Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 318

165 Malaga-1

165:Halaga-1

165:Halaga

+25 Points

“CLARENCE hijo,” nabitawan ni Daisy ang hawak na phone nang makitang pumasok si Clarence sa kanyang bahay. “Napapadalas ang dalaw mo sa akin lately.” Mababakas ang kasiyahan sa mata nito.

Nagawang ngumiti ni Clarence sa ginang. Naroon ang alinlangan pero makikitang nanaig ang habag niya para sa babaing itinuring na ina sa nakalipas na mga taon.

“Galing kasi ako sa bahay ni Dad. Siguro namimiss ko lang na hindi ko kayo nakikita doon.” ani Clarence sa tipid na ngiti.

“Actually galing rin ako sa mansion kahapon, pero ipinagtabuyan na naman ako nang Dad mo. Hindi ko talaga maintindihihan ang galit niya sa akin. Dahil biktima rin naman ako nang mapaniwala ako nila Natasha na anak ni Zade ang bata.” Lihim na nagtangis ang bagang ni Clarence kaya napakuyom ang kamao nito.

Sa nakikita nito parang wala pa ring ideya ang Tita Daisy nito kung sino ang totoong ama ni Baby Zen. Pero pinili na lang niyang manahimik.

Kung tutuusin naging pabor sa kanya ang nangyari. Dahil walang magawa si Tamara kundi ang lumayo sa kanya.

“Wala ho ba kayong idea kung sino ang totoong magulang ni baby Zen?”

“No… I swear, hindi ko alam.” Tangi nito. “Kaya bakit galit na galit ang Daddy mo.”

“Hayaan mo na si Dad, naapektuhan kasi ang kapatid ko dahil sa nangyari kaya natural lang siguro na magalit siya.” depensa na lang ni Clarence.

“Kalimutan mo na nga, baka soon maging okay rin ang Daddy mo. Minsan naiisip ko rin na baka dahil masyado akong umasa na posible niya akong mahalin rin, tulad nang pagmamahal niya sa Mommy mo.”

“Kung mahal niya ang nanay namin, bakit nagalit si Dad sa kanya? Bakit hindi niya nagawang patawarin ang asawa niya?” tanong niya dito na ikinaligalig ng mata ni Daisy.

“Hindi ko rin alam, ang totoo, hanggang ngayon hindi ko alam kung bakit naging magulo ang relasyon nila. O baka sadyang hindi lang ganun katibay ang pagmamahal nila para sa isa’t isa.”

“Sinasabi mo bang hindi mahal ni Dad si Mommy?”

“Well, knowing your father’s attitude, Clarence. Ang isang babae, gugustuhin ng lalaking kayang

18

O

165 Halaga-1

+25 Point

iparamdam sa kanya ang assurance sa isang relasyon. Sa tingin ko you’re dad failed to do that kaya naghanap ng iba ang Mommy mo.” Umiling ito saka mapait na ngumiti.

“Kahit ako, sinubukan kong mahalin rin ako nang Daddy mo pero kita mo naman, napakadali niya akong ipagtabuyan. Kaya siguro hindi rin kasalanan ng Mommy mo na makipagrelasyon sa iba.” Nangunot ang noo ni Clarence dahil doon. Ilang taong nagtatanong siya kung bakit naghiwalay ang mga magulang niya pero wala siyang sagot na nakukuha noon.

“Alam kong naguguluhan ka, anak. Pero… alam kong ginawa ko ang lahat hindi lang para sa’yo kundi para na rin sa Dad mo. I spent my life na umaasang mamahalin rin niya ako isang araw, but look… I’m here. Malungkot at nag-iisa.” naglamlam ang mga mata nito.

Naniniwala naman siya dahil saksi siya sa pagiging cold nang kanyang ama. Kaya nga siguro tama si Zade. Kung bakit ganun rin siya. But his trying.

“Teka dinalaw mo ba ako para malaman ang mga bagay na ‘yan?” pag-iiba nito ng paksa.

“Ah hindi ho Tita, tungkol sana sa mga shares na bibibili nila Kuya Eric at Wendel?”

“Ano? What do you mean by that? Bakit naman ako ang tinatanong mo-

“Kasi, ayon sa source na nakuha ko, sa n’yo nagmumula ang fund money na ginagamit nila.” Kita niyang pagkagulat sa mukha ni Tita Daisy.

“Imposible naman ang sinasabi mo, wala akong malaking pera para…” depensa nito “para bumili ng shares, saka diba binigyan mo na ako nang shares noon. At ‘yon lang nang source of income ko, at ang galing sa pera na Dad mo na alam kong soon, mawawala na rin.” Depensa nitong halos hindi makapaniwala sa mga sinabi niya.

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)