Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 13

9: Become my Family-3

Ahpero may pagkamm ba tayo dito, gutom na ako eh.nasabi ko na lang nang biglang kumalam ang sikmura ko.

Wala pero may mga convenient store sa baba, may grocery rin kaso wala pa tayong gamit dito para makapagluto.” paliwanag ni Moira na halatang disappointed..

Sige baba lang ako para bumili,ani ko.

Sasamahan na kita. Baka mahilo ka pa sa labas.presenta ni Clarence na tumayo na rin. Dito ka lang muna Moira, anong gusto mo, ibibili ka namin.

Kahit ano na lang, bilisan n’yo ha.” habol na bilin pa nito. Nasa 7th floor ang apartment ko kaya nagelevator na rin kami.

Pero pagdating ko sa convienent store wala akong maisip kainin. Until I decided I want pizza. Pumayag naman si Clarence na magdrive kami para humanap ng makakain kahit puwede naman sana kaming magpadeliver.

Hindi naman nagtagal ay nakita namin ang hinahanap ko.

Hindi mo na sinagot ang tanong ko, Yuri. Gusto mo bang maging parti ng pamilya namin. Mas mapoprotektahan kita.” seryosong saad ni Clarence habang nagaantay kami.

Ayos lang naman ako, saka Clarence kasinaiilang akong masyado kang attentive sa akin.nahihiyang saway ko dito. Hindi ako sanay.

OA na ba, sorry. Hindi ko kasi talaga alam kung bakit masaya akong kasama ka. As if I’ve found a part of me that has been missing for a long time. Hindi ko maexplain perowala akong ibang intensyon I just want to see you happy. Ang lungkot mo kasi at nasasaktan ako para sa’yo.

Siguro sa hormones ko kaya pabago bago ang mood ko. Kaya huwag mo akong alalahanin pa.”

Kaya nga hayaan mo na lang ako, Yuri. Natutuwa lang talaga ako sa’yo. At dahil magkaibigan na tayo kaya umasa kang tutulungan kita sa abot ng makakaya ko. And mind you hindi ako generous sa iba ha, kahit sa mga naging ex ko pa. At totoo gusto kong maging pamilya kita.natatawa nitong pagamin.

Ang suwerte siguro nang mga kaibigan mo.pabirong saad ko.

Hindi rin, iilan lang ang kaibigang maituturing ko dahil na rin sa estado ko sa buhay. Mahigpit si Dad pagdating sa mga nagiging kaibigan ko. Pakiramdam niya pera lang ang gusto ng lahat sa akin.

Buti hindi mo naiisip yan sa amin ni Moira.

Hindi, kasi alam kong totookang tao Yuri. I can see it. At alam kong makikita rin ni Dad yon kapag nakita ka niya. Kaya sa fiftyfifth birthday niya gusto kong iinvite kayo ni Moira. At bawal kang tumangi

Oo na, sa kulit mo sino pang makakatangi.natatawang palatak ko noon naman dumating ang take out

erder namin. At sa sobrang gutom ata hindi na ako nakatiis na bukasan ang isa.

Sa kotse ka na kumain, para mainit pang makain ni Moira ang pizza.” anito na kinuha na ang isang box. Ako naman ay walang pakialam na kumuha nang isang slice at kaagad kong kinagat yon. Saka ako sumunod kay Clarence na naiiling na lang.

Subalit kong kailan palabas na ako nang pizza store ay saka ko makikita ko ang madilim na pares ng mga matang matalim ang titig sa akin.

Yuri!basa ko sa buka nang bibig nito at halatang galit ito. Dahilan upang kumabog na naman ang puso

  1. ko.

Zindy Rivera

Hi Everyone Pakiadd naman sa library n’yo.. Please #VOTE# na rin at pakifollow na rin sana.. Salamat ng sagad.

99+

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)