76: Palusot–1
76: Palusot
“SO WALANG NAKAKA–alam kong paano nakarating sa board of directors ang issue tungkol sa fund ganun ba?” iyon ang naabutan kong usapan sa opisina ni Zade. Nakabukas kasi ang pinto ng private office nito.
Ang alam ko kahapon nito dapat kakausapin ang team ni Wendel pero absent umano ito kaya ngayong araw ang naging meeting.
Buti na lang mabilis naman akong nakabalik pagkahatid namin kila dad sa bahay ni Clarence. Pinatahan ko pa kasi si Zayu na matagal tumigil sa pag–iyak.
Gumugulo rin sa isipan ko ang sinabi ni Dad. Ang kaibigan daw nito ang tinawag ni Zayu na daddy kaya ganun ang reaksyon ng bata. Kaya nga hindi na daw nagpaalam sa bata dahil baka nga umiyak.
“Sa tingin ko mas gusto pa rin ni Mia na makilala ang ama niya, anak. Huwag mong ipagkait iyong sa sarili mong anak.” seryoso pang paalala nito bago ako umalis.
Pasimple kong sinulyapan si Zade mula sa nakabukas na pinto ng private office nito. Hindi nakaligtas sa mata ko ang pagpunas nito ng pawis sa noo nito. Sa lamig ng aircon sa office nito pinagpapawisan pa rin si Zade.
Hindi na muna ako pumasok sa office, dahil ayaw kong makaabala sa meeting ng mga ito. Alam kong seryoso ang issue tungkol sa fund na nawawala at malaking halaga iyon.
Puwede kasing bumaliktad kay Zade ang issue at mapagbintangan ito ng embezzlement kung sakaling hindi mahahanap ang nawawalang fund. Dahil ito ang may central access sa fund account ng Delamers Foundation. Kaya kahit sabihing ito ang CEO at owner ng Delamers hindi papayag ang mga investors at board of director na basta na lang mawala ang pera nang mga ito.
lyon ang pagkaka–alam ko.
“Sir, hindi ko masasagot ang tungkol sa bagay na ‘yan. Pero iilan lang naman tayo, kaya sino ang puweding magpalabas ng balita tungkol sa problema.” Bakas ang kompiyansa sa tinig ni Wendel. As if he already had a hint na alam na ito kung sino, hindi lang masabi ang
katotohanan. “Kung may nagleak man ng impormasyon nasisiguro kong hindi ang team ko ‘yon.”
“Javier may masasabi ka ba dito?”
< 76 Palusot–1
Claim
“Sa totoo lang wala. Mahirap magsalita ng walang tamang katibayan. Pero ang nakapagtataka lang bakit hanggang ngayon wala pa rin tayong sagot dito. Iyong mga files at report na ibibalik n’yo parang umiikot lang walang patutunguhan.”
“So gusto mong sabihing wala kaming ginagawa?” Pikang asik ni Wendel kay Javier.
“Tama na, sa tingin ko mas makakabuting kumuha tayo nang tao na gagawa nito. Sa tingin ko kung sa end lang natin parang walang mangnayayari.” ani Zade na tumingin sa direksyon ko. lyon ng naging suggestion ko dito noong nakaraang araw. At naisip ko si Emma dahil napakahusay nito pagdating sa mga numbero.
“Pero sir– paano ang confidentiality nang—”
“Hindi mo na problema ‘yon Wendel, Ngayong alam na ang board of directors ang issue natitiyak kong posibling kumalat pa ang issue kaya mas makakabuting humanap na nang mas magandang solusyon. Okay, ibigay n’yo na sa amin ang lahat ng records mula bukas. Terminated na ang team n’yo. Bumalik na kayo sa mga dati n’yong trabaho. Umasa pa naman akong may mapapatunayan ka sa akin ngayon Wendel,” bakas ang disappointment sa tinig ni
Zade.
Bagsak ang balikat na nagsilabas ang team ni Wendel. At kita ko ang blankong ekspresyon
nito na tuloy tuloy nang lumabas.
“Bakit ang bilis naman ata ng meeting,” reklamo nang nagkakamot na staff ni Wendel bago tuluyang nakalabas ng pinto.
“Sigurado ka bang ito ang mas makakabuti Sir,” ani Javier kay Zade.
“Oo.. naniniwala akong walang biased kung third party ang titingin. I was hoping Wendel will be able to prove something this time. Pero mukhang kontento na siya kung nasaan siya
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)