138: Revenge-T
138: Revenge
NAPAMULAT ako nang maramdaman ko ang pinong halik sa batok ko. Good morning, Misis ko, late na.”
bulong nito sa punong tainga ko.
We made love again last night. Matapos ang pag-uusap namin tungkol kay baby Zen. Napagkasunduan namin nila Dad pansamantala kami lang muna ni Zade ang makaka-alam ng totoong pagkatao ni Baby
Zen.
“Hindi kita pinagod kagabi ha, nagbehave ako.” ani Zade kaya napilitan akong umayos nang higa. Saka ko hinila ang kumot para takpan ang katawan ko. “Hindi na kita nabihisan kagabi para di ko maabala ang
tulog mo.” dagdag pa nito.
“Anong oras na ba?” Napahikab na tanong ko dito. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ang bigat ng katawan ko ngayon. Dahil totoo namang hindi ako pinagod ni Zade. Sa tingin ko naguilty talaga ito sa nangyari sa akin noong isang araw. Pero naniniwala akong may ginawa si Tita Daisy sa ininum kung juice sa bahay. Kaya lalo akong napapaisip na baka nga totoo ang sinabi sa amin ni Jennie.
“Maaga pa naman, pero sabi mo raw kay Aling Susan magrocery kayo ngayon,” paalala ni Zade sa akin kaya napakamot na lang ako. “Ako ang driver mo ngayon,” anitong kumindat pa.
Napailing na lang ako saka ko kinuha ang bathrobe ko. Pagpasok ko sa banyo ay natigilan ako nang maramdaman ko ang kakaibang hilab ng t’yan ko. Pero mabilis rin namang nawala iyon. Kaya naligo na rin
ako at nagbihis.
Pagbaba ko ay kaagad na akong pinaghanda ni Zade ng almusal.
“Ayaw mo bang magrice?” tanong nito nang tangihan ko ang sinangag na ilalagay sana nito sa plato ko.
“Parang hindi maganda ang tiyan ko ngayon kaya magtoast bread na lang muna ako.”
“Okay… kain na lang tayo sa labas later kapag nagutom ka.”
Hindi naman nagtagal ay natapos na kaming magbreakfast. Pero paalis pa lang kami nang dumating ang
dalawang SUV na pumasok sa gate.
“Ang aga naman ng mga bisita natin,” ani Zade na kapwa kami napahinto sa may pinto. Ang parents nito at
sina Dad ang dumating. Bumukas naman ang maliit na gate at si Clarence na man ang pumasok doon.
May kinuha itong malaking box sa likod nang sasakyan ni Dad Gaston.
“May lakad ba kayong mag-asawa?” ani Dad Gaston sa amin ng makalapit ito.
“Oho Dad, napaaga kayo?” tanong ni Zade dito.
“Wala akong magawa sa bahay ni Clarence, kaya dito muna ako.”
“Sige na mga anak tumuloy na kayo, kami na munang bahala sa mga apo namin,” taboy naman sa amin ni
Mama Azra. Nagbake ake ng carrots cookies para sa mga bata.”
“Salamat Mum,” ani Zade na binalingan ng tingin si Clarence. “Para kanino ‘yan?”
“Para sa dalawang bata, hindi naman ako kasing sama ng inisip mo. Pabalang na sagot ni Clarence dito.
“Hindi ba dapat hinahanap mo si Moira ngayon. Tsss… kung ako kay Moira, hindi na talaga kita tatangapin.”
“Thanks goodness your not her… akala mo kung sino kang mabuting tao ngayon.” ganting tuya ni Clarence
dito.
“Tumigil nga kayong dalawa, sige na mga anak, umalis na kayo nang maaga kayong makabalik,” taboy rin sa amin ni Dad Gaston saka binalingan si Clarence. “At ikaw naman, iwan mo na ‘yang box, baka malate ka
sa flight mo.”
“Tayo nasa loob mga balae,” yakag ni Papa Zen kay Dad. Na iniwan na nga rin kami.
“Goodluck sa finding Moira, Clarence. Sana abutin ka rin ng mahigit isang taon..” pambubuksa ni Zade dito
kaya sinamaan ko ito ng tingin pero ngumisi lang ito nang nakakaluko. “I just…”
“Zade,” saway ko dito ng magsasalita pa sana ito.. Kita kong namula ang mukha ni Clarence pero wala namang sinabi.
“Binibiro ko lang naman ang kapatid mo eh.” ani Zade na inakbayan na ako.
“Good luck Clarence,” paalam ko dito na kaagad na ring nagtungo sa nag-aantay nitong kotse na nasa
labas pala.
“Talagang nag-efforts pa siya para dalhin ang regalo ng mga bata.” naiiling na saad ni Zade ng nasa
sasakyan na kami.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)