19: Pagdududa–2
“Yo..” bungad sa akin ni Moira. “Don’t tell me kagigising mo lang girl?”
“Hindi kanina pa..” pag–amin ko saka ko sinabi dito ang nangyari.
“What! So paano? Naniwala ba?” Bulalas nito.
“Alam kong hindi. Kaya nga siya nagbanta kanina. Anong gagawain ko?”
“Okay lang yan girl kalma. Alam ko naman ang totoo kaya sige lang gawin mo ang sinabi ni
Clarence may basbas ka naman niya eh.”
“Baliw ka ba, mag–iisang buwan ko pa lang nakaikilala si Clarence paanong-
+25 Point
“Hello, di adjust mo ang age ng baby. In case lang naman. Pero sa susunod na sunday na ang party kaya need mo nang makaalis sa bahay ng asawa mo. Kasi baka kapag ganun ang sinabi mo, di
natin masabi baka saktan ka niya.”
Maging ako man ay iyon din ang inaalala ko. Never pa naman akong nasaktan ni Zade dahil lang nagalit ito. Pero alam kong masasaling ang pride nito kapag nagsinungaling ako. Pero kapag nalaman naman ni Zade ang totoo, alam kong mas magagalit rin siya dahil hindi ako ang dapat
maging ina nang anak niya.
Sa isiping iyon hindi ko maiwasang mag–init ang sulok ng mata ko. Natatakot akong baka sabihin pa nitong ipalaglag ang anak ko. At hindi ko ‘yon mapapayagang mangyari.
Kaya paano?
Sa inis ko ay nasabunutan ko na lang ang sarili ko. Bakit ba kasi hindi ko nailock ang pinto ng kuwarto ko. At bakit naman kasi basta na lang siyang pumapasok sa silid ko.
Natapos na ang usapan namin ni Moira nang muling magring ang phone ko. Kaya ang pag–aalala ko ay lalo lang nadagdagan nang makita ko ang caller.
Ayaw ko mang sagutin ang tawag pero alam kong hindi naman ito titigil. Sa tuwing tatawagan ako ni Mama. Madalas kong mapanaginipan kung paano niya ako tratuhin noong bata pa ako.
Kung paano niya ako saktan. Ilang taon rin akong nagtiis,na sa bawat pagkakamali ko. Palo at hampas ang natatangap ko sa kanya. Lalo na kung may kinalaman kay Atasha.
Dahil kahit wala naman akong alam, kapag alam ni Atasha na mapapagalitan ito. Ako ang madalas niyang ituro. Noon marinig ko lang ang boses ni Mama nanginginig na ako sa takot.
Salamat sa pagdating ni Zade dahil nagawa kong lampasan at takasan ang parting iyon ng buhay
15
1/3
N
IIL
O
19: Pagdududa–2
+25 Points
Hindi man sadya pero ikalawang pagkakataong nailigtas ako ni Zade. Kahit hindi nito alam. Kaya‘ tumatanaw rin ako nang utang na loob kay Zade. Kaya ko rin naman siya nagustuhan nang muli ko siyang makita.
“Hello… Yuri bakit ang tagal mong sumagot ha!” kaagad na asik ni Mama Natasha nang sagutin ko ang tawag. Huminga ako ng malalim.
Hindi na ako dapat matakot sa kanya. Hindi na ako bata. Nagawa ko nang suwayin sila kaya wala nang dahilan para matakot pa ako. Kausap ko sa sarili ko kahit kabado na naman ako. Malas ata
ang araw ko ngayon.
“Bakit ho?”
“Matapang ka na talagang bata ka!” sikmat nito. “Yuri makinig ka, huwag kang dadalo sa party sa susunod na lingo ha. Si Atasha ang kasama ni Zade kaya huwag mong ipahiya ang kapatid mo. Tutal naman maghihiwalay na kayo ni Zade. At gusto kong ipaalala sa’yo na kapag umalis ka na sa bahay ni Zade bumalik ka dito sa bahay nang may pakinabang ka.”
“Pakinabang?” Patuyang tanong ko dito.
“Anong sabi mo?” Mataas ang boses na usig nito.
“Mama, hindi na ako bata ngayon na puwede mong kontrolin at takutin tulad noon. Hinding–hindi na ako babalik sa bahay n’yo. Yan ang sinabi ko noong sumama ako kay Zade.” Pinatatag ko pa ang boses ko sa sinabi ko. Noong magdeklara ako nang annulment alam kong malakas ang loob ko dahil hindi magpapakita nang kagaspangan si Mama sa akin sa harap ni Zade.
Alam ko iyon dahil kapag may ibang tao. Maayos nila akong trinatrato. Lalo na iyong matandang lalaking dumalaw sa akin noon nang 18th birthday ko. Binigyan pa nga ako nang regalong kuwentas pero kinuha lang ni Atasha dahil hindi daw bagay sa akin.
lyon lang ang kaarawan kong pinaghandaan ng magulang ko kung tama ang pagkakatanda ko. Pero parang hindi ko naman kaarawan iyon dahil ang mga bisita noon ay mga tauhan ng kompanya
ni Papa.
At halos masuka na nga ako sa pagpapangap noon na masaya habang nakahawak ako sa braso ni Mama. Dahil sa tuwing sisimangot ako o makakadama nang lungkot kinukurot niya ako. Kaya kaysa makipagplastikan sa mga bisitang hindi ko naman kilala. Isang oras ata akong nakayuko na lang bago ako pinapasok ni Mama sa loob nang bahay.
“Makinig ka Yuri. Kami pa rin ang magulang mo kaya dapat kang sumunod. Huwag kang pupunta sa party na ‘yon kung ayaw mong mapahiya ka lang.” Dama kong gigil ang boses nito.
“Bakit ako mapapahiya? Hindi ko alam kung bakit buong buhay ko lagi mong sinasabing
2/3
15
OON
N
O
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)