107: Malayong Pag-asa-2
Hindi ko ugaling magdala ng kung sino sa bahay ko kaya naisip kong mas makakabuti na ‘yon.
“Miss gising na ang pasyente ko?” tanong ko sa nurse na nakaduty. Kilala naman ako sa St. Joseph
Medical Hospital kaya magiliw ang pagtrato sa akin ng mga nurse at doctor dito.
“Tulog pa ho, may amenia lang ang pasyente pero other than sa nainfect na sugat sa talampakan niya wala na siyang problema. Baka gising na rin ho ‘yon ngayon,” dagdag pa ni Nurse Rebecca.
Matapos magpasalamat ay nagtungo na kami sa kuwartong kinuha ko para sa dalaga.
“Anong gagawin mo sa kanya?” formal na tanong ni Mister Oliver habang papasok kami sa private room.
“Hindi ko pa alam. Pero sa tingin ko delikado siya kong ibabalik natin siya sa mga Montefalco. Para tumakas nang ganung oras, sa tingin ko may hindi magandang nangyari.”
Tulog pa rin ito nang maabutan namin. Maputi ang babae at may natural na maalong buhok na hindi ganun kahaba. Pero sa hitsura at katawan nito sa hula ko minor pa ito. Probably 16 or 17. Wala kasi akong nakuhang ID sa dala nitong backpack. Maliban sa larawang nasa bag nito kasama anf=g isang babaing hawig dito sa tingin ko ina nito.
“She’s young,” dinig kong komento ni Mister Oliver na kunot ang noong nakatingin sa tulog na babaing
mahinang naghihilik pa.
“Paiimbestigahan mo rin siya. At ikaw na munang bahala sa kanya habang inaalam mo ang tungkol sa pagkatao ng batang ‘yan.”
“Teka bakit ako?” Reklamo ni Mister Oliver na napatingin pa sa akin.
“Hindi puwede sa bahay ko ‘yan. Alam mong maselan ako. I don’t care kahit maganda pa ‘yan. Ihanap mo na lang nang matitirhan ikaw nang bahala.”
“Kaya mo ba ako isinama dito?”
“Why else? Ikaw ang may alam sa mga ganyang bagay. Saka mukhang kawawa naman eh.”
“Clarence,” seryoso nitong sambit. Kapag ganun ang tono ni Mister Oliver alam kung asar ito. “Alam mong sa condo ako madalas nakatira. I can’t take her with me. She’s—”
“Nanay…” kapwa kami natigilan nang biglang umiyak ang babae. “Huwag mo akong iwan…nanay…” tila batang samo nitong naluha pa.
“At this time of the day, nananginip pa siya?” reklamo ni Mister Oliver.
“May pinipili bang oras ang panaginip. Mukha siyang kawawa kaya dapat mo siyang tulungan.”
“Why don’t you help her?” Asar na mando nito sa akin.
“I don’t have time–” natigil ang sasabihin ko nang kumilos ang dalaga. Ilang sandali pa ay nagmulat ito. At sa kung anong dahilan mabilis itong napabalikwas ng bangon.
* 12 Malopesa dea 2
Clans
“Nanay ko po….Sino kayo?” panic nitong tanong sabay hablot ng kumot nito para takpan ang sarili o
magtago, ewan ko.
“Ikaw ang sino, Miss. Bigla kang sumakay sa kotse ko kagabi. Tapos nahimatay ka na lang bigla,” ganting
tanong ko dito. Noon naman ito natigilan at naiiyak na tila na-relieve.
“Salamat po Sir, akala ko mamamatay na ako eh…
“Buhay ka pa naman Miss. Ilang taon ka na ba at anong pangalan mo? Bakit hinahabol ka nang lalaking
iyon kagabi?” Sunod-sunod kong tanong dito.
Kaagad naman itong nagpakilala. She doesn’t look eigtheen pero eighteen na daw ito.
“Parang awa na po n’nyo hwag n’yo na akong ibalik sa amo ko, nakakatakot po doon parang bahay ata ng kampon ng kadiliman ang mga tao doon.” Samo nitong biglang hinawakan ang kamay ni Mister Oliver na nagulat at napatitig sa dalaga. “Please po, marunong naman po akong maglinis at magluto. Kahit wala pong sahod basta may mapuntahan lang ako… ibenenta po kasi ako nang step-father ko sa mga Montefalco. Sige na po mga Sir…” samo nitong panay ang pagtangis.
Lihim akong napangiti nang makita kong tinamaan ng awa si Mister Oliver. Mahina ang puso nito sa mga iyaking babae. Kahit mukha itong istrikto at masungit dahil hindi palangiti. Mabait at matulungin si Mister
Oliver.”
“Paano naman kami makakasigurong hindi ka scammer, Miss?” Ikinagulat ko ang sinabing ‘yon ni Mister Oliver. Kaya napatingin ako dito. Hindi ko inaasahan ang tanong na ‘yon mula sa kanya.
“Es-s–scammer? Hindi naman po ako ganun mga Sir,” sinabi nito ang address nito sa Ilocos. At kung ano ang pangalan ng stepfather nito. “Ang kailangan ko lang ho talaga matutuluyan, hindi ko na kasi nabawi ang NBI clearance at National ID ko doon sa bruhang babae. Kahit sa garahe na lang po nang bahay n’yo o kaya…basta. Magtatrabaho po ako saka—” napangiwi ito nang biglang tumunog ang tiyan nito. “Sorry po.” anitong nasapo ang tiyan. Kaya mabilis kong inilabas ang chocolate sa bulsa ko.
“Here, you can have this. Ibibili ka nang pagkain ni Mister Oliver mamaya. Siya na rin ang bahala muna
sa’yo.”
“Teka… wala pa akong…”
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)