Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 258

Claim

137: May Mali-T

137: May Mali

“GOOD EVENING sir,” bati sa kanya ng security sa mansion nila Yuri. Tumango lang siya sa mga ito saka

naglakad sa pathway. Nakita niya sa labas ang kotse ng kanyang ama kaya tinext niya si Tita Daisy. Para

sabihin na kila Yuri ang kanyang ama, para hindi na rin ito mag-alala. Sanay na naman na siya sa mga ito.

They were never sweet like other couples, pero never naman nag-away ang mga ito. Sabi nga ni Moira,

civil relationship daw ang ganun. At ganun din raw kami. Sa isiping ‘yon napailing na lang ako.

Papasok siya sa malaking pinto nang marinig niya ang boses ni Zade. At tila siya nawindang saglit sa

narinig. “Buntis ho si Moira!”

“Ano!” sabay pang bulalas nila Dad at Yuri. Habang siya parang saglit na huminto ang kanyang mundo. Inisip na niya ang sinabi ni Yuri noong huli silang magkita. Pero hindi niya akalaing si Zade Larzon ang

magkokompirma noon.

“Ang sabi ni Javier, mas pinili daw ni Moira na iwan si Clarence dahil doon sa babae. Kaya kong ipapakasal

mo si Clarence sa babaing ‘yon baka—”

“Anong sinasabi n’yo? Sinong magpapakasal at—” Umalingawngaw ang lalakas na boses in Clarence na

ikinalingon ng mga nasa living room.

“Clarence!” ang kanyang ama na mukhang nagulat sa pagdating niya, pero nabaling ang atensyon niya kay

Zade Larzon.

“Paanong alam mo ang tungkol sa bagay na ‘yon?” usig niya dito. “Kasalanan mo ‘tong putang ina ka!” gigil

na dinuro niya si Zade. Wala siyang paki-alam kung pamamahay nito ang kinatatayuan niya. Kung hindi nito

tinulungang makaalis si Moira hindi sana siya mahihirapang hanapin nito ngayon. At buntis pa pala si

Moira. Ang isiping ‘yon ay nagpapasikip sa kanyang utak.

“Sira ka ba!”

“Tumigil kayo!” may diing saway ng kanyang ama. “Umupo ka dito, Clarence!” mando nito kaya wala siyang nagawa kundi ang sumunod. Pero masamang tingin pa rin ang ibinigay niya kay Zade L’arzon.

“Totoo ba ‘yon Zade?” bakas ang pagtataka sa mukha ni Yuri. Pero ang naroon kislap sa mga mata nito

habang nakatitig sa asawa nito.

“Oo, inamin ni Moira kay Javier.”

“Kung ganun tama ang iniisip ko kaya ayaw nang makipagvideo call sa akin ni Moira,” ani Yuri na bakas ang

pag-aalala sa mukha.

“Pero Clarence dapat mong malaman ang tungkol—”

“DAD,” pigil ko kay Dad Gaston, saglit rin ako nitong tinitigan sa mukha na may pagtataka. “sa tingin ko po mas makakabuti kong hanapin muna ni Clarence si Moira, diba, Dad?” nakiki-usap kong saad dito saka ko

My Mairy

binalingan si Zade na tila nalito sa sinabi ko pero hindi naman ito nagreact pa.

Claim

“Mahahanap mo ba ang kasinthahan mo sa lalorig?” seryosong tanong ni Dad kay Clarence. “Zade alam

mo ba kung nasaan si Maira?”

“Hindi po Dad? Nagpatulong lang siyang matakasan ang mga bodyguard niya.”

“Si Javier, alam ba niya?” Matalim ang tinging ibinigay ni Clarence dito.

“Hindi siguro. Kung kay Yuri nga hindi sinabi, kay Javier pa kaya.”

“Kung ganun, ipahanap mo na si Moira. Hindi ako papayag na may maagrabayado kang babae…” nabitin sa

ere ang sasabihin ni Dad sa ito napailing. “Nagkamali pala ako nang pangaral sa’yo ha?”

“Dad hindi ko— I’m sorry, I’ll fixed this. Hahanapin ko si Moira,” nasa mukha nito ang determinasyon at

masamang tingin ang ipinukol nito kay Zade.

“To Dad!” ang matinis na boses ni Zayu ang bumasag sa tensyong bumabalot sa pagitan ng dalawang

lalaki. Pababa nang hagdan si Ate Rita na karga si Zayu, si baby Zen naman ay karga rin ni Manang Elisa.

“Pati ba ang anak mo kay Atasha, ipapakargo mo pa sa kapatid ko?” nakangiwing usig ni Clarence kay

Zade.

“Lintek ka!”

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)