156: Lumikha nang Kaguluhan-2
Claim
“Zade!” saway ko dito pero hindi ko rin maiwasang mapangiti. Akala ko kung ano nang sasabihin nito.
Nag-uusap pa kami nang dumating si Javier at Emma. Lately madalas nang magkasama ang mga ito dahil
na rin sa plano naming merging nang Delamer’s at Montefalco Royal.
“Nakuha mo na?” tanong ni Jade kay Javier na napatingin sa envelop na hawak nito.
“Oo, Sir at mukhang magandang balita ito. I mean maganda para sa atin.” nakangiting sagot ni Javier saka
inabot kay Zade ang envelop na kaagad rin nitong tiningnan.
“Tungkol saan ba ‘yan?” Usisa naman ni Clarence.
“Ito…” ngumiti si Zade na tinitigan ang hawak na envelop. “regalo namin kay Gener Montefalco.” makahulugan saad nito. “Gusto kong kahit paano igante nang kaunti ang asawa ko sa lahat nang paghihirap niya. Tingnan ko lang kung hindi siya magsisi nang husto kapag nakita niya ang laman nito.”.
“Iyong isang kopya naipadala ko na sa mag-asawa,” paliwanag ni Javier.
“Teka, nasaan ba sila ngayon?” usisa naman ni Clarence.
“Nasa bahay nang Tita Daisy mo, hindi mo ba alam?” sagot ni Javier dito.
“Ano?”
“Wala nga siyang alam,” naiiling na saad ni Javier.
Few days ago naghire nang tao si Zade para sundan ang kilos ni Gener, para lang makakuha nang sample
DNA test nito.
“PUTANG INANG TASYO ‘yon,” pikang lintaya ni Gener nang makabalik ito sa bahay. Ilang araw na itong
naghahanap kay Tasyo pero bigo pa rin ito.
Habang si Natasha naman ay relieve sa naririnig.
“Nasaan si Daisy?”
୮
“Umalis, pupuntahan raw niya ang asawa niya. Honey ano kaya kung umalis na lang tayo dito? May pera pa
naman tayo diba, pumunta na lang muna tayo sa ibang bansa,” suhesyon ni Natasha sa asawa.
“At bakit, paano si Atasha, nag-iisip ka ba?”
“Tumawag sa akin ang City Jail, ililipat daw si Atasha sa isang mental health care facility. Ayaw ko mang
isipin, pero wala na tayong magagawa. Hindi ko alam kung paanong umabot siya sa ganun. Bakit kasi
sobrang na-attached siya sa batang ‘yon. Akala ko makakabuti sa kanya pero hindi pala.” bakas ang panic
sa mata ni Natasha.
Saglit ring natiglan si Gener bago ito nagsalita.
“Sige, ayusin lang natin ang kalagayan niya. Gamitin natin ang kalahati ng trust fund niya para sa
7.7
156 Lumubahang Kaguluhan 2
pagpapagamot ni Atasha. Ang Natitira para sa paggaling niya may pera pa rin siya.”
Claim
“Iyong natitirang pera sa safe account natin. Iyon na lang ang gamitin natin para maka-alis nang bansa. At magsimula ulit. Saka natin balikan si Yuri. Hindi naman tamang magpakasasa lang siya sa pera nang kompanya na pinaghirapan mo rin naman protektahan,” suhesyon ni Natasha na ikinatango naman ni
Gener.
Makikita pa rin sa mukha ni Gener ang inis na nararamdamarr pero napapikit na lang ito. Habang relieve
naman si Natasha sa pagpayag nang kanyang asawa.
“Ang gusto ko lang naman noon, magkaroon nang pera at mabigyan nang pagkakataong patunayan ang
sarili ko na mas magaling ako kay Charlene. Pero bakit bigo ako? Bakit kailangang mawala sa akin ang
lahat nang pinaghirapan ko?”
“Dahil kay Yuri,” walang gatol na deklara ni Natasha. “siya ang sumira nang lahat. Minalas tayo dahil sa
kanya. Kaya pati ang anak natin…” matiim na saad ni Natasha na napakuyom pa ang kamao.
Magsasalita sana si Gener nang tumunog ang door bell. Madalian silang sumilip muna sa bintana.
Kailagan nilang mag-ingat kaya inila-lock na nila ang gate kapag wala si Daisy.
“Delivery po,” tawag nang lalaki sa labas. Mababa lang naman ang bakod na bakal kaya kita nila ang lalaki.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)