121: Manuyo-1
121: Manuyo
PAGDATING KO sa bahay ay hindi ko naabutan ang mag-ina ko kaya nagpanic naman akong bumaba para kausapin si Aling Susan.
“Nasaan sina Yuri, Aling Susan?” Kinakabahang tanong ko dito.
“Dadalawin daw po nila si Senador Gaston, Sir.” paliwanag nito kaya mabilis na akong lumabas ulit para puntahan ang mag-ina. Habang nagdadrive ay kabado ako. Ang sinabi ni Yuri na maghiwalay na kami kagabi ang nagpapataranta sa akin.
“I won’t let her leave me again.” nasabi ko. Saka ko tinawagan si Javier para sabihing mag-assigned na ulit ng bodyguard para kay Yuri.
“Alam mo Sir, OA ka. Napaghahalataang guilty ka.” Palatak pa nito pero kaagad ko na ring tinapos ang tawag.
Mabilis naman akong nakarating sa mansion ni Senador Gaston. At pagbaba ko nang kotse ko ay siya namang pagdating nang isang puting sasakyan na agad na ring bumusina at pinagbukasan nang gate.
Naglakad ako palapit sa maliit na gate. Kaagad naman akong pinagbukasan nang makilala ako ng security.
Napalapit ako kay Yuri na pababa nang sasakyan.
Hindi na rin naman ito nagulat at hindi na tumangi nang kunin ko si Zayu.
“Ang tagal n’yong makabalik ah.” dinig ko ang masiglang tinig ni Senador Gaston na napatingin naman sa
direksyon ko. “Nag-enjoy ka ba hija?” tanong nito sa dalagang umibis mula sa kabilang pinto nang kotse.
“Opo, sir.” dinig ko ang sagot ng dalaga. Habang ang mata ko nakatuon sa asawa kong malamig ang tingin
sa akin.
“Huwag mo namang sabihing susunduin mo na kaagad ang app ko ha, Zade?” tanong sa akin ni Senador Gaston kaya napabaling ako dito.
r
“Willing to wait naman ako Sir.” sagot ko.
“Oh siya, pumasok na tayo sa loob. Tamang tama nagpaluto ako nang halaya. Paborito ni Zayu.” malambing na baling nito sa bata na kinuha na sa akin. Pagpasok namin sa living room ay naabutan ko
doon si Ericson Alcala.
Wala namang bakas nang pagkagulat sa mukha nito, kundi ay tumango pa nga ito para magbigay galang
saka tumayo.
“Sa office ko na lang tatapusin ito Sir,” paalam pa nito kay Senador Gaston dala ang isang envelop na
makapal.
“Nandito na kayo, mabuti naman luto na ang meryenda,” anunsyo ni Mrs. Saavedra na napatingin pa sa
$120 Mange
Clam
akin. “Kumusta hijo? Buti nadalaw ka ulit.” bati nito. “Dito na tayo sa dining table at mainit pa sa balcony. Eric mamaya ka na umalis. Kumain ka rin muna.” tawag nito sa paalis na sanang lalaki na tumango lang sa ginang.
Kahit busog pa naman ako sumunod na rin ako. Naghahain na nang ginataang halaya ang mga kasambahay.
“Jennie, hija maupo ka na rin. Hayaan mo sila sa gawain. Baka magtampo naman si Oliver n’yan.” ani Mrs. Saavedra nang tutulong sana ang dalagang tinawag nitong Jennie sa pagsasalin nang juice sa mga baso.
“Okay lang Jennie upo ka na,” ani Yuri. “Siya nga pala, dad, Okay lang ho kaya kong isasama namin si Jennie sa bahay.” maya maya tanong ni Yuri sa ama.
“Hija, bakit hindi mo ba gusto dito sa bahay namin.” sabat ni Mrs. Saavedra.
“Ah naku…hi..hindi po sa ganun Ma’am,” bakas ang pagkapahiya sa mukha nito.
“Ako lang ho naka-isip Tita. Napansin ko kasing hindi pa kabisado ni Jennie mga lugar dito. Eh lagi namang nalabas si Ate Rita kaya pasama-samahin ko sana para masanay rin si Jennie.”
“Well, that’s good.” sang-ayon ni Senador.
“Pero darling, dito siya iniwan ni Oliver. Baka naman magtampo iyong tao. Hayaan mo’t pasasamahin ko
rin siya kay Manang Fe. Two weeks lang naman mawawala si Oliver, hija.” giit ni Mrs. Saavedra.
“Hayaan mo na Daisy, saka kita mo naman bata pa si Jennie malamang nabobored siya dito dahil puro
matatanda ang kasama at kausap niya.”
Hindi nakaligtas sa mata ko ang saglit na paglaho nang kislap sa mata ni Mrs. Saavedra. Pero pagkurap
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)