Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 254

Claim

135: Katotohanan-1

135: Katotohanan

MEANWHILE….

“DARLING saan ka ba pupunta?” tanong ni Daisy sa asawa nang nagbibihis na ito.

“Sa airport, ngayon ang dating ni Oliver.”

“Ano ka ba naman, si Oliver lang pala. Dito ka na lang sa bahay. Bihira na tayong magkita dahil panay ang alis mo…” nakasimangot na giit ni Daisy sa asawa. “Ano bang mayroon sa pinapagawa mo kay Oliver sa

US?”

“Business matters lang, at importante ‘yon kaya kailangan ko siyang maka-usap.”

“Sasama na lang ako kung ganun,” giit ni Daisy na ikina-isang linya nang kilay ni Gaston.

“Stop it Daisy. Magfocus ka na lang sa trabaho mo dito sa bahay.”

“Gaston! How can you say that, I’m your wife. Bakit ka ba ganyan?” maktol niyang napa upo sa pang-isahang couch na naroon sa silid nila. “Ano pa bang kailangan kong gawin para bigyan mo ako nang tamang atensyon mo. I’m not asking for too much.” may bahid ng sama nang loob na reklamo nito.

“Daisy stop being dramatic, alam mong ayaw ko nang drama sa buhay. We’re married because that’s what you want. At,aalis lang ako para makita si Oliver, kaya hindi mo kailangan mag-isip nang kung-anu-ano pa,” sermon nito sa asawa. “Sige na, malalate na ako.,” iyon lang at mabilis nang tumalikod si Gaston.

Pikang ibinato ni Daisy ang hawak niyang tuwalya na ginamit ng kanyang asawa. “Pinakasalan mo nga ako, pero hindi mo naman ako kayang tingnan bilang asawa mo.” gigil niyang sambit saka mabilis na hinagilap ang kanyang selphon para tawagan si Eric.

Mabilis naman itong sumagot. “Eric, anong balita? Pabalik na raw si Oliver. Nalaman mo na ba kung bakit siya nagpunta ng US?” walang ligoy na bungad niya dito.

“Pasensya na M’am pero wala pa. Sabi ng tauhan natin sa US may mga kameeting daw si Oliver, kaya

malamang baka tungkol nga sa negosyo.”

“Pero—”

“Huwag na kayong mag-alala, ano namang paki-alam ng asawa mo kung pinalitan mo ang anak ni Atasha

sa hospital.” walang prenong saad nitong ikinagulat niya saglit.

“Oo nga, tama… bakit ba ako nagpapanic.” aniya pero hindi pa rin mawala ang kaba sa dibdib niya. Habang

lumalaki kasi ang bata mas nagiging hawig ni Clarence ang batang ipinalit niya sa namatay na anak ni Atasha. At ginamit niya ang DNA ni Zayu kaya naging positibo ang resulta nang test. “Kahit kailan pahamak talaga si Gener sa buhay natin.” reklamo niya. Kung hindi naman dahil sa mga utang na loob niya dito matagal na niyang dapat hinayaan ang mga ito. Pero hindi ganun kagaling gawin ‘yon.

“Si Jentic anong gusto mong gawin natin sa kanya?”

Cham

“Ano pa nga ba? Hindi nating puweding hayaang patuloy siyang maging madaldal. Hindi isang hamak na muchacha lang ang sisira sa mga plano ko.”

“Ako nang bahala, susunduin ko na siya ngayon.”

MALAKAS ANG pinting na pulso ko. Nanlalamig rin ang mga kamay ko habang nag-aantay ako kay Dra.

Carmela.

At lalo akong nakadama ng tensyon nang seryoso itong lumabas sa opisina nito. Sa kamay nito hawak ang isang brown envelop. Nakalagay doon ang pangalan ng Testing Center.

“Yan na ba ang….” kusa kong ibinitin ang sasabihin ko nang seryosong tumitig sa akin si Dra. Bago ito

naglakad palapit sa akin.

“Sabihin mo, Mrs. Dela Merced. May kopya ka ba nang naunang DNA test result na sinasabi mo?” seryoso nitong saad.

“Mayroon,” sagot ko. Kinuhanan ko lang nang larawan ‘yon mula sa dokumentong itinago ni Zade.

“Can you send it to my email.” request nitong ikinatango ko na lang. Noon naman inabot nito sa akin ang envelop na hawak nito.

Nanginig pa ang kamay ko nang buksan ko ‘yon.

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)