101: Parusa (Hot)-1
101: Parusa (Hot)
Claim
WALANG NAGAWA SI Yuri nang sabihin kong uuwi na kami sa bahay namin. Ito naman talaga ang matagal ko nang gustong gawin. Ang makasama ang pamilya ko. At lingid sa kaalaman ni Yuri, ipinaayos ko na ang dating kuwarto nito para kay Zayu. Pinapalitan ko na lang nang lock para hindi malaman ni Yuri na alam ko na ang lahat.
“Wow, butefly…” excited nitong sambit nang buksan ko ang pinto ng kuwarto. Maging si Yuri ay nagulat rin. Ipinagaya ko ang design sa lugar kung saan nanatili si Yuri noon para itago sa akin ang anak ko. Naisip kong magugusuhan ni Zayu dahil mahilig ito sa mga butterfly.
“Kailan mo pa nagawa ‘to?” hindi nakatiis na komento nito
“Noong isang araw lang natapos. Pinagagawa ko habang nasa office tayo. Nagustuhan mo
ba?”
“Mummy, look big butefly…” sambat ni Zayu na nakaturo sa kumot nitong pink at may malalaking butterfly na design. Maging ang unan nito butterfly design rin.
Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa kasiyahang nakikita ko sa anak namin. At sa lahat nang mga nagawa ko bilang isang negosyante, masasabi kong higit na kasiyahan ang nararamdaman ko sa nakikita kong reaksyon ni Zayu sa sandaling ‘yon.
“Nagustuhan niya,” sagot ni Yuri na sa bata nakatingin.
“ten you daddyy…” ani Zayu na yumapos pa sa akin.
Kung hindi lang bululbol pa si Zayu iisipin kong mahigit tatlong taon na ang anak ko. Madami na itong nasabi at napaka–appreciative na rin nito.
“Daddyy go der…” utos sa akin ni Zayu na nakaturo ang kamay sa kama nito. Hindi ko naman ito binigo. At nang ibaba ko ito sa kama. Excited na tumalon–talon ito doon saka hinila ang unan nito.
“Buti na lang hindi na grasshopper ang gusto mo, princess,” ani ko dito pero dahil abala na si Zayu sa unan nitong halatang nagustuhan nito. Nakalimutan ata ng bata kasama kami nito sa kuwarto
Maya–maya pa ay napagod na rin si Zayu kaya binigyan na ni Yuri ng gatas. At bago pa maubos ang laman ng bote nakatulog na si Zayu
“Ang bilis niyang nakatulog, siguro alam ni Zayu na nandito na siya sa totoo niyang bahay.” nasabi ko na ikinangiti lang nang tipid ni Yuri.
101 Parusa (Hot) 1
Alam kong hindi pa rin ito komportable ngayon. Mali na naman kasi ako. Tama si Dad madami pa akong kailangan matutunan sa isang relasyon.
Claim
“Wife halika na sa kuwarto natin, rest muna tayo saglit.” Yakag ko kay Yuri saka ko ito hinila habang may ideyang naglalaro ngayon sa utak ko.
HINDI NA AKO tumangi nang dalhin ako ni Zade sa silid namin. Gusto ko rin itong maka–usap. Saka hindi pa pala ako nakapagsabi kay Dad na kinuha namin si Zayu, baka magtampo naman ito.
“Zade iyong….ayyy…” gulat na napasinghap ako nang mabilis akong pangkuin ni Zade kaya napakapit na lang ako sa batok nito. “Ano ba,” bulalas ko nang basta na lang ako nito itapon sa kama. At bago pa ako nakabawi ay muli akong napasinghap nang marahas akong halikan ni Zade. Puno nang kasabikan at pangigigil at kulang na lang higupin ang bibig ko.
“Zade…san… sanda.. uhmm,” protesta kong nilamon na lang nang ungol nang mahuli nito ang dila ko. At ang mga kamay nito ay nagmamadaling hinila ang saplot ko kaya napigtas ang mga butones ng blouse ko. “Zade!” sa wakas nasambit ko sa pagitan nang pagsinghap nang pakawalan nito ang bibig ko.
“What!” He groan, sabay hila nang panty ko. Pati pala palda ko nahubad na rin ng malikot na kamay ni Zade ng hindi ko namamalayan.
“Hindi ba dapat nag–uusap tayo nang maayos,” saway ko dito nang bumaba ang halik nito sa leeg ko. “Tumigil ka nga!”
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)