Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 275

ート

145: Need Help-1

145: Need Help

Clases

“NEXT week n’yo na ituloy ang paglilinis sa bahay,” utos ni Clarence sa mga tauhang ihupahan niya para

alisin ang anumang bakas nang pamilya ni Gener Montefalco doon. Nagreport lang ito tungkol sa pinto na

wala umano sa bluprint ng bahay.

“Sige sir,” anang supervisor na umalis na rin pagkatapos. Pagkaalis ng lalaki ay saka naman tumunog ang

intercom niya.

“Sir, may bisita po kayo, si Tamara Fernandez raw,” imporma sa kanya nang assistant niyang si Lara.

“Tell her I’m not around. At next time kapag tumawag siya sabihin mo lagi wala ako.” Iyon lang at tinapos

na niya ang tawag.

“Ano bang kailangan ng babaing ‘yon,” asar niyang saad saka inayos na ang mga papeles sa mesa. Gusto

niyang puntahan si Moira.

MEANWHILE.

MATAPOS sabihin ng security na wala ang kanyang pakay ay walang nagawa si Tamara kundi ang umalis

sa may entrance. Kaya tinawagan na rin niya si Emma.

“Ate insan, ano bang gagawin ko?” Maktol na tanong nito sa pinsan.

“Bakit ba?” bugnot na tanong ni Emma na napahikab pa. Dahil bumalik na si Mister Oliver relax na naman

ang trabaho nito.

“Nalaman na ni Dad ang nangyari, pati si Josh, alam na rin niya…” napapaupong sumbong ni Tamara sa

pinsan.

“Sinabi ko naman kasi sa’yong aminin mo na habang may oras ka eh. So anong plano.” sermon niya dito.

“Paano naging big deal ang nangyari. Aksidente lang naman ‘yon at namatay naman ang bata, Saka nalaman kong buntis rin pala ang girlfriend ni Clarence Saavedra…” maktol nito. “Itatakwil daw ako ni Dad kapag hindi ako pinakasalan ni Clarence. Hindi naman ‘yon ang plano ko eh.”

Muntik nang mapanganga si Emma dahil doon. “Paktay ka girl. May mental disorder ang boss ko. Nakakaluka ang pagiging OC niya, as in, eh ikaw pa naman garapal kang babae. At malamang isusumpa ka noon kapag gumawa ka nang eksena. Ang balita ko, nanunuyo pa siya sa gf niya.”

“Eh ano ngang gagawin ko, kinuha ni Dad ang lahat ng card ko, pati ang kotse. Kahit ang passport ko, kayà

hindi ako basta-basta makaka-alis ng bansa ngayon. Kakainis. Tapos ayaw man lang akong kausapin ng Clarence na ‘yon. Walang hiya siya!”

“Gaga, diba binigyan ka niya ang pera?”

“Excuse me Ate Insan, kapag ginalaw ko ang cheque para ko na ring pinatunayan na gold digger ako. Kaya

14% Needate-1

tulungan mo na kasi ako.”

Claim

“Ano namang tulong ang magagawa ko sa’yo eh, wala ka namang magagawa na. Buntis na ang girlfriend niya at inlababo din si Boss sa kanyang gf. Kaya huwag ka nang pabebe dyan. Pumunta ka na lang sa apartment ko kong wala kang matuluyan ngayon.” payo ni Emma sa pinsan. “Hindi ka naman papatayin ng

Dad mo kung—”

“Hindi nga, itatakwil naman niya ako. Alam mo namang mas mahalaga ang kompanya para sa kanya.

Magpupull-out ng investment ang pamilya ni Josh kaya galit na galit si Dad. At least I need to convince Clarence to invest sa company ni Dad.”

“Ah iyong lang, patay ka nga!”

“Talagang tinatakot mo pa talaga ako,” asar na singhal ni Tamara sa pinsan.

“Alam mo kung mayaman lang ako. Ao nang mag-iinvest sa kompanya n’yo, kaso alam mo namang

nagbabayad pa ako nang bahay at lupa namin. Wala talagang perfect family.” Napapabuntong hiningang

saad ni Emma.

Natapos na lang ang usapan nila ay walang nagawa si Tamara kundi ang tumayo sa kinauupuan nito.

Kailangan niyang mapapayag si Clarence kundi lagot talaga siya sa ama niya.

“Nandito ka pa rin?” Napapiksi ang likod ni Tamara dahil sa magandang tinig nang kung sinong nagsalita.

At ganun na lang ang gulat niya nang pagharap niya si Clarence ang naroon.

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)