Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 314

$163 Amt-1

163: Hint-1

163: Hint

EARLIER…

+25 Points

“ANONG sinasabi mo, wife?” tanong sa akin ni Zade matapos kong sabihin ang tungkol sa pagdududa ko sa pagkamatay ni Gener. Nasa sasakyan kami dahil hindi ito nakatangi sa hiling ko.

“Nag-iimbestiga sina Tita Rica sa tulong ni Alpha. Kaya sinabi ko sa’yo na hindi lang ang kompanya ang inaasikaso namin. Kasama doon ang tungkol sa pagkamatay ni Mama sa aksidente sa kotse.”

“At inililihim mo sa akin ‘yon?” Masama ang loob nang usig sa akin ni Zade. “Yuri naman. Alam mo bang delekado ‘yon kong totoong may pumatay nga sa Mommy mo. Mag-isip ka naman. Paano na lang kung… ay lintek!” Asar at marahas na napa-iling si Zade.

“Zade, madami nang tao ang nadamay dahil sa pag-iimbistiga nila Tita Rica. Pati ang ama ni Alpha namatay sa parehong aksidente. Kaya lalo nilang nakokompirma na totoong may pumatay nga kay

Mama.”

“Paano kong mayroon nga at delekadong tao pala ‘yon!” Inis na saad ni Zade.

“Kaya tayo may bodyguard. At naniniwala akong kapag dumating ang taong ‘yon, siguradong malaki ang posibilidad na siya nga ang may sala.

“Sino ba kasi?”

“Ang taong siguradong darating rin sa presento ngayon para alamin ang resulta nang imbestigasyon.” Kompiyansang saad ko sa seryosong anyo.

At hindi nga ako nagkamali nang dumating si Daisy sa police station.

“Kung sakaling dumating ang araw na maging malapit sa ‘yo ang taong nasa larawan. Iwasan mo siya anak. Siya ang taong sumira sa amin ng papa mo.” Para ‘yong babala sa utak ko nang makita ko si Daisy. At ang panic sa mukha nito ay tila maskara lang na nakikita ko.

Walang direktang sinabi si Mama sa sulat niya. Pero sa mga nangyari alam kong dapat kong alamin ang totoo. Lalo na ang tungkol sa totoong pagkatao Daisy.

“Okay lang Dad, puwede nating i-pacheck kong sulat nga ni Gener ang mga ‘yan.” sabat ko nang makita ko ang pagkabahala sa mata ni Daisy.

“Anong… anong i-checheck, hija?”

163 Mint-1

+25 Points

“Ito pong sulat, Tita. Kasi kung tama ang pagkakatanda ko. Iba ito sa handwriting ni Gener. Kahrt ang perma niya. Iba rin.” Kompiyansang sagot ko at kita kong ikinaputla nito ‘yon.

“Ah… talaga ba?” Nasabi nito nang makabawi.

“Oho at sa tingin ko, kapag nalaman natin kung kanino ang sulat na ito—”

“Anong malay natin,” mabilis na sansala nito. Nakatakas si Natasha. Nasabi sa akin ni Gener na niluko siya ng asawa niya. Kaya gusto niyang gumanti. Naku—” natakpan nito ang bibig sa naisip

nito.

“Paano kong si Natasha pala ang may gawa nang lahat.” Si Zade na inakbayan ako. At dama kong pinisil nito ang balikat ko. “Posible ‘yon Dad?”

“So posibling ang babaing ‘yon ang pumatay kay Charlene para makuha ang yaman ni Charlen, ganun ba?”

“Possible ring sila talaga, baka plinano nga nila nang husto ang lahat. At ngayong nagkakagulo sila. Kinailangan ni Natasha na paraan para ibaling ang lahat nang sisi sa asawa niya. No wonder nagawa nga niyang manakit at pumatay nang dalawang tao.” Walang alinlangang deklara ni Daisy. “I’m sorry Gaston. Nakakalungkot isipin pero ano pa bang magagawa natin. Dapat ipahuli sa police si Natasha at pagbayarin sa lahat nang ginawa niya.” May determinasyon ang tingin ni Daisy kaya naroon ang pag-aalala sa utak ko na hindi ko kayang unawain.

Kaya lalo lang akong nagiging interesado sa katauhan ni Tita Daisy.

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)