155: Ang Lihim-2
“Of course, hijo. Walang magbabago. Hindi man ako nagkaroon ng anak sa Daddy mo. Hindi pa rin ako nagsisisi dahil alam kong mahal mo ako.”
“Sympre,” tipid nitong sagot.
“Anyway kumusta na ang girlfriend mo? Malapit na siyang manganak hindi ba? I’m excited to meet your child, hijo.”
“I know. Sa susunod na nga araw na i-ki-krimate ang ama niya.” ani Clarence sa walang emosyong mukha.
“Nakakalungkot, I’m sure nahirapan ka. Look at you, hindi ka na nakakangiti dahil sa pagod. Dapat talagang makulong ang driver na ‘yon. Hindi siya dapat nagdi-drive nang bara bara lalo’t laging matraffic.”
“Hindi lang ang driver ang plano kong ipakulong, tita. Nalaman naming may nagbayad sa driver, para sadyain ang aksidente.”
“Ano? Nakakatakot na talaga ang panahon ngayon,” naiiling na sambit ni Daisy.
“Oo, tama, nakakatakot nga,” seryosong sang-ayon ni Clarence. “Buti na lang napigilan ni Zade ang kapatid ko nang araw na ‘yon. Dahil kong hindi siguradong kasama siya sa aksidente. I saw it on the CCTV—”
“Ano ang kapatid mo! Oh my God!… Kumusta si Yuri, is she hurt?” nanlaki pa ang mata ni Daisy sa pag-aalala.
“Of course not, nandoon si Zade para protektahan ang kapatid ko. Ang hindi ko lang maisip ay kung sino ang taong tumawag doon sa Tasyo para utusang tawagan si Yuri, kaya napilitan siyang dumaan sa area na ‘yon. I’ll make sure I’ll fine them all out at magbabayad sila.”
“Son. I understand na sobrang nag-aalala ka sa kapatid mo. I’m sure mahahanap rin natin ang salarin. Huwag ka nang mag-alala. Pwede akong tumulong, may mga kilala akong imbestigador. Just tell me. I can give them a call,” kababakasan ng simpataya sa mukha ni Daisy pero hindi maitatangi ang paglikot nang
mata nito.
“Don’t worry Tita, alam mo namang ako ang taong hindi matahimik kapag hindi maayos ang nakikita ko. Sumasakit ang ulo ko kapag magulo. At naguguluhan ako sa nangyayari, kaya sisiguruhin kong magbabayad silang lahat sa akin.” Tumiim ang bagang ni Clarence sa sinabi kaya natahimik si Daisy. “Ah…Pasensya na, mukhang may lakad ka.” anitong tila noon lang napansin ang ayos ni Daisy. “Gusto mo bang sumabay sa akin?”
“Naku, hindi na hijo. Pinapaunta ko si Eric para sunduin ako.”
“Kung ganun mauna na ako, naisip ko lang dalawin ka. Pakisabi kay Eric puntahan ako pagkahatid niya sa’yo. May itatanong lang ako.” ani Clarence na umalis na rin.
Tila naman nakahinga nang maluwag si Daisy. At mabilis na napatakbo sa kusina para kumuha nang tubig.
“Buwisit na Eric na ‘yon. Bakit nadamay ang ama ng girlfriend ni Clarence.” Sa gigil ni Daisy ay napalakas
12
155 Ang Lan
Claim
ang bagsak nito nang base sa marmol na tiles kaya nabasag ang baso na hawak nito. “Peste!”
“Nandito na ako…” anunsyo ni Eric pero ang malakas na sampal ni Daisy ang tumama sa mukha nito.
“Walang hiya ka! Paanong nadamay ang ama ng girlfriend ni Clarence sa aksidente—my god! Eric, nag-iisip
ka ba!” Namumula ang mukhang singhal ni Daisy dito habang si Eric naman ay nagulat sa nalaman nito.
“Alam mo ang ugali ni Clarence, isang maling kilos lang Eric, mabibisto ka ni niya.” Napalunok naman si
Eric. Ang OCD ni Clarence ay nagiging sanhi nang pagiging paranoid nito sa mga bagay na nagpapagulo sa
isip nito. Kaya kahit ang simpling pagkakamali sa mga reports kaya nitong makita. Kaya hindi lang basta
magagaling ang taong gusto nitong magtrabaho para dito. Kundi masinop at maayos rin.
“Anong nangyayari dito?” kapwa nagkatinginan sina Eric at Daisy nang biglang sumulpot si Natasha.
“Kaniina ka pa ba diyan?”
“Hindi, bakit?” baliwalang sagot ni Natasha saka nagtungo rin sa fridge para kumuha nang malamig na
tubig. Bakas pa rin sa mukha nito ang pagkabalisa kaya narelieve si Daisy. Mukhang wala naman itong
narinig. Nakalimutan niya nasa pamamahay pala niya si Natasha kaya dapat siyang mag-ingat.
“Dapat tayong mag-ingat. Natasha, siguruhin mong hindi kayo makikita ni Clarence dito.” paalala ni Daisy
pero hindi na sumagot pa si Natasha.
****
MAASAR NA si Gener sa paghahanap kay Tasyo. Wala na ito sa dating bahay nito. At maging mga
kapitbahay nito walang maisagot na matino.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)