Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 228

121: Manuyo-2

“Hijo, hindi ka ba mahilig sa ginataang halaya?” tanong nito na nakatingin sa plato ko.

“Kumakain rin naman ho, pero katatapos lang namin maglunch ni Javier. Kaya busog pa ho ako. Pero masarap ho pagkakagawa nito,” toteang saad ko.

“Zade, alam kong marami kang trabaho. Pero hindi maganda sa kalusugan ang pagpapalipas nang gutom. Kumain ka sa oras. Anak, dapat ipinagdadala mo kasi ng lunch ang asawa mo,” sita nito kay Yuri pero tipid lang itong ngumiti at tumango.

Hanggang matapos ang meryenda ay hindi ako binalingan pa nang tingin ni Yuri.

“Tsk…tsk..” dinig ko ang palatak ni Senador Gaston na nasa likuran ko pala. May dala itong dalawang tasa ng kape, inabot nito sa akin ang isa. Naroon kami sa veranda habang pinagmamasdan ko si Yuri na nakikipaglaro kay Zayu sa malawak na damuhan. She was making bubbles for our child na tuwang tuwa naman. “Akala ko pa naman mas matino nang lalaki kaysa sa akin,” anitong tinapik pa ang balikat ko.

“I’m trying, Dad.”

“Stop trying, do it. Selosa ang mga babae. At sa ginawa mong pag-alis kay baby Zen sa poder ninyong mag-asawa. You made her think na dinala mo ang bata para makasama ni Atasha ang anak n’yo.”

“Hindi ko naisip ang bagay na ‘yon. Akala ko lang ‘yon ang tama.”

“Ayos lang ‘yan, sabi ko nga walang masama sa tampuhan at away mag-asawa. Pero isa lang ang dapat

mong tandaan. Huwag mo siyang bigyan ng dahilan para awayin ka dahil sa ibang babae. Dahil doon ka

mahihirapan. Lalo’t may bad record ka.”

“Yes, Dad.” sagot kong ikinatawa nito nang mahina.

“Kapag nakikita ko kayo ni Yuri, hindi ko maiwasang maalala ang buhay namin ng dati kong asawa.” naglaho ang ngiti nito nang lingunin ko si Senador Gaston. Kita ko ang pait sa mata nitong tumingala pa sa asul na langit. “She was my life and my dreams pero—” kusa nitong ibinitin ang sasabihin.

“Huwag mong hayaang tumagal ang tampuhan n’yo. Matuto kang manuyo nang taina. S*x is good thing kung simple lang ang tampuhan ng mag-asawa. Pero tandaan mong higit doon.” Tinapik nito ang dibdib ko. “Yan ang mas mahalaga.”

“May maisusuggest ba kayong paraan sir.”

“Yan ang wala akong masasabi. I never get that chance in this life,” may himig lungkot na saad nito.

Sa kabilang banda.

HUMIGPIT ang pagkakakuyom nang kamao ni Daisy sa narinig. Sa labing apat na taong kasal nila ni Gaston. Never niyang naramdamang nag-efforts ito sa pagsasama nila. At ang mga naririnig niya mula dito ay tila mga palasong tumatagos didbib niya.

11 Map”

Fourteen years yet, he never forget that woman. Oo hindi nila napag-uusapan dahil ni ayaw nitong mabangit ang pangalan ni Charlene sa bahay nito noon. Pero mula nang dumating si Yuri. Ramdam ni Daisy ang kakulangan sa kanyang pagkatao.

And she hated it everytime she saw her, sa katauhan ni Yuri. Dahil para iyong sumpang paulit-ulit na ipinamumukha sa kanya ang mga sinabi ni Charlene.

“Maaring magtagumpay ka ngang sirain kami ng asawa ko. Daisy. Pero tandaan mong habang buhay kang magiging anino ko lang. Hinding hindi ka makikita ni Gaston sa paraang gusto mo. Dahil ako pa rin ang mamahalin niya hanggang sa huli!” nagitla si Daisy nang may kamay na humawak sa balikat niya. Pulling her away.

Sa likod nang wine cabinet siya dinala ni Eric.

“Hindi mo na dapat pinakikingan ang mga bagay na nagpapasakit sa puso mo.” anitong ikinabalik nang diwa niya. “Anong gusto mong gawin ko sa babae, mahihirapan ako kapag isinama siya sa mansion ng

Dela Merced.”

“Dapat kasi gumawa ka na nang paraan kanina!” Madiin ang mahinang bulyaw nito kay Eric.

“Pasensya na. Puwede nating ulitin ang nangyari—”

“Eric, tumahimik ka huwag mo nang bangitin sa akin ‘yan. Aksidente ang lahat at wala tayong kinalaman doon. Maaalis rin natin sa landas natin ang babaing ‘yon kaya mag-antay ka na lang nang dalawang lingo.

Kukunin ni Oliver ang babae pagbalik niya. Sa ngayon gawin mo ang patuloy na pagbili ng mga shares sa

Delamer’s. Pati sa Montefalco Royal. At simulan muna rin ang paghahanap abogado na pinag-iwanan ni Charlene nang mga dokumento para sa mga anak niya. Walang dapat pakinabangan sina Gener sa perang ‘yon. Naiintindihan mo ba.”

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)