Claim
133: Guilty-2
“Hindi ko na maalala, siguro sa sobrang antok ko na rin, pero salamat at dumating ka.” nasabi ko dito.
“Okay.. pero kumain ka na muna, teka. Dito ka na lang magdadala ako—
“Zade, wala akong sakit, ayos lang ako. Baka pagod lang talaga ako kaya ganito,” pag-aassure kʊ dito saka ako kumilos para bumangon. Wala namang nagawa si Zade kundi alatayan na lang akong akala ata
matanda na ako kaya natawa na lang akong kumapit sa braso nito.
Pero nagulat ako nang bigla akong buhatin ni Zade.
“Zade, ibaba mo nga ako…” nag-iinit ang mukhang saway ko dito.
“Ayaw mong kumain dito sa kuwarto kaya huwag matigas ang ulo it was my fault kaya na nagkaganyan.”
“Baka mahulog tayo,” panic ko saad nito kaya napakapit ako nang mahigpit sa batok nito.
“Sa akin ka lang dapat mahulog kaya huwag kang mag-alala, matatag ang asawa mo.” proud nitong saad sabay ngisi. Ako na lang ang nahiya nang pagpasok namin sa kumedor naroon sina Aling Susan na tila kinikilig pa sa eksena.
“Ang sweet n’yo naman, Sir.” Di nakatiis na komento ni Jennie na ikina-init ng mukha ko.
“Kaya ikaw Jennie dapat maghanap ka nang lalaking magiging mabuti sa’yo at laging sweet.” saad ni Zade na ibinaba na ako sa upuan ko. Pero kita kong namula naman si Jennie na tila may naisip.
“Naku, sir siguradong sweet ang lalaking type ni Jennie kasi mas matanda sa kanya ang lalaki eh.”
“Talaga, dapat siguruhin mo munang walang asawa ‘yan, Jennie.” bilin pa ni Zade dito.
“Wala naman po.. sige iwan na ho namin kayo.” anitong hinila na si Ate Rita, sumunod naman si Aling
Susan sa mga ito.
“Mag-enjoy po kayo,” nakangiting paalala pa nito.
“Kain ka na, asawa ko. Kailangan mo nang lakas,” ani Zade na nilagyan ng nilaga ang bowi ko.
“Hindi ka naman tuloy pumasok sa office,” puna ko kay Zade pero ngumiti lang ito.
“Maasahan ko si Javier at hindi naman kita iiwan nang masama ang pakiramdam mo saka—-” nabitin ang sasabihin ni Zade ng marinig namin ang malakas na sigaw mula sa labas.
“Papasukin n’yo ako…” gigil na sigaw nang babae sa labas.
“Si Atasha ‘yon,” nasabi kong ikina-iling ni Zade. Dahil tapos na rin naman kaming kumain ay magkasunod kaming lumabas para tingnan ang nagwawalang si Atasha.
“Bawal nga kayo dito Ma’am!” saway ng security na pumipigil dito.
“Wag mo akong hawakan!” pagpupumiglas pa nitong biglang natigil nang makita kami. “Zade, ayaw nila akong papasukin, gusto kong makita ang anak ko! Ibigay n’yo sa akin si Baby Zen!”
133 Guilty.
Claro
“Umalis ka na Atasha kung ayaw mong ipadampot ka pa namin sa police.” Kalmadong saad ni Zade. Wala akong nakikitang ekspresyon sa mukha nito.
“Hindi mo puweding gawin sa akin ‘to Yuri, anak ko si Baby Zen, hindi ko papayagang pati siya agawin mo rin sa akin, hindi!” sigaw nitong pulang pula ang mukha at leeg nito. Kasabay noon ay ang masaganang
luha sa mata ni Atasha.
“Dito ka lang!” formal kong sabi kay Zade.
“What!” Bago pa ko nito mapigilan ay naglakad ako palapit kay Atasha.
“Walang hiya kang babae ka! Wala kang karapatang angkinin ang anak ko, sa akin si Baby Zen, anak ko
siya!”
“Analk rin siya nang asawa ko hindi ba?” Kita kong nanlaki ang mga mata nito kaya napangiti ako.
“Oo!” sagot nito ng makabawi.
“Sinungaling!” Mahinang akusa ko na ikinatigalgal nito. Wala pa akong hawak na katibayan. Makukuha ko
ang DNA test result dalawang araw mula ngayon. Pero alam ko, hindi anak ng asawa ko si Baby Zen.
“How dare you!”
“Anak mo nga ba si Baby Zen?” Muling saad ko na lalong ikinamula nang mukha ni Atasha.
“He is my son!” walang ligoy nitong sagot na kung hindi ito pinipigilan ng mga security malamang baka
sinugod na ako ni Atasha. Nagawa kong umiling.
“Hindi ko alam kung dapat kitang kaawaan, pero sa loob ng dalawang araw—” humakbang ako palapit
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)