Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 199

108: Resign-1

108: Resign

“YOU MUST resign!” Direkta at walang ligoy na demand ni Mister Romulo na ikina-angat ata nang dugo sa mukha ko.

“What!” ani kong pilit ikinalma ang sarili ko. Wala ako sa position ngayon para magmataas sa kanila. Dahil ang pagkakamali ko ay hindi ako naging maingat. Pero hindi ko gusto ang tono ni Mr. Romulo na tila ba kailangan kong gawin ang nais nito.

“Sir, ang laki nang ibinagsak nang stock price natin ngayon. Kapag nagtagal pa ito baka bumulusok tayo pababa, wala bang ibang paraan para maayos ang problema?” nag-aalalang dugtong naman ni Mrs. Umali.

“Nauunawaan ko ang concern n’yong lahat. Pero Mister Romulo. Baka nakakalimutan mo 150million ang perang nawala dapat sa foundation. Pero isang daan na lang ang naibalik mula sa akin. The fifty million was the one missing and gone.” Kompiyansang saad ko sa mga itong saglit na ikinagulat ng matanda..

“Pero hindi mo ba nakikita naapektuhan ang credibility nang kompanya dahil sa ginawa mo?” Giit nito nang makabawi. Sinulyapan ko si Javier na kaagad namang nakuha ang gusto kong sabihin. Lumapit ito sa projector para buksan ‘yon at isinalang ang usb na dala nito. Kung puwede lang bigwasan ko na si Romulo. Ngayon mas malinaw kong nakikita kung sino ang anay na gustong sumira sa akin.

Ilang sandali pa ay makikita na sa display ng projector ang financial report ng ilang taong kasama sa nakatanngap ng 50million.

“Te–teka anong ibig sabihin n’yan…” inis na napatayo si Mr. Cordova nang makita ang pangalan nito sa listahan. Kaagad na namula ang mukha nang mga ito lalo na si Mr. Romulo.

“Nakakagulat ba?” Kalmadong tanong ko. Tatlo sa n’yo ang nakinabang ng 50million. Pero ang nakapagtataka. Paanong nakalabas sa media ang tungkol sa problema nang kompanya na pilit kong hinahanap ang puno’t dulo,” kita kong nag-iwas ng tingin si Romulo. Samantalang si Wendel naman walang ekspresyon ang mukhang nakikinig lang. “Kapag nakapulot ka sa labas nang wallet na may pera at may ID naman, gagastusin mo ba ang pera dahil wala namang nakakita na kinuha mo o ikaw ng nakapulot?”

“Teka sinasabi n’yo bang hindi lang kayo ang–” kusang ibinitin ni Mrs. Umali ang sasabihin saka napatingin tatlong taong kasama sa listahan. Most particularly kay Mister Romulo na siyang nakinabang ng 30 million. Samantalang tigsampung milyon naman sina Mr. Cordova at Mr. Lucero.

“Kung pag-iisipang mabuti, paano ako magbibigay nang pera sa mga taong madalas kumokontra sa mga

plano ko para sa kompanya? Kaya hindi mo puweding sabihing magresign ako Mr. Romulo dahil wala

akong perang ninakaw sa kompanya ko. Kung mayroon mang dapat magresign kayo ‘yon!” Madiing utos ko

dito.

“Teka muna! Galit na napatayo pa ito na malakas na hinampas ang mesa. “Anong malay namin sa pera—”

Another slide display ang nagpapakita ng financial statement ni Mr. Romulo.

4 108 Besign-7*

Claim

“Gumastos ka nang 10million para sa isang luxury car. Magkano lang ba ang kita mo. Ang investment mo nandito lang naman sa Delamer’s at Hindi mo kikitain ang sampung milyon sa isang buwan lang, plus 5 million para sa isang exclusive hotel vacation sa A-hotel. Gusto mong ituloy ko pa. Gusto mo bang ipakita ko kung magkano tang ang laman ng company fund money mo dahil sa magastos ninyong pamumuhay.” Kitang kita kong nawalan ng kulay ang mukha ni Mr. Romulo at napaupo na lang at kulang na lang mawalan nito ng ulo sa labis na kahihiyan.

“Ngayon sabihin n’yo sa akin na wala kayong alam na may perang pumasok sa account n’yo na hindi n’yo alam? At isa pa… na trace na namin ang taong nagawang mahack ang system ng Delamers para lang magamit ang pangalan ko sa pagnanakaw nang pera sa foundation. Pero ang wierd na hindi siya bahagi nang kompanya. “Kasunod nang sinabi ko ay ang pagflash ng mukha ni Ericson Alcala sa display.

At hindi nakaligtas sa mata ang pagkabigla sa mukha ni Wendel na kanina pa walang ekspresyon at nakikinig lang. Siniguro kong makikita ko ang ekspresyon ng bawat isa. Pero mukhang si Wendel lang ang nakaka-alam ng lahat.

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)