137: May Mali-2
Pero hindi nakaligtas sa mata ko ang pagtitig ni Clarence sa batang kalong ni Zade. Kung ako nga na kakambal lang ni Clarence dama ko na ang koneksyon sa amin ni Baby Zen.
Kaya alam kong imposibling walang madama na lukso nang dugo si Clarence para sa sarili nitong anak.
“Dalawa na kaagad ang apo ko, pambihira ang bilis kong tumanda,” natiling naman na reklamo ni Dad
Gaston na ikinatawa ko.
“Dad, anak ni Zade sa kabit niya ang bata, kaya hindi mo apo si baby Zen.” pabatang na sagot nito.
“Apo ko sila, magtigil ka nga!”saway ni Dad dito. Pero kita kong muli itong tumitig kay Baby Zen na
nakatingin rin kay Clarence. Saka ito matamis na ngumiti kaya natigilan si Clarence.
“Pero ang pogi niya, ah” tila wala sa sariling saad nitong ikinangiti ko.
“Ano bang inaasahan mo, guwapo ako kaya normal lang ‘yan.” Nang-iinis na pagmamalaki ni Zade.
Senenyasan ko itong tumigil pero ngumisi si Zade at inilapit ang mukha sa tainga ko.
“Pagkakataon ko nang gumati sa kanya,” bulong nito kaya masamang tingin ang ibinigay ko dito, pero
matamis na ngiti naman ang isinagot nito sa akin.
“Zade akin na muna ang apo ko, araw-araw mo naman kasama si Baby Zen kaya hayaan mo na muna ako
sa kanya,” agaw pansin naman ni Dad na tumayo na para kunin kay Zade ang bata. Wala naman itong nagawa kundi ang ibigay si Baby Zen dito.
“Patingin nga kong talagang pogi ka.” nagkikislapan ang matang saad ni Dad sa apo nito.
“Pakarga rin ako Dad,”
“Hindi ka puwede, anak ko ‘yan,”
“Kapatid ko ang kikilalanin niyang ina, huwag ka ngang abusado,” ganting singhal ni Clarence dito.
“Umayos nga kayong dalawa, nasa harap kayo nang mga apo ko.” saway ni Dad Gaston sa mga ito.
J
“Ingatan mo lang ang pagkarga sa anak ko. Kapag napilayan ‘yan, humanda ka sa akin,” banta ni Zade na
inakbayan na ako. “Maiwan muna namin kayo Dad.” paalam ni Zade kay Dad Gaston na inakay na ako
paakyat.
“Ayaw mo bang ipaalam sa kanya ang totoo?” tanong sa akin ni Zade nang nasa kuwarto na kami.
“Pansamantala lang naman. Siguradong hindi papayag si Moira na makipagbalikan kay Clarence kapag
nalaman niyang buhay ang anak ni Clarence sa ibang babae. Alam kong nag-aantay lang si Moira kay Clarence,” nakakasigurong saad ko na ikinabaling sa akin ni Zade.
“Ikaw ba, nag-antay ka rin ba noon sa akin?” seryosong tanong nitong hinawakan pa ang balikat ko.
“Ha?”
A
Clam
“Masyado kang nag-aalala para kay Moira. Naiintindihan ko naman ‘yon. Pero baka magalit si Clarence kapag hindi natin ipinaalam kaagad sa kanya.”
“Hindi naman natin kallangan ipaalam sa kanya, malalaman rin niya ang totoo. Tulad na kung paano ako hindi naniniwalang ikaw ang ama ni Baby Zen..”
“Oo nga pala, dapat magbayad sa akin ang Doctor sa testing Center na ‘yon. Naturingang sila ang pinakamahusay na Laboratory Center sa buong bansa. Pero tragawa nilang pekein ang DNA test namin ni Baby Zen.”
Alam na ng anak ng may-ari ng Testing Center ang nangyari. Kaya hayaan na natin silang ayusin ang problema. Naki-usap rin akong ipaalam sa atin kung sino ang nagbayad para gawin ang peking test,” paliwanag ko dito.
“Pero hindi tama ‘yon, Yuri. Nag-away pa tayo dahil sa ginawa nila. Hindi maaring ganun lang. Dapat noon pa lang nalaman na kaagad natin ang totoo, hindi ba. I’ll make sure na magbabayad sa akin ang taong
‘yon.” bakas ang determinasyon sa mukha ni Zade.
“At huwag mo akong pigilan sa bagay na ‘to. Ilang gabi akong naghirap dahil sa kanila.” Muntik ko nang matampal ang noo ko dahil doon. Akala ko pa naman kung totoong concern ito sa nangyari. Pero
mukhang iba pala ang concern ni Zade.
“Bahala ka nga.”
SA MANSION ng Saavedra.
HINDI Pa rin mapakali si Daisy, kahit sinabi na ni Clarence sa kanya na nasa bahay nila Yuri si Gaston.
Kaya walang tigil siyang nagpapalakad-lakad sa balcony.
“Ma’am, kumalma ka na.” saway ni Eric dito.
“Hindi ako matahimik Eric, kilala ko si Gaston, alam kong may mali sa mga kilos niya. May itinatago siya
sa akin. Sigurado ako doon. Malakas ang kutob ko,” kababakasan ng panic ang mukha ni Daisy na kulang
na lang ay sabunutan ang sarili.
“Paano kong—”
“Mas lalo ka mapapahamak kong magpapanic ka. May mga tao na akong binayaran para sundan ang
asawa mo,” seryosong saad ni Eric. Kaya napaupo naman sa kaharap nitong metal chair si Daisy. “Late na mas mabuting magpahinga ka na,” anito kay Daisy.
“Eric, mangako kang aalamin mo ang lahat ng kilos ng asawa ko. Hindi ako papayag na masira ang lahat
ng pinaghirapan ko ng ilang taon.”
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)