Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 242

128: Good Person-2

“Oo namanı, iyon nga tang hindi ko alam kong paano nangyari.” Nasabi ko saka ako napailing na lang. Imposible kasing may mangyari kina Atasha at Clarence dahil unang-una ayaw ni Clarence kay Atasha noon pa man. Kaya paano?

lyon ang mga katanungan tumatakbo sa isipan ko habang nagtitipla ako nang kape para sa sarili ko. Saka ako bumalik sa kuwarto. Naabutan ko pang karga ni Zade si Baby Zen na mukhang nagising.

Kinakantahan pa nito ang bata na nakayapos dito. Hindi naman kasi masamang tao si Zade. Madali nga itong mauto at madaling magtiwala sa mga sinasabi nang iba. Pero alam kong mabuti itong tao. Alam ko ‘yon dahil isa ako sa taong nakadama nang kabutihan nito noon.

Isang bagay na kailanman hindi ko makakalimutan. Dahil rin doon kaya nagawa kong magtiis at umasa. Nanatili akong nakamasid kay Zade na naghuhumm para kay Baby Zen. Pero nagulat ako nang mapalingon ito sa direksyon ko.

Nasalita ito nang walang tinig. “Sorry,” basa ko sa buka nang bibig nito. Nang masiguro ata nitong tulog na ulit si Baby Zen saka maingat nitong ibinalik ang bata sa pagkakahiga sa kama, na kaagad namang tumagilid at yumapos sa hotdog pillow nito.

“Nasaan ang kape ko,” anito nang lapitan ako ni Zade.

“Ha? Wala ka namang sinabing ipagtimpla kita, kaya—” hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang kunin ni

Zade ng tasa nang kape ko saka ako hinala patungo sa kama ni baby Zen.

“Sa akin kaya ‘yan,” reklamo ko dito sabay iwas ng tingin.

“Alam ko, sa’yo ‘to kaya sa akin rin ‘to. Anumang pag-aari mo ay para sa akin din, at ganun ka rin dapat sa akin.” saad nito sabay higop nang kape. “Mas masarap pala ang kape kapag may kasalo sa tasa. Para na rin tayong nagkikiss nito!” ungot nitong ikina-init ng mukha ko.

“Umayos ka nga,” saway ko kay Zade pero ngumisi lang ito nang nakakaluko. Saka ibinalik sa akin ang tasa na nagawa kong titigan sa kamay ko. Tumikhim ako para baliwalain ang tinig sa utak ko. Gusto kong sabihin kay Zade ang nalaman ko pero nag-aalala akong baka iba na naman ang isipin nito.

“Siya nga pala, wife, malapit na ang 25th birthday mo diba.”

“Mahigit isang buwan pa ‘yon.”

“Malapit na ‘yon. Naisip ko sana, baka gusto mong magbakasyon tayo nang mga bata, after ng celebration sa bahay nang Dad mo. I’m sure, gusto rin niyang i-celebrate ang birthday mo taon taon bilang pagbawi

diba.”

Natawa ako sa sinabi ni Zade dahil totoo ‘yon. Noong unang beses ako nag-celebrate nang birthday ko kasama sina Clarence three months bago ako manganak kay Zayu, talagang sinabi ni Dad Gaston na taun-taon raw nitong ipaghahanda ang kaarawan ko.

2

At last year lang gusto pa nito nang magarbo pero tumangi naman ako dahil nahihiya naman ako sa mga

ito

Pero kahit alam ko nang totoong pamilya ko rin naman talaga sila. Ayaw ko pa rin ng magarbong handaan. Sapat na sa aking may matatawag akong pamilya na magiging masaya para sa kaarawan ko, ‘yon lang sapat na para sa akin.

“Bakit tayo magbabakasyon, bati na ba tayo?”

“Tsss… bati man tayo o hindi walang kaso ‘yon. Ang mahalaga. Gusto kong magbakasyon tayo. Puwede ring tayong dalawa lang muna, para sa honeymoon.”

“Ano?” Pinanlakihan ko ito nang mata pero ngumisi lang si Zade.

“Honeymoon,” ulit nitong akala ata hindi ko naintindihan.

“Alam ko kong ano ang honeymoon Zade Larzon ang gusto kong sabihin, hindi ko iiwan ang mga bata para sa honeymoon. Ikaw na lang mag-isa kung gusto mo.”

“Yuri naman, walang honeymoon mag-isa ano, yong mag-maryang palad ako sa bakasyon, dina sa bahay na lang madali pa kitang magagapang.” Walang prenong saad nitong kaya hinampas ko ang braso nito.

“Hindi ka talaga masyadong malibog ano?”

“Di talaga, moderate lang. Tamang tama lang para paligayahin kita.” anitong pilyong ngumiti sa akin kaya

lalong nag-init ang mukha ko sa pinagsasabi ni Zade.

“Asawa ko, mukhang marami pa akong dapat gawin para masanay ka sa usapan nating ganito. Nakagawa

na nga tayo nang bata, nahihiya ka pa sa ganyang topic. Normal lang sa mag-asawa ang pag-usapan ang ganitong bagay. Mas masarap magsettle ng issue natin kung nasisiyahan tayo pareho, diba.”

“Tumigil ka na nga Zade! Matulog ka na, gigisingin kita kapag inantok na ako para ikaw naman ang magbantay sa bata.”

“Wala nang lagnat si Baby Zen kaya huwag ka nang mag-alala. Makakatulog siya nang mahimbing dahil babantayan natin siya pareho hanggang umaga.” makahulugang saad nito.

[

“Ay ewan matulog—” hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang mabilis nitong siilin ng halik ang labi ko. Saglit akong hindi nakahuma at nanlaki pa ang mata kong tinitigan ni Zade. Halos masalamin ko na ang sarili ko sa mga mata nitong nagkikislapan sa kasiyahan.

Natauhan lang ako nang maramdaman ko ang paggapang nang kamay nito sa hita ko, kaya mabilis kong

itinulak si Zade.

“Bakit?” namamaos pang tanong nito.

“Anong bakit, galit ako sa’yo, tapos masyado na kang umaabuso.”

“Sabi ko naman okay lang na galit ka, basta ang mahalaga huwag mong tangihan ang pagnanasa ko sa’yo. Saka para hindi rin tayo antukin sa pagbabantay kay baby Zen. Siguradong gising na gising tayo n’yan.”

1.8 Good P

kompiyansang saad nitong kumindat pa nang nakakaluko.

“Zade hindi lahat ng ayaw nadadaan sa ganito ha,” sermon ko dito.

Glam

“Eh pano kong sabihin ko sa’yong mali ka sa bagay na ‘yon. Dahil kahit galit ka sa akin, I can make you beg for me to go deeper.” kulang na lang magtago ako sa ilalim ng kama dahil sa pinagsasabi ni Zade.

MAHALAGANG PAALALA. pakisunod po ANG RULES)

Bawal pong sumagot sa COMMENT SзCTION nang app.

DM sa akin ang SAGOT sa sss m3ssenger ko. THEN Comment #SAGOTDONE sa app kung nakapagm3ssage na sa akin ng nyong sagot. GAWIN lang ito kapag nakasagot nakasend na nang sagot para fair sa lahat.

QUESTIONS: (Example Answer: Ep 1: Mapait)

1: Anong episode at Title nang Ep mababasa ito.

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)