18: Panaginip–2
“Narinig kitang umiiyak kaya…. ano bang…” kusa kong ibinitin ang sasabihin ko. “Stay here,” utos ko dito saka ako bumaba para ikuha ito ng tubig.
Mabilis ang bawat hakbang ko. Habang nagtataka ako kung bakit ganun ang iyak at takot ng tinig ni Yuri.
Madalas sabihin ng ina nito na spoiled si Yuri at sanay sa tahimik dahil nga artist umano ito. Kaya hinahayaan at inuunawa na lang nila kapag gusto nitong magkulong na lang sa kuwarto.
Pero bakit ganun ang iyak nito kanina? Para itong takot na takot sa Mama nito.
Ilang sandali pa ay nakabalik na ako sa silid ni Yuri. Mukhang nahimasmasan na ito hawak ang tumbler sa
kamay nito.
“Pakisara na lang ng pinto. Okay na ako.” Nakayukong saad nito. Habang nakatitig sa hawak. Sapat ang
liwanag sa silid para makita ko ang lungkot sa mga mata ni Yuri.
Naalala ko noong unang beses na may namagitan sa amin ni Yuri matapos ang kasal namin. I came home
late and drunk. Dahil masama ang loob ko nang magpaalam sa akin si Atasha noon. Gusto raw nitong
umalis ng bansa.
Kaya sa inis ko at kalasingan ko nagawa kong puwersahin si Yuri na noon ay tulog na tulog na sa kama ko. Ganun rin ang takot nito nang sandaling iyon. Inisip ko noon mabuti nga’t matakot siya para naman
makabawi ako sa kasalanan niya.
Looking back, maraming sinabing masamang bagay si Atasha tungkol kay Yuri noon sa akin. Maging ang ina nito sa pabirong paraan. Kaya paanong takot ang isang babaing matigas ang ulo at hindi kayang
kontrolin ng kahit magulang nito.
“Huwag kang maniniwala sa akto ni Yuri. Lagi siyang nakatungo na akala mo mabait na santa, pero ang salbahe niya. Kita mo itong kalmot ko, siya ang may gawa nito kasi nasira ko ang painting niya nang di ko sinasadya.” Tanda kong kuwento pa ni Atasha noon ng hindi ko makita si Yuri sa dinner nang gabing ‘yon.
Inaya ko kasing kumain sa labas ang pamilya nito. Pero hindi isinama si Yuri dahil bad mood daw. Ganun madalas ang dahilan kapag may family gathering sa labas. Kundi bad mood ay nagpipinta daw at ayaw
paistorbo.
“Labas na!” sukat doon ay saka lang ako natauhan. At natagpuan ko ang sarili kong lumalabas ng silid ni Yuri. Kahit parang ayaw makisama ng mga paa ko. Malaki naman ang tumbler nito kaya sa tingin ko hindi
na nito kailangan ng tubig.
Nagpasya akong bumalik na lang ulit sa kusina para sa kape na siya namang totoong dahilan kaya ako lumabas ng silid ko.
Naabutan kung uminum ng tubig si Aling Susan. Napatingin ito sa hawak kong baso.
“Nanaginip na naman ho ba si Ma’am Yuri?”
Ho?”
“May dala ka kasing baso? Laging may tubig si Ma’am kasi madalas binabangungot siya sa gabi. Kaya sabi ko sa kanya magtabi ng tubig lagi sa kuwarto.”
“Madalas mangyari ang ganun kay Yuri?” Biglang usisa ko dito.
“Noong mga unang buwan niya dito. Madalas siyang nagigising ng madaling araw. Dati ng akala ko sinaktan mo si Ma’am eh. Madalas kasi umiiyak siya kapag nakikita ko dito sa kusina.”
“Ano?” Kunot noong sambit. I was mean to Yuri pero never ko naman siyang sinaktan on physical bases. “E motional lang!” panunuya ng utak ko.
“A.. eh..” nagkakamot na saad ni Aling Susan. “Hindi naman kasi mahilig magkuwento si Ma’am Yuri kaya
ko naisip iyon. Pero nong minsang narinig ko siyang nanaginip ng tanghali. Para siyang batang kawawa.
Naisip ko mukhang may truma si Ma’am Yuri. Ganun kasi dati iyong pamangkin ko. Naalala n’yo iyong
pamangkin ko, sir na pinag–aaral ng foundation n’yo?” Napatango ako sa tanong nito. Pinagmalupitan ang
bata ng kinakasama nang ama nito. Buti na lang nailigtas ni Aling Susan ang bata pero ngayon nasa kinse anyos na ata ang bata at isa pang scholar sa aming foundation.
“May truma si Yuri? Sa tingin ko walang dahilan para magkatruma siya,” nasabi ko. “Sige na ho maaga pa
matulog na ulit kayo.”
“Ipagtimpla na muna kita nang kape, sir?” aluk nito.
“Kaya ko na ho ‘yon. Good night,” taboy ko dito.
Maya maya tahimik na akong nagkakape sa kumedor. Naglalaro pa rin sa isipan ko ang mga sinabi ni Aling Susan kaya napapa–iling ako. Imposible naman kasi iyon. Kita ko kung paanong pinagbibigyan ni Natasha Montefalco ang mga gusto ni Yuri kapag may pagkakataong makita ko ‘yon.
Tulad na lang noong party noong kaarawan nito. Ipinakilala si Yuri sa mga investor ng kompanya ng pamilya nito. That was Yuri’s eighteen birthday. Bago lang kaming magkakilala noon ni Atasha.
Panay pa ang reklamo noon ni Atasha dahil si Yuri lang raw ang may ganun kabongang party. Si Yuri daw kasi ang pinili ng ama nito na maging kapalit nito balang araw. Kaya masama ang losbmoon ni Atasha.
Pero maliban doon wala na akong natatandaang celebration para kay Yuri mula nang maging malapit ako sa mga Montefalco. Mas madalas tahimik lang si Yuri at nakatungo na kahit ako ay maiilang kausapin ito. Introvert raw kasi ang karamihan sa mga artist kaya hindi na nakapagtataka.
LATE na nang magising ako kinabukasan. Napatakbo pa ako sa banyo dala ng biglang paghilab ng tiyan ko at gusto ko nang sumuka. Napakapit pa ako sa kanto ng sink para lang mailabas ang kung anong gusto. kong ilabas.
Sabi nang doctor sa unang trimester lang naman mahirap ang morning sickness. Pero pakiramdam ko ang tagal ko nang routine ang morning sickness ko ngayon.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)