Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 296

3/3

155 Ang Lala-7-

155: Ang Lihim-1

155: Ang Lihim

Claim

KANINA PA hindi mapakali si Natasha. Hindi siya napilit ni Gener na sumama para hanapin si Tasyo. Ang

dahilan na lang niya ay nanginginig pa rin siya sa takot dahil sa nangyari. Kaya ayaw niyang lumabas ng

bahay.

Sinubukan niyang kontakin si Tasyo para balaan na magtago, pero hindi na rin niya ito makontact. Kaya

lalo siyang nagpapanic.

“Hindi ‘to puwede, hindi!” nakagat pa ni Natasha ang kuko habang palakad-lakad.

“Natasha, gusto mo bang samahan ako?” nagitla pa siya sa tinig na ‘yon ni Daisy. Dahilan para matawa ito. “Bakit masayado ka naman atang naging magugulatin.” ani Daisy na taas noong naglakad papasok sa silid

na ginagamit nang mag-asawa.

“Saan?”

“Shopping, bored ako eh.” anitong eleganting naupo sa pang-isahang couch na naroon sa silid. Poise na

poise ito habang nakatitig kay Natasha. Kaya ito napangiti.

“Ayaw ko. Masama pa ang pakiramdam ko dahil sa nangyari,” tangi nito. “Naiisip ko pa lang na kung hindi kami inunahan ng mayabang na driver malamang kami ang nahagip ng sira-ulong driver ng truck! Pero hindi pa rin naman ganun kasama sa amin ang langit.” ani Natasha na relieve ang anyo.

“Ganun daw talaga, masamang damo mahirap mamatay.” nakatawang dagdag ni Daisy. “Pero kong ako ang nasa sitwasyon n’yo. Baka mas mabuting namatay na lang ako. Kaysa mabulok ako sa kulungan kapag nalaman nilang pumatay ako nang tao,” nakangising saad ni Daisy na ikinaputla ni Natasha. “Pero, hindi ang pagkakakulong ang mas nakakatakot hindi ba?” kalmadong saad ni Daisy na ikinalunok ni Natasha.

“A–ano bang sinasabi mo ha?”

“Ako, wala naman.” anitong bumuntong hininga, “pakiramdam ko lang kasi may mali sa nangyayari. Hindi ko lang mahulaan kong ano,” nasa mukha ni Daisy ang kombiksyon saka ito tumayo na “So paano ako na lang ang magsa-shopping, ililibre pa naman sana kita sa salon, mukhang matagal-tagal ka nang hindi nakakapagsalon eh,” anitong mabining hinawi ang buhok nito kahit wala namang tumikwas sa pagkaka-ayos noon. Pero walang paki-alam doon si Natasha.

Dahil lumilipad pa rin ang utak nito. Inis na natampal ni Natasha ang noo.” Hindi puweding malaman ni Gener ang totoo, hindi. Buwisit na Tasyo na ‘yon. Kapag nahuli kita ako mismo ang papatay sa’yo.” gigil na

sambit ni Natasha nang wala na sa silid si Daisy..

“Anong ayaw mong malaman ng asawa mo ha Natasha?” nakangiting saad ni Daisy na lihim na nakikinig sa may pinto. Kahit siya kuryos din sa takot na nakikita kay Natasha.

PABABA na si Daisy nang magulat ito sa bisita nitong papasok pa lang nang entrance.

155 Ang whi

Claim

“Oh my… Clarence, hijo.” Nilakasan nito ang boses saka sinalubong ni Daisy ang binata na tipid na ngumiti. Natakpan pa nito ang bibig nang makita ang dala ni Clarence na malaking bouquet ng bulaklak.

“Akala ko hindi mo na ako dadalawin man lang, I miss you, son.” malambing na bati ni Daisy sa binatang seryoso ang mukha saka hinawakan ang braso nito.

“Pasensya na naging busy lang ako nitong nakaraan. Lalo na ngayon. Namatay sa aksidente nang bangaan

ng ama ni Moira,” seryosong saad ni Clarence na napalunok pero kaagad rin itong ngumiti. Subalit hindi

nakaligtas sa mata nito ang pagkunot nang nooi Daisy. “Ikaw lang mag-isa dito. Wala ba si Eric?”

“Alam mo naman ‘yon binata, kaya mas gusto sa condo niya. Siya ngà pala? Anong aksidente?” bakas ang

kuryusidad sa mata ni Daisy.

“Iyorig nangyari noon isang araw, maraming nadisgrasya dahil sa dump truck. Mabuti na lang nahuli na ang

driver.”

“A… talaga, mabuti, I’m sorry for the sad news, hijo.” ani Daisy na hinawakan pa ang kamay ni Clarence.

“How’s your girlfriend?”

“Not good,” anitong bumuntong hininga. “Pasensya na wala lang akong maka-usap. Busy rin si Dad ngayon

sa processo nang annulment.” ani Clarence na ikinalamlam ng mata ni Daisy.

“I’m sorry hijo. Hindi ko alam kung bakit ganun na lang ang galit nang Daddy mo sa akin. Akala ko nga may

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)