“Akala ko pa naman nagkasundo na kayo kaya ka sumama kay Clarence pabalik.”
“Gusto ko namang subukan pero—” napapabuntong hiningang saad niya dito.
“Moira, anak. Hindi naman dahil nagkamali ang isang tao hindi na siya puweding bigyan ng pagkakataon
ulit…”
“Kaya ba paulit-ulit mong pinagbibigyan si Dad? Ako ang napapagod para sa’yo Mom,” mapakla niyang
saad dito.
Mahinang tumawa ito saka naupo sa gilid ng kanyang kama. “Alam mo ba kung bakit gustong-gusto ko
ang mga paintings?” anitong ikinakunot noo niya.
“Ano namang kinalaman ng paintings sa usapan natin.”
“Kasi doon nababasa ko ang damdamin ng bawat painter. Kung anong emosyon ang mayroon sila kapag nagpipinta. Sabi nga a pictures worth a thousand words. Hindi sila tulad nating mga tao. Hindi natin
kayang basahin o alamin ang iniisip at nararamdaman kahit pa nang taong pinakamamahal natin,”
seryosong saad nitong hinwakan pa ang kanyang kamay.
“Hindi natin kayang hulaan ang damdamin ng isang tao, pero puwede nating alamin at kilalanin. We stay if
we want to know more about the person. We leave if we’re fed up of trying and fighting. Pero huwag kang
susuko hanggang hindi mo sinusubukan. And that’s what’s your doing, tinatakasan mo lang at ayaw mong
subukan.”
“Pero ginawa ko naman eh, kaso—”
“Kaso sumuko ka nang malaman mong may ibang babae, hindi mo man lang binigyan ng pagkakataon si Clarence na magpaliwanag. Kahit ano pang dahilan niya dapat pakingan mo pa rin. Alam mo kung bakit?”
umangat ang kamay nito at hinaplos ang kanyang mukha. “Para kapag talagang nasagad ka na. Wala kang
what ifs balang araw. Because you tried. At subukan mo hanggang sa wala nang matirang pag-ibig. Sa ganun madaling makalimot at magsimula ulit.” nakangiting saad nitong ikinatitig niya sa mukha nang ina. “Pag-isipan mong mabuti, anak huwag puro ito…” dagdag pang itinuro ang kanyang sinfido. “Dahil sa
nakikita ko, takot ka lang ibigay ang lahat ng pagmamahal na kaya mong ibigay…” nakakasigurong saad
nitong tumayo na at umalis.,.
Ilang sandali rin siyang nanatiling nakatingin sa kawalan bago nagpasyang bumaba. Palabas siya nang
pumasok sa bahay ang kanyang ama, may hawak pa itong bulaklak.
“Anak, asaan ang Mommy mo?”
“Baka nasa kitchen ho. Hindi ka ba nagsasawang humingi nang sorry kay Mom, Dad?” usig niya dito na sinulyapan ang bulaklak na hawak nito. Alam niya na kapag may dalang puting rosas ang kanyang ama may ginawa na naman itong kalukuhan.
“Hindi sa ganun anak, gusto ko lang…” depensa nitong ikinaismid niya.
14% Needlett-
“Why do you keep making the same mistakes kung mag-aapologized ka rin sa huli..”
“I know, your Dad is an ash hole,” nakangiwing saad nito. “Pèro anak, matagal na ‘yon. Can’t you atleast
give me that chance, paki-usap nito.
Claire
“I’m trying…” walang gana niyang sagot. “Minsan naiisip ko, kaya ba ganito ang nangyari sa akin, dahil ako ang nagbabayad sa pagkakamali mo kay Mommy.” mapait niyang sambit dito.
“Hindi totoo ‘yan, anak.” depensa nito pero yumuko naman ito. Five years ago nang malaman nilang maliban sa kanila may ibang pamilya ang kanyang ama. “Sa tingin ko hindi naman kasing sama ko ang boyfriend mo, kaya bigyan mo siya nang chance para sumaya ka na ulit.” anitong tinapik pa ang braso niya
saka nagtungo na sa loob ng bahay.
“Mahal ko…” malambing na tawag nito sa kanyang ina na ikinailing niya.
Natagpuan na lang niya ang sarilng sumasakay nang taxi. And to her surprise address ng Saavedra building ang sinabi niya sa driver.
“Fine, walang masamang subukan ulit,” tahimik na kausap niya sa sarili. Almost an hour later ay nasa tapat na siya nang Saavedra Building. Ilang ulit siyang humugot ng malalim na paghinga bago nagpasyang
magbayad at bumaba nang taxi.
Halos araw-araw siyang pinupuntahan ni Clarence sa bahay pagkagaling nito sa office mula nang umuwi
sila.
Bakit nga ba sila madalas mag-away noon. Kung tutuusin dahil kina Zade at Yuri ang issue nila mula noong hindi nito sang-ayunan ang pasya niyang pag-ayusin ang mag-asawa. At kung kailang nagpasya na siyang siya na ang unang makikipagbati dito. Bigla namang nagpakilala sa kanya si Tamara Fernandez.
Sa totoo lang hindi malinaw sa kanya ang intensyon ng babae. Kung talagang hindi ito interesado kay Clarence, bakit kailangan nitong sabihin sa kanya na nagkaanak ito at si Clarence.
She acted like it was nothing at tumawa pa nga ito. Pero iba ang dating sa kanya nang mga sinabi nang babae kaya nagpasya siyang makipahiwalay na lang nang tuluyan kay Clarence. Dahil ipinaramdam lang naman sa kanya ni Tamara na pare-pareho lang ang mga lalaki. \
୮
Palapit na siya sa hagdan paakyat sa entrance ng gusali, nang umagaw sa mata niya ang dalawang taong nag-uusap. At sigurado siyang nakita siya ni Tamara bago nito hinawakan ang braso ni Clarence.
“Please, Clarence I need your help. Wala na akong mapupuntahan, may fiancee broke up with me and my
dad—” kusa nitong ibinitin ang sasabihin. “Will you let me stay at your house…” nakangiting tanong nitong
ikinatigalgal ni Moira.
“Seriously!” Sambit niya. At mukhang noon lang napansin ni Clarence ang presence niya na gulat na gulat
na tinabig ang kamay ni Tamara.
“Moira, what are you doing here,” tarantang napalapit ito sa kanya. “Papunta na sana ako sa n’yo.”
“Talaga ba, parang hindi naman ganun ang nakikita ko,” pikang saad niya na hindi maiwasang ang pag-init
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)