19 Pagdududa–1
19: Pagdududa–1
19: Pagdududa
$25 Pointe
MABILIS akong naghilamos sabay harap kay Zade. “Bakit ka nandito?” Dama ko ang pagbilis ng pintig ng puso ko sa sarili kong tanong. At lihim akong nagdadasal habang tinutuyo ko ang mukha ko nang face towel.
“Napano ka?” Dinig kong pagtataka sa tinig nito. Pero nagpasya akong baliwalang maglakad palabas ng banyo. At lihim kong hinihiling na sana huwag na akong masuka.
“Wala sinikmura kasi —”
“Paano naman kasi kumain ka nang manga, diba sabi mo tumataas ang acid mo sa maasim.” Sermon nito na ikinahinga ko nang maluwag. Saka ko ito binalingan.
“Bakit ka ba nandito?” Baliwalang tanong ko dito pero hindi nakaligtas sa mata ko ang mapanuring tingin sa akin ni Zade.
“Yuri? May sakit ka ba? Ang putla mo alam mo ba iyon?”
“Oo, nagsuka ako diba. linum lang ako ng para sa acid ko mawawala na rin ‘to.” Baliwalang saad ko
pa dito. “Saka lumabas ka na nga. Nakakaabala ka.”
“Fine, tiningnan lang kita kasi— Never mind. Magbihis ka samahan kita sa hospital para mabigyan
ka nang tamang gamot. Pagsabihan mo kasi ang Clarence na ‘yon huwag kang bigyan ng mga
pagkaing bawal sa’yo,” sermon pa rin nito.
“Ayos lang ako nagpacheck up na ako noong isang araw din. Kaya di na kailangan. Lumabas ka na nga. Saka bakit ka pa ba nandito?” Nagawa ko pang sulyapan ang wall clock sa kuwarto ko, pass nine na kasi. Pero mukhang kagigising lang rin ni Zade.
Isang malalim na paghinga ang pinawalan nito. “Bakit nga ba ako nag–aaksaya nang oras,” palatak pa ni Zade. “Bumaba ka na mag–almusal tayo.” Aluk nito pero hindi nakaligtas sa mata ko ang tila pagdududa sa mga mata ni Zade.
Palabas na ito ng pinto nang muli itong huminto. “Yuri,” tawag nito sa akin na ikinabaling ko dito. Bakas sa mukha ni Zade ang alinlangan. “Huwag mong kakalimutang kasal pa rin tayo, until then you can’t do anything stupid, right!” matiim nitong saad saka walang salitang tumalikod na.
“Tanga ka nga talaga.” Usal ko saka ako napahiga sa kama. Pakiramdam ko hinang hina ang
katawan ko.
NAKATITIG AKO sa bakanting upuan sa kaliwa ko. Naghahain si Aling Susan ng almusal.
15
OONN
O
19 Pagdududa–1
+25 Points
“Lalagyan ko na rin ba ng plato para kay Ma’am Yuri?” tanong nito kaya napatitig ako dito.
“Sabihin n’yo madalas bang magsuka si Yuri sa umaga nitong nakaraan?” tanong ko sa halip na sagutin ang tanong ni Aling Susan.
“Hindi ko naman napapansin Sir, noong nakaraan lang naman kasi tumaas raw ang acid niya. Bakit
ho, nagsuka ba ulit si Ma’am?” Usisa nito. Hindi ko kasi alam kung bakit hindi gustong tangapin ng
utak ko ang dahilan ni Yuri. Iba kasi ang naglalaro sa isipan ko. Magdadalawang buwan na noong
huling papgkakataon may namagitan sa amin ni Yuri. Pero ayaw ko namang isipin dahil sa sinabi
nito sa akin kahapon.
“Paano ako mabubuntis? At huwag kang mag–alala kung mabuntis man ako hindi sa’yo. Beside hindi
ako puweding maging ina ng anak mo hindi ba?” Sa alaalang iyon hindi ko maiwasang magtangis
ang bagang ko. Paano nga kung buntis pala si Yuri at hindi nga ako ang ama. Kailangan kong
malaman ang totoo.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)