165 Halaga-2
165:Halaga-2
“Investment?”
+25 Pointe
“Of course. Walang pamilya si Eric kaya saan pa mapupunta ang mga pinag-ipunan niya, diba.” palusot ni Daisy sabay lunok. Partly totoong marami na ring pera si Eric. Pero isang account lang nito ang nakapangalan sa kanya. And the rest ay sa kanya na.
“Kung ganun bakit siya nag-iinvest sa Saavedra, Montefalco Royal at Delamer’s?”
“Really! Mukhang may plano na nga atang mag-early retire si Eric. Teka bakit naman nagiging issue ang investment niya?” inosenting tanong ni Daisy dito. “Clarence, alam kong businessman ka but let Eric be, sigurado akong para sa retirement niya ang ginagawa niya. Forty three na si Eric at walang sariling pamilya, for sure iniisip lang niya ang kanyang future, “paliwanag ni Daisy pero sa likod nang ngiti nito naroon ang labis na inis kanina pa niya sinisikil.
Ito ang inaalala niya. Kapag si Clarence ang kumilos? Pero kumpiyansa siyang makukumbisi niya ito.
“Siguro nga ho? Baka masyado lang kaming nag-iisip.” Pagsang-ayon ni Clarence subalit naroon ang labis na kalituhan sa utak nito.
“Hayaan mo at pagsasabihan ko rin si Eric.”
Nang makaalis na si Clarence kaya saka lang nagawang sumigaw ni Daisy. “Bakit napakatanga ni Eric! Akala ko ba hindi mahuhuli ang ginagawa nilang pagbili ng shares gamit ang ibang pangalan. Buwisit ka talaga Eric!” gigil na lintaya niya sabay kuha ng kanyang cellphone para tawagan ito.
“Letse ka, nasaan kang lalaki ka? Bakit alam ni Clarence na galing sa account ko ang pera ha!” Walang prenong bulyaw ni Daisy dito.
“Ano, pero?”
“Sinasadya mo ba ‘to dahil nakokonsensya ka na ha?”
“Hindi ho Ma’am?” sagot ni Eric.
“Nasaan ka ba ngayon? Pumunta ka dito kung ayaw mong ikaw ang pagbuntungan ko nang inis ngayon.” Pasigaw na utos ni Daisy sa namumulang mukha.
“Pero sinusundan ko si Zade Larzon. Galing siya sa police station kanina? Sa tingin ko
nag-iimbestiga sila tungkol sa pagkamatay ni Charlene.”
“Punyeta! Ano bang problema nang mag-asawang ‘yan! Peste sila!”
Sundan mo siya at alamin mo kong saan siya pupunta pagkatapos. Saka mo ako tawagan.”
# 00
18
O
165 Halaga-2
Mando ni Daisy na kaagad nang kumilos para makapagbihis.
“Mga peste talaga kayo. Mula dumating si Yuri nagkagulo na ang lahat ng plano ko. Bwisit!”
“KUMUSTA hijo?”Bati ni Gaston kay Zade nang puntahan siya nito. “May kailangan ka?”
“Yes, dad. Nag-aalala ako sa asawa ko.”
“Oh bakit, ‘wag mong sabihing nag-aaway na naman kayo ha.”
+25 Points
“Hindi ho sa ganun, ang totoo nag-iimbestiga siya tungkol sa pagkamatay nang dating asawa mo?” Walang pag-aalinlangang saad niya na ikinalaki nang mata ni Gaston.
“Anong ibig mong sabihin, aksidente ang naging findings nang pagkamatay ni Charlene ayon sa mga police na nag-imbestiga, kaya paanong–?”
“Dad, ang isang kotse hindi naman basta-basta sumasabog tulad nang sa isang pelikula. Alam kong alam mo ‘yan. Pero ang pagsabog na nangyari sa kotse ng dating asawa mo,” may ilang larawang inilabas si Zade at isa isang inilapag sa mesa kaharap ni Gaston. “Iyan ang mga kuhang larawan sa nasunog na kotse. Nakuha ‘yan ng mga tauhan nila Tita Rica at ang dating VP ng Montefalco Royal. Ang mga ito naman ang nakuha ko sa police station na dineklara nang mga police.”
Mula sa mga larawan makikita ang malaking pagkakaiba.
“May mga galon na mukhang pinaglagyan ng flammable para mas madaling sumabog ang kotse. Kaya paanong naging aksidente ang nangyari?”
“Sinasabi mo bang pinatay si Charlene?” Bulala ni Gaston habang nakatitig sa mga larawang nasa harapan nito. “Imposible!” tangi nito saka umiling “Pero sino?”
“May pinaghihinalaan na sila pero wala pang sapat na katibayan. At sa tingin ko. Gusto ni Yuri na alamin ang totoo. At nag-aalala akong hindi ko kayang pigilan ang asawa ko at mapahamak siya. Kaya sana tulungan n’yo akong mag-imbestiga para mapadali ang lahat. Higit kanino man kayo ang mas nakakakilala sa dating asawa n’yo.”
“Sabihin mo, sino ang iniibestigahan ng mga tauhan ni ng anak ko?” giit ni Gaston. “Sino?”
“Ang-”
“What’s going on here?” kapwa natigilan sina Gaston at Zade sa tinig nang bagong dating.
“Ano na namang ginagawa mo dito Daisy?” Pikang saway ni Gaston dito pero tila walang paki-alam si Daisy na naglakad palapit sa mga ito.
“Anong mga ‘yan Darling?” usisa nitong napatingin sa mga larawang nakalatag sa mesa.
00
18
165 Halaga-2
+25 Points
“‘Yan ang mga nakalap naming ebidensya na nagpapatunay na hindi aksidente ang nangyaring pagsabog sa kotse ng dating Mrs. Saavedra. At ang mga ‘yan ang mahahalagang detalye na hindi deneklara sa police report para lumabas na aksidente ang nangyari,” walang gatol na saad ni Zade habang hindi inaalis ang tingin sa mukha ni Daisy. At hindi nakaligtas sa kanya ang pagkabigla sa mukha nito.
“Teka muna, sabi nang mga police aksidente ang nangyari kaya paano mo nasasabi ang ganyan? Zade hindi mo na dapat inuungkat ang isang bagay na matagal nang natapos. Besides saan mo naman nakuha ang mga ‘yan?” ani Daisy saka binalingan si Gaston na mukhang natulala na habang nakatitig sa mga larawang nasa harap nito.
“Darling, diba magkasama tayo noon na pumunta sa crime scene?” pagkokompirma ni Daisy dito “Oo. Tama pumunta tayo sa crime scene,” sang-ayon ni Gaston subalit tila nahulog ito sa malalim napag-iisip. “Pero-” dagdag nitong binalingan si Daisy. “sabi mo inayos mo na ang lahat.”
“Teka, anong ibig mong sabihin?”
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)