128: Good Person-1
128: Good Person
“SAAN AKO matutulog?” napalingon ako kay Zade na dala ang unan nito. Nasa kuwarto ako ni Baby Zen, si sa’yo naman ay nasa mga abuela nito.
“Di doon ka sa kuwarto mo,” baliwalang saad ko dito.
“Ayaw ko nga doon,” anitong naupo na sa paanan ng kama.
“Para ka namang bata, kita mong may sakit ang anak mo,” sermon ko kay Zade.
“Kaya nga nandito ako para dalawa tayong magbabantay kay Baby Zen,” giit pa rin nito.
“Di tayo magkakasya sa kama ni Baby Zen, alam mong malikot siyang matulog.” Double size ang bed ng bata. Pero kaya nitong ikutin ang kama habang natutulog. Pareho sila ni Zayu. Saglit akong nag-isip ng mapasulyap ako sa malaking crib ni baby Zen.
“Puwede ka doon pero mamaluktot ka nga lang,” ani kong ininguso ko pa ang crib.
“Di masyadong halatang galit ka nga, pero okay na ko dito sa ibaba.” Hinila nito ang spare bed sa ilalim ng
kama.
“Bahala ka.” nasabi ko kaya napangiti si Zade na parang bata. Saka ito lumabas ng kuwarto. Pagbalik nito may dala na itong blanket at kumot.
Kusa nitong inayos ang higaan nito. Saka muling naupo sa kama ni baby Zen. Wala nang lagnat si baby Zen
dahil naka-inum na ito nang gamot. Kaya mahimbing na rin ang tulog nito. Malalim naman itong matulog hindi tulad ni Zayu na madaling magising sa kaunting ingay o paggalaw dito.
“Ang cute niya ano,” maya maya sabi ni Zade na nakatitig sa maamong mukha ni Baby Zen.
“Hmm, maganda rin siyang ngumiti,” dagdag ko pa. “Dito ka na muna,” bilin ko dito saka ako tumayo.
“Saan ka pupunta?”
r
Sinimangutan ko si Zade nang hawakan nito ang kamay ko. “Magkakape ako, para hindi agad ako antukin. At ikaw matulog ka na, hindi ka pumasok sa office kanina diba.”
“Paano ako matutulog kong babantayan ko din si Baby Zen. Sige na antayin na lang kita. Dala ka na rin pala ng bottled water wala kang tumbler dito,” paalala pa nito.
Pagbaba ko ay naabutan ko sa kusina sina Manang Elisa, Ate Rita at Jennie na mukhang seryoso ang usapan. At kapwa natigilan ang mga ito na napatingin sa akin.
“Bakit parang ang seryoso n’yo?” di nakatiis na tanong ko sa mga ito.
“Ate..”ani Jennie sa seryosong tinig.
“Oh bakit?”
1.8 Good
Claire
“Eh kasi, hija itong si Jennie may sinasabi sa amin. Eh sabi ko nga baka nagkakamali lang kasi diba positive ang DNA test nila Sir Zade at baby Zen.” bigla akong nakuryos sa sinabi nito kaya napabaling ako kay Jennie.
“Ano ba ‘yon Jennie.” usisa ko dito.
“Ah… pero huwag ho kayong magagalit, narinig ko lang naman kasi iyon.” Kinagat pa nito ang kuko nito. Kaya pinalo ‘yon ni Ate Rita.
“Turn off kaya sa lalaki ang babaing nagkakagat ng kuko, pasaway ka talaga.”
“Sorry, nakalimutan ka na naman, ganito po talaga ako kapag di mapalagay,” paliwanag pa nitong ibinaba ang kamay sa kandungan nito. “Ang totoo po hindi rin ako sigurado sa narinig ko nang araw na ‘yon. Kasi lagi po talaga akong kinakabahan sa kanila. Pero ang sabi po ni sir Gener.” lumabi itong tumitig pa sa akin. At sa mahinang tinig nagsalita ito.
“Hindi naman daw po anak ni Sir Zade ang bata. Baka daw kapag pinairal ni Ma’am Atasha ang katigasan ng ulo niya baka pati raw ang marangyang buhay ng bata mawala pa. Ganun ang sinabi ni Sir Gener kasi nagpilit si Ma’am na lapitan ang anak niya. Kanina ko lang naisip nang malaman kong anak pala ni Ma’am Atasha si baby Zen.”
“Kung ganun tama ako…” nasabi ko sa sarili ko. “Pero.. paanong positive ang dna test?” Naguguluhang
tingin ang ibinigay ko sa mga ito. “Makinig kayo, puwede bang wala muna kayong pagsabihan ng kahit ano
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)