa dito ay mabilis na akong lumabas ng silid nito.
DALAWANG araw ang matuling lumipas. Pagkatapos nang nangyari ay hindi na kami halos nagkikita ni Zade. Pabor naman sa akin dahil mabuti na rin ‘yon. Naipadala ko na kay Moira ang mga painting materials ko. Sa susunod na araw na ang dating ng mag–asawang Dela Merced.
“Malapit na tayong umalis dito.” kausap ko sa anak ko habang hinahaplos ko ang aking tiyan. Wala pa rin namang gaanong pagbabago sa katawan ko, malibang nararamdamang kong pumapayat ako dahil nagiging pihikan na rin ako sa pagkain. Minsan pa nga wala akong gana sa pagkain kaya nakakatulog na lang ako nang walang kain. Kaya binabawi ko na lang sa pag–inum ng gatas at vitamins at kapag may
prutas akong gusto.
Pero nitong nagdaang dalawang araw, parang madalas gusto kong makita si Zade. Pero alam kong kailangan kong pigilan ang sarili ko. Dahil hindi tamang nararamdaman ko na parang gusto ko talaga siyang makita.
“Yuri!” nagitia ako sa tinig na ‘yon. Magkasama nga pala kami ni Clarence. Nangulit itong gusto umanong makita ang bagong painting na ginagawa ko. I consider him as one of my top fans kaya pinagbigyan ko ito. Naroon kami ngayon sa apartment ko.
“Ano ‘yon?”
“Tinatanong ko kung magiging komportable ka ba dito? Maliit lang ‘to at–”
“Mas gusto kong maliit na place lang, Clarence salamat sa offer pero nakakahiya talaga ang suggestion mong tumira ako sa bahay mo.”
“Ewan ko ba kasi, parang hindi ko matiis na dito ka titira. Hindi bagay sa’yo.”
“Hindi ako namimili ng tutuluyan ko Clarence, sapat nang may masisilungan ako na ligtas at matatawag kong sa akin,” anitong tipid kong nginitan.
“Okay sige, but I suggest papalitan ko iyong lock, tapos dapat may double lock ka rin para safe. At huwag mo nang tangihan para hindi ako mag–alala.”
“Alam mo nakaka–inis kayo bakit parang wala ako dito kung mag–usap kayo ha.” Nakasimarigot na saad ni
Moira.
“Sabihin mo nga, may gusto ka na ba sa kaibigan ko ha Clarence. Feeling close ka na d’yan eh.”
“Masaya lang akong nakikita ko si Yuri. Sabi mo nga parang soulmate kami, but not romantically. Solong
anak ako kaya feeling ko si Yuri ang kapatid na gusto kong magkaroon ako.”
“Talaga, kung sabagay pareho ang kulay nang mata n’yo. Teka baka naman nawawala mong kapatid si
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)