“Sorry po, talagang hinanap ko po ‘yan. Kaya sana tulungan n’yo naman akong makuha ang anak ko.” samo niya sa mga ito.
“We’re sorry Atasha, but we can’t do anything about it,” giit ni Tito Zen na lalong magpabagsak ng luha niya.
“Would you mind if I get it back Atasha?”
“Ho?” Gulat na napatitig siya kay Tita Azra. “Pero—”
“Hindi ikaw ang asawa ni Zade kaya hindi rin tamang na sa’yo pa rin ‘to. This Jade belong to my son’s wife. You’ve missed your chance. Kaya wala kang dapat sisihin kundi ang sarili mo,” seryosong saad ni Tita Azra
na ikinalaki nang kanyang mata.
“Tita…”
“Tama ang asawa ko, Atasha. Bakit ka kasi nagdalawang isip ng araw na ‘yon. That night, our son wants to proposed a marriage to you,” nawalan ng kulay ang mukha ni Atasha dahil doon. “Nagdalawang isip ka dahil sa modeling offer sa’yo. Hindi ba? Kaya gumawa ka nang paraan para hindi matuloy ang proposal ni
Zade dahil ang gusto niya magpakasal kaagad kayo.”
“Oo, kayo nang mommy mo, I heard everything that night Atasha. Ayaw mong magpakasal kaya nilasing
mo si Yuri at dinala sa kuwarto ni Zade na nilasing mo rin.” seryosong saad ni Tita Azra.
Halos pigilin niya ang paghinga na napa-upo sa makintab na tiles at nagpalipat-lipat ng tingin sa magulang
ni Zade.
“Ayaw na naming sabihin ‘to kay Zade at Yuri. But I think mas tamang maalala mo kung kaninong
kasalanan kaya naging ganito kagulo ang lahat hindi ba?”
“Tita….” sambit niya sa napakahinang tinig. Malakas na kumabog ang kanyang puso. All along alam ng
mga ito ang tungkol sa ginawa nila nang kanyang ina.
“Nanahimik lang kami dahil naawaa rin naman kami sa’yo. But Atasha… all of this was your fault.”
“Hin–hindi ho sa ganun…kasi—” tuluyan siyang napahagulgol at nakuyom ang kanyang kamao. Oo she did
planned it, pero hindi niya inaasahang may mamagitan kina Yuri at Zade ng gabing ‘yon. Ang gusto lang
naman niya magkaroon ng oras para magawa niya ang gusto niya.
“We’ll keep that secret para na rin sa kapakanan mo. But we hope you could find in your heart to let Zade
go… dahil nagmamahalan sila ni Yuri.”
“No!” luhaang tangi niya. “I can always change everything, tita…. no…no! Walang halaga si Yuri, she’s nothing! Mang-aagaw kasi siya at—” lumakas pa ang sigaw niya at paulit-ulit na umiling. Nagkatinginan
naman ang mag-asawa na tila habag sa nakikitang hitsura ni Atasha.
They planned it perfectly, kaya paano? Paanong alam ng iba? Paanong alam ng magulang ni Zade? Paano?
CFM Hindu?
“So. niluku n’yo pala ako kaya…”
Cham
“Atasha…” may diing saway ni Tita Azra. “ikaw ang lumuko sa sarili mo dahil naniwala kang kaya mong kontrolin ang lahat. Pero hindi bato si Zade para hindi matutunang mahalin ang kanyang asawa sa paglipas ng araw. And it’s your lost, kaya itigil mo na ang lahat ng ipinaglalaban mo.” seryosong saad ni Tita Azra na hawak na ang kwentas. “I’m taking this back. This does not belong to you anymore. Ang hiling ko lang sana makita mong kasalanan mo ang lahat kung bakit ka nasasaktan ngayon.”
Hindi na niya alam kung paano siya nakaalis sa harap nang magulang ni Zade. Pero natagpuan niya ang
sariling naglalakad palayo sa mansion.
“Hindi ko kasalanan… hindi ako ang may kasalanan…” kuyom ang kamaong usal niya. “Si Yuri… si Yuri ang may kasalanan ng lahat, siya ang dapat sisihin, dahil nilandi niya si Zade. Hindi ako titigil hanggang hindi ka nawala sa landas ko Yuri. Ikaw at ang anak n’yo ni Zade! Sagabal kayo sa amin ng anak ko.”
TWO days later.
BAKAS ang excitement sa mata ni Jennie kaya napalapit ako dito. Panay ang tanaw nito sa gate mula pa
kahapon.
“Sino bang hinihintay mo d’yan?”
“Ah… wala ate, nagpapahangin lang po…” tangi nito pero namula naman ang mukha at napayuko. “Bakit
wala pa po si Sir Oliver?” mahinang tanong nito.
“Bakit di mo kaya siya tawagan?” nakangiting suhesyon ko. Dalawang linggo nga lang daw itong mananatili sa kanila, dahil babalik si Mister Oliver. Pero buong maghapon kahapon hindi dumating si Mister Oliver. At ngayon hapon na wala pa rin ito. Kaya hindi maipagkakaila ang pag-aalala sa mukha ni
Jennie.
“Darating din ‘yon, sigurado ‘yon. Baka may inaayos lang si Mister Oliver.” pag-aassure ko dito.
“Sana nga po, baka tulad din siya nang Mama ko, ang sabi babalik agad pero.. hindi na ako binalikan, dahil namatay na siya.” Kita kong nangilid ang luha sa sulok nang mata nito.
“Huwag mo ngang isipin ‘yan. Magiging maayos rin ang lahat. Saka kahit hindi kami ganun ka close ni Mister Oliver, alam kong tumutupad siya sa mga salita niya. Kung nangako siya sa’yong kukunin ka ulit, siguradong babalikan ka niya.”
“Nangako lang siya kasi pinilit ko siya…lagi nga pong galit ‘yon kapag nagkakamali ako. Minsan mabait, minsan masungit din at istrikto pa.” sumbong nitong napabuntong hininga.
“Kung hindi ka niya balikan, eh di dito ka na lang sa amin. Seryoso si Zade sa aluk niyang pag-aaralin ka
nang Delamer’s Foundation kaya huwag ka nang mag-alala.”
“Opo,” mahinang sagot nito na naglamlam pa rin ang mata. Magsasalita sana ako nang magring ang phone
“Yes…” napapalunok kong saad.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)