Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 257

136: What to do?-2

“Shut your mouth Emma Ayaw kong mapag-usapan sa office ang tungkol d’yan.”

“Okay, di sa labas na lang, saan ka ba pupunta Sir? Sasama ako, importante lang kasi talaga.” giit ni Emma na lalong ikinasalubong nang kilay ni Clarence.

“No! Tutal namatay naman ang bata, kaya technically wala na akong responsibilidad sa kanya. At bukod doon, tinangap niya ang perang ibinigay ko. It was my fault, getting drunk and did stupid things,” matiim na

saad ni Clarence.

“Kahit—”

“No! Emma, get back to your work.” nagbabanta ang tinging ipinukol niya kay Emma.

Sa isip ni Emma. Kung hindi lang niya Boss ang lalaki malamang sinipa na niya ito.

Wala siyang nagawa kundi ang bumama sa floor ng opisina ng finance department. Saka niya tinawagan si

Tamara. Kung bakit kasi nasobrahan sa pagiging liberated ang pinsan niyang ‘yon.

“Pumayag ba siya, ate Emma?”

“Galit siya, nasupla pa nga ako.”

“Kainis naman siya. Alam mo napaka closeminded niya. Pareho siya nang girlfriend niyang basta na lang

nagalit.” Naiimagine na niyang umiikot ang mga mata nito. Lumaki sa US si Tamara. Pero pinauwi ito nang magulang nito para ipagkasundo sa isang mayamang pamilya. “Nakokonsensya tuloy ako. Bakit ko pa ba kasi sinabi nang araw na ‘yon. Baliw rin kasi talaga ata ako.”

“Buti alam mo. Makipag-one night stand ka ba naman sa di mo kilala tapos— grabe sarap mong balatan

ng buhay, girl.”

“Aksidente lang ‘yon. Bakit hindi mo pa ba nasubukan ang one night stand?” nakangiti pang tanong nito.

“Ano? Baliw ka ba? Alam mo sinasayang mo ang ganda mo cuž.

cuz.”

“Well, nangyari na ang lahat, ano pang magagawa ko. Gusto ko lang naman sanang—” Kusa nitong ibinitin

ang sasabihin. “Salamat sa efforts ate insan, pasensya na. Pero ako na lang siguro ang kakausap doon sa

girl.”

“Paano mo naman gagawin ‘yon, eh nagtatago na nga iyong girl., kaya laging mainit ang ulo ni Boss

Clarence?”

“Bahala na, sige na bye. See you when I see you.” Napapailing na lang si Emma nang matapos ang tawag.

“WALA PA BA ang asawa mo?” tanong ni Dad Gaston ng hindi nito makita si Zade sa living room. “Anong oras bang umuuwi ang asawa mo,”

“Mamaya lang po nandito na si Zade, Dad.”

“Sige antayin natin siya. Ano nga palang sasabihin mo, anak?” usisa nito.

Claim

“Ahmmen,” inarahas akung lumunok saka ko inabot dito ang DNA test result na pasekreto kong ipinagawa. Kita korig pagkunot noo ni Dad. Letra lang kasi ang ginamit para sa pangalan. “Ang Y po si Baby Zen, ang Z si Zade at ang X ay si…” I pause. “Clarence po dad.”

Kita kong nanlaki ang mata nitong hindi nakapagsalita. ” Hindi ho kasi ako matahimik sa tuwing nakikita ko si Clarence kay Baby Zen,” bagsak ang balikat na pag-amin ko.

“Pero ibig sabihin po nito Dad, si Atasha…. napayuko ako dala nang pag-aalala. Kahit anak ni Zade o ni Clarence si baby Zen, hindi ko kayang alisin ang katotohanang hindi mawawala ang ugnayan ng pamilya ko

kay Atasha.

Baka masyado lang akong nagiging makasarili. “Kawawa naman si Moira.”

“Huwag kang mag-alala, hindi anak ni Atasha si Baby Zen.”

“Ho!” Gulat na napatitig ako kay Dad Gaston. Saka nito ipinaliwanag ang lahat. Pakiramdam ko nalulula

ako sa mga narinig ko.

“Pero hindi iyong ang inaalala ko. Kundi ang mga sinabi ni Jennie sa akin.” Hinawakan pa nito ang mga kamay ko. “Hindi ko alam kung sino ang taong tinutukoy ni Jennie, pero inutusan ko na si Oliver na

mag-imbestiga. Kaya ang gusto ko mag-ingat ka lagi anak.”

“Pero asawa mo si Tita Daisy, Dad,” hindi makapaniwalang saad ko dito.

“Hindi ko rin alam kung bakit? But I married her because of Clarence. Sa mahigit sampung taong lumipas

alam ko sa sarili kong hindi ako naging mabuting asawa sa kanya. Pero hindi ko alam na kaya niyang

mag-isip nang ganito kasama sa iba.”

“Kailangan rin malaman ng asawa mo ang totoo, para hindi na niya lapitan pa si Atasha.”

“Ano hong totoo, dad?” Kapwa kami napalingon sa nakakunoot noong si Zade. Nagpalipat-lipat ito ng tingin

sa amin.

“Maupo ka,” utos naman ni Dad Gaston dito. Na kaagad ring sinunod ni Zade. At kitang kita ko ang

pamumula nang mukha ni Zade na halos magusot ang papel na ibinigay ni Dad dito.

“Paanong…” nagtatangis ang bagang na usal nito kaya hinawakan ko ang kamay ni Zade. Alam kong

malaking insulto para kay Zade ang ginawa ni Atasha.

“Sa tingin mo ba? Alam ni Atasha ang tungkol dito?” tanong ko kay Zade na madilim ang anyo.

“The hell I care kung alam niya o hindi. I’ll make them pay for this! Nagawa pa nilang pagbayarin ako para

lang ibigay nila sa akin ang bata, mga lintek sila,” kulang na lang umusok ang ilong nito.

“Zade! Kumalma ka okay, masyang balita ‘to pero malungkot pa rin. “Dad, alam na ba ito ni Clarence?”

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)