100: Walang Tiwala–2
Claim
Muntik na umawang ang bibig ko dahil doon. Ihinatid lang kami ni Martin pero pagkatapos nang pag–uusap namin, buong araw na kaming magkasama ni Zayu. Kaya anong pinagsasabi ng lalaking ‘to?
“Sorry kung nag–isip ako nang masama. Hindi ko lang gusto ang ideya na kasama mo si Zayu at ang lalaking ‘yon. I should be the one spending the time with you and our daughter kaya nagalit lang ako. Hindi ata talaga gumagana ang utak ko kapag nagseselos ako.”
“Huwag mo na akong lukuhin Zade. Hindi na ako maniniwala sa kasinungalingan mo. I had enough of your lies so…”
“Hindi ako nagsisinungaling Yuri,” giit nitong napahilamos pa ng kamay nito.
“Stop lying!” Sikmat ko pero nagulat ako nang lumapit ito sa tabi ko.
“Wala ka bang tiwala sa akin?”
“How can I trust you, Zade Larzon?” ganting tanong ko dito, hindi ko iniwasan ang mga mata nito. Hindi ako bulag at lalong hindi tanga para hindi maunawaan ang mga nakita ko. “Noon at ngayon, you’ll end up choosing Atasha kaya—”
“What the hell are you talking about!” sansala nito. “Bakit ko pipiliin si Atasha? Sandali lang…” anitong hinawakan pa ang mukha ko..
“Ano ba?”
“Did you received picture of me with Atasha!” Matalim ang tingin nito kasabay nang pagtagisan ng bagang nito. Wala akong sinabi pero mahinang nagmura si Zade. “That b*tch did it on purpose,” asar nitong sambit kaya ako naman ang naguluhan.
“Yuri, it’s true pumunta si Atasha, or maybe she waited for me. Pass ten na kami naka–uwi ng gabing ‘yon.” anito at ipinaliwanag ang nangyari.
Pero hindi ko maiwasang makadama ang pagdududa sa mga sinabi nito.
“Sa tingin ko, may taong gustong sirain tayo.” Natigilan ako sa sinabi ni Zade. At mas ikinabigla ko ay nang ipakita nito sa akin ang mga larawan sa phone nito. It was taken yesterday nang ihatid kami ni Zade sa mall. “Kaya sa inis ko pinuntahan ko si Martin at binigyan ko nang isang matinding uppercut. And he even confirmed to me na magkasama nga kayo.”
“Bakit naman magsisinungaling sa’yo si Martin?”
100 Walang Tiwala 2
Claim
“Come on Yuri. His in love with you kaya hindi imposibling samantalahin niya ang pagkakataon para galitin ako… Or worst baka siya pa ang may gawa ng mga ‘yan.” nakakasigurong akusa nito.
“Pero hindi ganun si Martin. Mabuti siyang tao.‘
“Huwag mo na nga siyang ipagtanggol. Lalo lang akong naiinis sa pagmumukha niya,” anitong hinawakan pa ang palad ko. “I’m sorry kong nagalit ako. At maniwala ka. Kung bibigyan ako nang pagkakataong ibalik ang lahat. Hinding hindi ko pipiliin si Atasha.”
“Hindi ka niya pinuntahan para makipag–ayos?”
“Well yes, pumunta siya para makipag–ayos pero, maniwala ka. Kahit dahil pa kay baby Zen. I will never choose her. Kaya nga mas pinili kong magkunwari na lang na hindi ko alam ang tungkol sa anak natin. Dahil ayaw kong isipin mong gusto lang kitang balikan dahil sa anak natin. Alam ko sa sarili kong ikaw lang ang gusto ko kaya huwag mo na sana akong pagdudahan pa, Yuri.
“Patawarin mo rin ako kung nagalit kaagad ako. Mula ngayon pagbubutihin ko na, let’s talk our issues first bago magalit sa isa’t isa. Let’s do that okay,” malambing na saad nito.
“Okay pero pwede pang bitawan mo na ang mukha ko, kanina ka pa.”
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)