162: Bad Karma-2
Lalong lumakas ang loob ni Natasha nang makita ang takot sa mata ni Daisy.
“Magkaiba tayo. Sa akin si Atasha at si Gener lang ang mahalaga. Pati ang bahay na dapat ay para sa amin. lyon lang naman ang gusto ko. Magkaroon nang malaking bahay, maraming pera para sa
aming tatlo. Pero-” kusa nitong ibinitin ang sasabihin.
“Ano bang gusto mo?”
Binalingan ni Natasha ang asawa. “Pera at bahay, bigyan mo ako no’n. At mabubuhay akong parang
patay sa isang malayong lugar. Kasama nang anak ko.”
“Fine!” Nagngalit ang panga ni Daisy. Hindi siya maaring magrisk dahil baka lalong mawala sá kanya ang lahat. At iyon ang hindi niya hahayaang mangyari. “Pero kailangan akuin ni Gener ang lahat nang kasalanan, tutal mukhang patay na nga siya.”
“Bahala ka! Kasalanan niya ‘yan. Mahigit dalawangpung taong kaming magkasama. Akala ba niya hindi ko malalaman na may masama siyang balak sa akin.” Mapait ang lasa ni Natasha sa sariling sinabi. Mababakas ang sakit sa mata nito pero naroon pa rin ang galit dala nang masamang plano ni Gener. Kaya tama lang na ito ang uminum nang lason na para sa kanya.
Ngunit lingid sa kaalaman ni Natasha naroon ang ngiti sa labi ni Daisy at palihim na senensyasan
Eric.
“Ibili mo ako nang sleeping pill. Iyong ginamit natin noon. Sisiguruhin kong magmamakaawa sa akin si Natasha sa ginawa niyang panluluko sa akin sa matagal na panahon.” Iyon ang galit na utos ni Gener kay Daisy pagkalabas nito sa kulungan matapos magpiyansa.
Pero iba ang plano nila. Dapat ay palalabasin nilang nagpakamatay ang mag-asawa sa barn garage. Sa pamamagitan nang pagsunog sa barn. At para makasiguro si Daisy pinalitan niya ang gamot. Kaya lason ang inilagay niya sa loob nang capsule.
si
Hindi naman niya akalaing mautak si Natasha. Kaya wala siyang choice ngayon kundi ang tangapin
ang gusto nito.
Ilang sandali pa ay dumating na rin si Wendel. At sinimulang magset-up nang mga ito, para pagmukhaing naglason si Gener matapos magsulat nang pag-amin sa pagkamatay ni Charlene.
KINABUKASAN ay umere sa balita ang tungkol sa lalaking nagpakamatay. Kaya muntik ko nang mabitawan ang hawak kong baso nang makita ko ang balita.
“Totoo ba to?” Di makapaniwalang sambit ko.
“Bakit?” Si Zade na kalalabas lang nang banyo. Napatingin rin ito sa TV screen kong saan
162 Bad Karma-2
+25 Points
ipinapakita ang paglabas ng bangkay ni Gener mula sa isang lumang bahay pero tinakpan naman
iyon.
“Imposible?” ani Zade. “Bakit pa siya magpipiyansa kong ‘yan pala ang plano niya?” dagdag Zade na ikinabaling ko dito.
“Anong ibig mong sabihin?”
“Ang weird lang, tumakas si Natasha isang araw matapos makapagpiyansa si Gener.”
“Oo, at inamin rin niyang siya ang pumatay kay Mama sa isang sulat. Ang mama ko..” kusang nabasang ang boses ko dala nang bigat sa puso ko. “Magkapatid pa rin sila kaya paano niya
nagawa ‘yon?”
“Hindi imposible ‘yon dahil malaki ang pakinabang nila kapag namatay ang Mama mo, Yuri. Kita mo nga ang ginawa nila sa’yo. Kaya huwag ka nang mag-aalala pa. Si Natasha siguradong mahuhuli rin siya nang mga police.”
“Sana nga.” Matamlay kong sagot dito. “Teka, pumunta tayo sa police station, may gusto lang akong alalim.” aya ko kay Zade.
“ANG SIRA ULONG ‘yon,” sambit ni Gaston nang mabasa ang sulat ni Gener. Nang malaman niya ang balita ay kaagad siyang nagpadrive kay Oliver patungo sa police station. “Paano niya
nagawang–”
“Sir,” agaw atensyon nang police. “Kayo ho ba ang kamag-anak nang biktima?”
“Ako ho?” sagot ni Yuri na kasunod ang asawa nito. “Dad,” sambit nito ng makalapit sa ama. “Puwede ko po bang makita ang sulat?” paki-usap niya kaya kusang inabot ni Gaston ang sulat ni
Gener.
Saglit na tinitigan nito ang sulat saka napakunot nang noo. “Hindi po gan’to ang sulat ni Gener,” kumpiyansang saad ni Yuri na ikinatingin ng police dito.
“Anong sabi mo Miss?”
“Nakita ko na ang mga gamit ni Gener sa office ko. Naroon pa rin sa storage box ang mga ‘yon. At hindi po ganito ang sulat niya.” Deklara niyang ikinatitig ng mga naroon sa kanya.
“Anak, sinasabi mo bang… pero bakit kailangan niyang ungkatin ang tungkol sa pagkamatay nang mama mo? Ni rule-out na aksidente ang nangyari noon-kaya bakit?”
“Ang sabi po nila Tita Rica? Posibling sinadya ang pagkamatay ni Mama Charlene, Dad. At iyon ang iniimbestigahan namin ngayon. Naniniwala sila na pinatay si Mama Charlene, Dad, at may—”
“Gaston, Darling.” kapwa kami napalingin sa biglang pagdating ni Tita Daisy. “Totoo ba ang balita,
4.162 Bad Karma-2
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)