141: End Itl-3
“Sinabi mo ba sa akin kong nasaan ka?” ganting tanong ko dito.
Clar
“Whatever, pero teka kumusta ka na? Nabalitaan ko ang nangyari. Dapat talaga noon pa pinakulong nang
asawa mo ang Tasyang B na ‘yan, at isama na rin niya ang mas Bruha niyang ina.” Lintaya nitong ikinatawa
ko na lang.
“Namiss ko bigla ang ganyang mga linya mo Moi, so totoo nga buntis ka? Bakit di mo sinabi?” may himig
tampong tanong ko dito.
“Sorry… ayaw ko lang…”
“Nalungkot ako nang malaman ko. Nakakatampo ka, samantalang noon lagi kang nasa tabi ko. Pero
ako—”
“Yuri, naiintindihan ko naman ang sitwasyon mo saka, ayaw ko na lang sana talagang ipaalam kay
Clarence. Doon na lang siya sa babaing mas bata at mas maganda.” naiimagine ko nang ang pagsimangot
nito.
Kaya mahina akong natawa. “Kung magsalita ka parang hindi naman halatang masama ang loob mo. Give
Clarence a chance, nababaliw na ‘yan sa kakahanap sa’yo. Saka umuwi ka na rin. Miss ka na ni Zayu.”
“Pero kasi—”
“Maraming taong umaasa sa kompanya, Moira. Kapag nagutom ang mga empleyado kasalanan mo dahil
hindi ‘yan uuwi si Clarence nang wala ka.” Pabirong banta ko dito.
“At talagang kasalanan ko pa ‘yon.”
“Oo, at magtatampo ako kapag hindi ka dumating sa birthday ko. Alam mo namang ikaw lang dati ang nagseselabrate ng birthday ko kaya hindi puweding wala ka.” saka ako napabuntong hininga. “Give Clarence a chance, ikaw rin naman ang nagsabi sa akin noon dati, para sa anak ko. Kaya isipin mo rin na
para sa magiging anak n’yo ni Clarence.”
“Bakit kailangan mo akong konsensyahin ha?”
“Ginawa mo rin naman sa akin ‘yan kaya okay lang. See you soon okay,” hindi ko na hinintay ang sagot ni
Moira. Sa tingin ko naman may pag-asa pa sila ni Clarence. Kailangan lang may magpakumbaba sa kanila
at sympre si Clarence dapat ‘yon.
“Sa tingin mo, matatangap niya si Baby Zen?” basag ni Zade sa diwa ko. Inilapag nito sa ibabaw nang
tokador ang dala nitong tray.
“Hindi ko alam, bakit ayaw mo bang sa atin na lang si Baby Zen? Para maging masaya sila ni Clarence.”
“But we should at least tell Clarence, about his son. Walang kaso sa akin, kung magiging anak na rin natin
ang bata. Pero unfair kay baby Zen ‘yon. Saka kailangan nating ipaalam sa ina ng bata na buhay ang anak
niya. Para masampahan ng kasong kidnapping ang mga Montefalco.
147 Endia
“Ano?” panic na tanong ko dito. “Wala na bang ibang paraan?”
Claim
“Wala. Saka ngayon pala ipapadala ni Javier ang DNA test kay Atasha,” sukat doon ay umalsa ang galit sa
dibdib ko.
“Parang gusto ko siyang makitang nagwawala sa galit kapag nalaman niyang hindi niya anak si Baby Zen.”
Nakuyom ko ang kamao ko nang maalala ko ang ginawa ni Atasha sa akin. Kapwa kami natigilan ni Zade
nang may kumatok sa pinto.
“Come in,” ani Zade. Si Mamang Elisa pala.
“Ma’am Yuri, may naghahanap sa’yo sa ibaba? Sabi ko ka-uuwi n’yo lang sa galing ospital. Pero importante
daw po,”imporma nitong ikinatitig ko kay Zade.
“Sino raw ho ba?”
“Atty daw, Sir.”
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)