136: What to do?-1
136: What to do?
“ANAK NI CLARENCE si baby Zen.” muling sambit ko habang nakatitig ako sa batang mahimbing ang tulog
sa crib. “Paano nangyari ‘yon?”
Buong akala ko mapuputol na nang tuluyan ang ugnayan ko sa dating pamilya ko lalo na kay Atasha. Pero kung si Clarence ang ama ni Baby Zen. I had to accept the fact na habang buhay nang bahagi ng buhay
namin ni Zade si Atasha.
Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ko. Saka ko tinawagan si Dad na mabilis namang sumagot.
“Bakit anak?” malambing na tanong nito sa kabilang linya. Pero ramdam kong matamlay ang boses nito.
“Okay ka lang po ba Dad?”
“Ayos lang anak? Bakit na patawag ka? Nabangit pala sa akin ni Daisy na dumalaw ka noong isang araw.”
“Oho, may sasabihin sana akong importante. If your not busy–”
“Nandito ako ngayon sa Laguna. Gusto mo bang ipasundo kita?”
“Hindi na Dad, ako na lang ang pupunta, pero baka bukas na rin. May gusto lang akong sabihin, importante
lang.”
“Sige, ako na lang ang pupunta sa bahay n’yo ngayon.” dáma ko ang matamlay nitong tinig. “May kailangan rin akong sabihin sa n’yong mag-asawa.” anitong tinapos na rin ang tawag.
Meanwhile…
“BAKIT AWAY niyang sumagot,” gigil na saad ni Daisy habang paulit-ulit niyang tinatawagan si Gaston. Panay lang ang ring ng phone nito kaya lalo siyang kinakabahan. “Mga bwisit!” inis na itinapon niya ang phone sa sofa na ikinagulat ng kasambahay na nagdala ng juice para sa kanya.
Sa inis ay nagpasya siyang tawagan si Clarence na kaagad rin naman sumagot.
“Tita bakit po?” magalang na tanong ng binatang abala sa mga papeles sa harapan nito. Inalis nito ang
reading glass at sumandal sa mamahaling upuan.
“Pasensya na, anak. Pero nandiyan ba ang Daddy mo? Magkasama ba kayo?” bakas ang pagkabalisa sa
tinig ni Daisy kaya napakunot noo si Clarence sabay iling.
“Wala po si Dad dito Tita,” formal na sagot ni Clarence. Mariing napakit si Daisy dala ng kabang hindi niya
maipaliwanag. Bumalik lang si Oliver biglang ayaw na siyang kausapin ng kanyang asawa.
Sanay na siyang nababaliwala ni Gaston. Dahil hindi talaga ito affectionate na tipo ng lalaki. Pero ang maramdamn ni Daisy ang takot na nagpapabalisa dito ay isang kakaibang bagay.
Nakalamang lang siya sa mayordoma sa mansion dahil natutulog siya sa kuwarto ni Gaston at may pera
siyang natatangap mula dito.
117
135 Whatieto 1
At hindi ugali ni Gastori ang hindi sagutin ang tawag niya. At iyon ang nagpapagulo sa utak ni Daisy.
Hindi pa kami nagkikita, pero ang sabi niya kahapon darating si Mister Oliver. Baka magkasama sila,” paliwanag ni Clarence na nahijot pa ang batok.
Симт
He was rushing his work para kapag nakompirma na kung nasaan si Moira, hindi siya mahihirapang umalis
ng bansa.
“Sige, tatawagan ko na lang ulit. Baka nga busy ang Daddy mo.” matamlay nitong sagot. Muli na siyang
naging abala nang mag-alarm ang phone niya.
“Oh Shoot!” nahahapong saad niya. Nangako nga pala siya kay Yuri na pupunta sa bahay nito para kay Baby
Zayu. Kaya walang nagawa si Clarence kundi ang ayusin ang mga papeles sa mesa niya. Dapat sa
weekend siya dadalaw kay Baby Zayu, pero dahil baka lumuwas siya nang bansa sa weekend kaya nagset
siya nang schedule.
Palabas na siya nang office niya nang siya namang pagpasok ni Emma.
“May meeting ba tayo ngayon?” nagtatakang tanong niya dito.
“Oo sir, sabi mo dalhin ko sayo ang summary ng expenses na gusto mong i-review.” sagot nito nang
makalapit.
“Iwan mo na lang muna kay Lara. May lakad lang ako.” aniyang itinuro ang babaing assistant niya. Saka
niya ito tinalikuran pero nagulat siya nang mabilis na nakasunod sa kanya si Emma.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)