Claim
135: Katotohanan-2
“Could you send the file to me now? May kailangan lang akong tingnan.” paki-usap nito. At sa nanlalabot kong tuhod nagawa kong magsend ng sss kay Dra. Carmela.
“Anong gagawin ko, dok?”
“Bakit, was it not the report you wanted?” seryosong tanong nito.
“SIR,” magalang na bati ni Oliver nang makita nito ang amo sa waiting area. Nagpasya si Oliver na huwag munang mag-report dito sa mga nalaman niya sa US at sa mismong hospital kung saan nagsilang ng sangol si Atasha.
Dahil maging siya ay hindi makapaniwalang kayang gawin ni Daisy ang ganung bagay.
Pasakay sila nang kotse nang magring ang phone niya. It was an unknown number. Kaya napakunot noo si
Oliver.
“Sino ‘yan?” usisa ni Senador Gaston dito, napailing siya bilang sagot bago sinagot ang tawag.
“Sir, Oliver.” anang tinig na tila bumubulong? Nakilala naman kaagad niya ang boses ni Jennie kaya nag-init ang kanyang pakiramdam na lihim niyang ikinamura.
Ever since Jennie come to his house. Wala na itong ginawa kundi ang guluhin ang bahay at utak niya. Dahil maging ang tinig nito ay nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa kanya. Pakiramdam na hindi niya kayang bigyang ng pangalan.
“Bakit?” malamig niyang tanong dito.
“Ah.. kasi, pinapasundo mo na ako kay Sir Eric?”
“What!”
“Halika na Miss Jennie,” dinig niya ang tinig ni Eric sa kabilang linya.
“Hello! Jennie.”
“Hindi po ba puweding si Sir Oliver na lang ang sumundo sa akin, saka wala po sina ate Yuri dito, nakakahiya kung aalis na lang akong walang paalam.” nangunot ang noo niya nang marinig ang usapan sa
kabilang linya.
“Alam naman nila na aalis ka rin pagbalik ni Oliver kaya bakit ka nag-aalangan. Tayo na may appointment pa
ako.” giit ni Eric..
“Sir… ipinapasundo mo ba si Jennie?”
“No! Mas gusto daw muna niya sa bahay ni Yuri kaya pinayagan kong sumama siya kay Yuri. Baka si Daisy, alam niyang darating ka ngayon.”
“Pero sir?” nagpanic siya dahil doon. “Puntahan muna natin si Jennie.”aniya kay Senador Gaston na kaagad
namang tumango kahit halatang nagtataka.
Claim
“Hello, Jennie….” muli niyang tawag sa dalaga sa kanilang linya pero hindi na ito sumagot pa. Kaya nagdial na lang ulit siya para tawagan ito. Pero panay na lang ang ring ng phone nito.
“Bakit ka ba masyadong nag-aalala Oliver?” di nakatiis nasaad ni Gaston dito.
“Sir…kasi may sinabi sa akin si Jennie tungkol sa asawa mo na ayaw kong paniwalaan, until I learned everything.” kuyom ang kamaong saad ni Oliver kay Gaston?
“Ano bang sinasabi mo Oliver, what about Daisy?” Napasulyap si Oliver sa driver nila. “Sa bahay ko na sasabihin Sir. Sa ngayon, puntahan muna natin si Jennie. Aron pakibilisan.” utos niya sa driver na kaagad namang sumunod.
“HINDI po talaga ako puweding sumama, sir Eric,” giit ni Jennie sa lalaking pilit siyang kinukumbinsi na sumama na dahil utos umano ni Sir Oliver.
“Alam mo Miss nakaka-abala ka na.” bakas ang irritasyon sa tinig nito. Pero determinado si Jennie na huwag sumama sa kahit kanino, maliban kay Mister Oliver.
Alam naman niyang magiging safe siya sa loob ng bahay ng kanyang ate Yuri dahil may mga guard din doon. At naroon sina Ate Rita na nagtataka na rin ata dahil sa kakulitan ng lalaking kaharap nila.
“Napag-utusan lang rin ako. At pareho tayong naabala kung patuloy kang tatangi, halika na.” giit nitong
tumayo na.
“Sir Eric ang sabi ni Sir Oliver siya ang susundo sa akin dito. Kaya hindi ako sasama sa’yo. At isa pa po, bakit ang kulit n’yo?” medyo asar na rin niyang tanong dito.
“Dahil ako naman ang pagagalitan kapag nagmatigas ka pa.” Pinagsalikop niya ang mga braso bilang
protesta.
“Ah basta po, dito lang ako. Hindi ako sasama sa’yo.” matatag niyang tanggi. “Mag-aantay po ako kay Sir Oliver kaya, bahala ka po diyan.”
Lingid sa kaalaman ni Jennie, kanina pa napipikon si Eric sa katigasan ng ulo ng dalaga. Kung puwede nga lang bitbitin na niya ito. Pero may ibang mga tao kaya wala siyang pagpipilian. Hindi naman kasi niya puweding gamitin ang ama-amahan nito dahil malamang galit ang dalaga sa ginawa ng amain nito nang ibenta ito sa mga Montefalco.
“Mabuti pa sir umalis na lang kayo,” sabat naman ng babaing kanina pa nagmamasid lang. “Wala pa masyadong alam si Jennie sa city kaya nag-iingat rin siya.” paliwanag nang babae.
At mukhang wala siyang pagpipilian kundi ang umatras muna.
“Fine,” may diing pagsuko ni Eric na mabilis nang tumalikod. Pero bago pa siya makalabas sa gate ay huminto ang kotsing kilala niya sa tapat ng gate. “Putang ina!” mahinang usal niya. Ilang sandali pa ay
naroon na si Oliver sa kanyang harapan.
“Bakit ka nandito?” matalim ang matang usig nito sa kanya. Kahit iisang pamilya ang mga amo nila. Never niyang naging kaibigan si Oliver.
Claan
“inutuan ako ni Ma’am Daisy na sunduin ang dalaga, dahil pauwi ka na raw.”
“You don’t have to do that, Eric. Sa akin ipinagkatiwala ni Clarence ang batang ‘yon kaya hindi mo siya problema. Makaka-alis ka na,” walang emosyong taboy ni Oliver kay Eric na kusa na ring umalis. Hindi na ito nag-abalang sulyapan ang nakaparadang kotse sa pag-aakalang si liver lang ang sakay noon.
“Sa tingin mo Aron, bakit siya nandito?” seryosong tanong ni Gaston sa driver niya habang sinusundan ng tingin ang lalaking patungo sa kotse.
Pagbalik ni Oliver ay kasunod na nito ang dalaga. Wala na silang imikan hanggang makarating sa condo ni
Oliver.
“Sir,” anang ni Oliver dala ang isang brown envelop ng naroon na sila sa sala. “Ibang sample ang ginamit nila para maging possitive ang result nang dna test ng batang isinilang ni Atasha. Kaya hindi siya anak ni
Zade Larzon.”
“Kung ganun, sino ang ama ng bata?”
“Napacheck ko na ang sample, na dinala ko. Naging positive po sila ni Clarence.”
“So Atasha and Clarence were….?” gulat na napatitig si Gaston dito. Pero umiling si Oliver. “Sa tingin ko ho hindi Sir, dahil sabi nang isang Pinay na nurse. Sigurado silang patay na isinilang ang anak ni Atasha. Pero bigla na lang nabuhay ang bata, pero may isang babae naman ang namatayan nang anak. At magugulat kayo kong sino ang babaing ‘yon.” isang larawan ang inilabas ni Oliver.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)