Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 252

134: Hindi Patatalo-1

134: Hindi Patatalo

“HAY BWISIT!” inis na napa upo si Gener nang maka-uwi siya sa bahay.

“Saan ka ba galing ha, nadadalas ang alis mo dito sa bahay honey, tapos hindi ka pa umuwi kahapon.”

“Puwede ba Natasha, pagod ako. Kailangan kong gumawa nang paraan para magkapera tayo. Muntik ko

na sanang makuha si Yuri,” gigil na sambit ni Gener na ikinalapit ni Natasha sa asawa nito.

“What do you mean?” nanlaki pa ang mata nito.

“Hayaan mo na pumalpak ang plano ko dahil sa Zade Larzon na ‘yon. Ang anak mo bumalik na ba?”

“Iyon na nga eh, umalis rin kanina gusto raw makita ang anak niya. Hindi ko na alam ang gagawin sa kanya. Ayaw makinig, bakit ba masyado siyang attached sa batang ‘yon.” asar na reklamo ni Natasha.

“Pagsabihan mo ‘yang anak mo. Napakatigas ng ulo!”

“Oo na, pero ano ba talagang ginawa mo, may pera na ba tayo?”

“Mayr’on pero huli na raw to sabi ni Daisy.”

“Sus porque ba, masagana ang buhay niya ganun ganun na lang, kung hindi naman dahil sa’yo wala naman

siya sa kinalalagyan niya ngayon diba,” naka-ingos na saad ni Natasha.

“Oo, tama. Kaya bakit ba ako nagmamakaawa sa kanya nang pera ngayon. Na sa’yo ba ba iyong lumang

phone?”

“Sira na ‘yon ano ka ba, pero nakapagsave naman ako nang copy kaya huwag kang mag-alala. Bakit ba

hindi natin naisip ‘yon noon.” kapwa nagkangisian ang mga asawa.

Sa kabilang banda.

Panay ang tangis ni Atasha na nang makaalis siya sa bahay ni Zade. Kulang na lang sumabog siya sa galit sa ginawang pagpapahiya ni Yuri sa kanya.

Plano niya ay magmakaawa sa mag-asawang Dela Merced. Hindi niya puweding ipaubaya si Baby Zen kay

Yuri. Hindi maari.

Mula sa kanyang bag ay kinuha niya ang necklace na bigay sa kanya ng ina ni Zade few years ago. She wanted right for his son. Kaya dapat lang na mapunta sa kanya si baby Zen. At gagamitin niya ang ipinangako sa kanya nang mag-asawa.

Hindi naman nagtagal ay nakarating siya sa bahay nang mag-asawang Dela Merced. Ayaw siyang papasukin ng security kaya hindi siya tumigil. Hanggang sa makita siya ni Tita Azra.

“Bakit mo ba ito ginagawa sa sarili mo Atasha?” bakas na habag sa mukha nitong pinasadahan siya nang tingin. Hindi na siya nag-abalang linisin ang duming kumapit sa tuhod niya dahil sa pagkakadapa niya kanina. Ikatlong beses na siyang nasaktan dahil kay Yuri kaya hindi niya mapapayagang matalo siya.

предват

Alam niya inay pag-asa pa.

Claso

Tita…” simula niyang naiyak pa. Alam niya sa sariling hindi peke ang sakit na nararamdaman niya, sa tuwing iisipin niyang tuluyang mawawala sa kanya ang sarili niyang anak. “Ako ho ang ina ni Baby Zen, kaya maawa naman kayo… walang pag-aalinglangang lumuhod siya sa harap ng mag-asawang nagulat sa

ginawa niya.

Wala siyang paki-alam kahit maging mesirable pa siya sa mata nang iba. Pero anak niya si Baby Zen kaya

hindi siya papayag na mawalan siya ng karapatan.

“Atasha, sa tingin namin sa ngayon mas makakabuting hayaan mo na muna ang anak mo sa poder ni Zade

at Yuri.”

“Tita, hindi pu-puwede ‘yon. Ayaw ko ho…” gumuhit ang takot sa mukha ni Atasha. Ayaw man niyang aminin pero higit siyang natatakot sa isiping baka tratuhin rin ni Yuri ang anak niya tulad ng pagtrato nila

noom dito. “Please naman po…” samo niya sa mga ito.

“Atasha tumayo ka na d’yan,” saway sa kanya ni Tito Zen na napailing pa. “Si Zade ang nagpasya para a anak ninyo. At tama ang asawa ko. Hayaan mo na muna ang bata. Wala kang trabaho at walang sariling pera, lubog sa utang ang magulang mo kaya pano mo bubuhayin ang anak mo. Wala kaming magagawa, kagustuhan ni Zade na ipinatigil ang pagbibigay ng allowance sa’yo.”

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)