Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 300

157: Pay back-T

157: Pay back

“GENER!” malakas na sigaw ni Natasha saka ito bigla na lang bumagsak na ikinagulat ni Gener. Kaya

nawala sa isip nito ang envelop at tinakbo ang asawa.

“Honey!” tarantang dinaluhan ni Gener ang asawa. Saka ito binuhat papasok sa bahay.

Pasimple namang sumulyap si Natasha sa envelop na basta na lang inilapag ni Gener sa sofa.

“Honey, iyong gamot ko sa high blood, paki-kuha mo please… nasa… ohhh..” pagdadrama ni Natasha kaya

mabilis namang kumilos si Gener. Sinamantala ni Natasha ang sitwasyon para tingnan ang laman ng

envelop. At ganun na lang ang panlalaki nang mata niya nang makita ang nakalagay noon.

“Walang hiyang babaing ‘yon!” Gigil na saad ni Natasha. Saka mabilis na naghanap nang papel na ipinalit sa

loob nang envelop saka nahiga sa sofa.

Subalit lingid sa kaalaman ni Natasha.

Habang abala si Gener sa paghahanap nang gamot nang asawa nito. Nagring ang phone nito. At ganun na

lang ang gulat nito nang makilala ang numbero sa phone.

“Anong kailangan mo?”.

“Sa totoo lang hindi ka naman naging ganun kasama sa akin, hindi tulad nang asawa at anak mo. Wala ka

nga lang paki-alam kahit kung tutuusin, pamilya mo rin naman talaga ako.” mahinang sumbat ni Yuri na ikinatigil saglit ni Gener.

“Ano bang kailangan mong babae ka?”

“Alam na namin kung sino si Johanson Alcantara. At kung bakit siya ang nasa loob nang maleta. Hindi ka

ba nagtataka kung bakit lalaki–imbes na babae ang dapat naroon?”

“Hindi ako tanga Yuri!” Singhal ni Gener dito habang panay ang hanap nang gamot ni Natasha,

“Makinig ka Mister Montefalco?” sabat ni Zade kaya napahinto si Gener sa ginagawa. “Tigilan mo na ang paghahanap nang kung ano dyan.” nagsalubong ang kilay ni Gener dahil noon. “Nakita nang courier ko ang biglang pagbagsak ni Natasha, obviously, nagkukuwari lang siya para makaroon ng oras para palitan ang laman ang regalo namin sa’yo.”

“Anong pinagsasabi mo dyan?”

“Ang sinasabi ko sa’yo. Tingnan mo ang laman nang envelop kong napalitan na. At kapag nangyari ‘yon may malaking sekreto ang asawa mo na gustong itago sa’yo. Alamin mo ang tungkol kay Johanson Alcantara… at bakit siya ang nasa loob nang maleta.” iyon lang at tinapos na ni Zade ang tawag.

***

“BAKIT hindi mo pa sinabi?” usig ni Yuri sa asawa.

A

157 Pay back t

“Para maging magulo silang dalawa. At sila mismo ang magpapahamak sa isa’t isa.”

“Paano mo natitiyak na papalitan nga ni Natasha?” kuryos na tanong niya sa asawa.

“Dahil gagawin ni Natasha ang lahat para makaligtas.” kumpiyansang saad ni Zade.

***

Claim

“HONEY hindi ko nahanap ang gamot mo. ani Gener sa seryosong mukha ng makabalik na sa living room.

Nakahiga pa rin si Natasha sa sofa. Pero hindi nakaligtas kay Gener na nabago ang position nang envelop

na inilapag niya.

“Baka nasa kumedor, honey.” nanghihinang paki-usap ni Natasha kaya kumilos pa rin si Gener. At naroon

nga sa ibabaw nang mesa ang lalagyan nang gamot at vitamins nito. Nagdala na rin siya nang tubig para

sa asawa.

Kaagad naman uminum nang gamot si Natasha. “Tumatanda na talaga ako,” ani Natasha sa nanghihinang

tinig.

“Gusto mo bang dalhin kita sa hospital?”

“Hindi, ayos lang ako, bigla lang kasi akong nastress dahil sa tawag nang impaktang Yuri na ‘yon.” reklamo

ni Natasha na nakapikit pa.

“Anong sabi niya?”

“Sisirain n’ya raw tayong dalawa dahil gusto niyang gumanti sa mga ginawa natin sa kanya dati. May

ipinadala daw siya sa’yo,” noon napatingin si Gener sa envelop at kaagad na kinuha ‘yon. Nakatupi na ang

papel na nasa loob pero blankong bond paper na lang ‘yon.

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)