167 Maling Pagmamahal-2
167: Maling Pagmamahal-2
+25 Points
“Misis Dela Merced diba sabi ko sa’yo ako nang bahalang mag-imbestiga ha?” Kaagad na bungad nito kay Yuri. “Sumasakit ang ulo ko sa’yo alam mo ba ‘yon ha.”
“Nagsumbong ba kaagad sa’yo ang mga tao mo?” Naiimagine na ni Zade ang pagsimangot ni Yuri kaya napangiti ito.
“Inutusan ko sila kaya huwag kang magreklamo. Bakit hindi ka nakikinig hą?” usig nito sa asawa
“Kinausap ko lang si Eric. Alam mo sa tingin ko may tinatago siya eh.” Mababakas ang kuryusidad sa tinig ni Yuri kaya pumalatak si Zade.
“Makinig ka wife, ako nang nagsasabi sa’yo hindi magandang lapitan mo sila. At—”
“Zade, alam kong marami kang trabaho sa office. Kaya gusto kong gawin to. Saka sa tingin ko lang malaki ang maitutulong ni Eric kapag nakumbinsi ko siya. Kailangan natin ng sapat na katibayan para makasuhan si Daisy.”
“Yuri, makinig ka naman. Huwag mo akong pinag-aalala. Saka iwasan mo si Eric. Sa tingin ko mapanganib siyang tao. Ang lakas nang loob niyang i-hack ang system nang Delamer’s tapos nagawa pa niyang gamitin ang mga pangalan natin para makakuha nang share’s. Maniwala ka hindi siya mabuting tao. Antayin mo ako ‘dyan susunduin na kita.”
“Pero sa tingin ko hindi naman siya ganun kasama eh, kasi—” kusa nitong binitin ang sasabihin. Sabay buntong hininga. “Sa tingin ko may dahilan siya sa pagsunod niya kay Daisy at mukhang tama ako sa naisip ko. Tumatanaw siya nang utang na loob kay Daisy kaya siya sumusunod.”
“lyon na nga eh, tumatanaw siya nang utang na loob kaya puwede niyang gawin ang lahat ng gusto ni Daisy. Kaya makinig ka ha. Hayaan mo nang kami ang umayos nito. Kinausap ko nang daddy mo kaya alam kong mag-iimbestiga siya.”
“Sinabi mo talaga sa kanya?” Usig ni Yuri dito.
“Oo, dahil sa kanilang dalawa ni Clarence, alam kong mas magiging maayos ang lahat kung ang Daddy mo ang makaka-alam. Dahil sa tingin ko. Siya naman talaga ang dahilan kaya nangyari ang lahat nang ‘to,” kompiyansang saad ni Zade.
“Anong ibig mong sabihin?”
“Sa tingin ko, nagawa ni Daisy ang lahat nang mga ginawa niya para makuha ang Daddy n’yo. Isang maling pagmamahal ang ugat nang lahat ng gulong ‘to.” seryosong saad ni Zade na ikinatahimik ni
Yuri sandali.
“MALING PAGMAMAHAL?” ulit ko pagkalipas nang ilang sandali. Oo, tama mahal ni Tita Daisy ang
3/2
PO 18
O
167 Maling Pagmamahal-2
+25 Points
Daddy ko pero si Mama Charlene ang gusto ni Dad. “Kung ganun makasarili ang pagmamahal niya.” mapait kong sambit at hindi ko maisawang maalala si Atasha dahil doon.
Hindi nagtagal ay dumating na rin ang sasakyan ni Zade. Kaya nagpapalam ako kay Alpha at lumipat sa kotse nang asawa ko. Nagtaka pa akong si Javier ang driver nito.
“Alam ko, at dapat sa mga babaing matigas ang ulo pinapalo sa pwet ng latigo,” asar na lintaya sa akin ni Zade.
“Grabe ka naman, gusto ko lang namang matapos na ang lahat nang ‘to. Para mabigyan ng tamang hustisya ang pagkamatay nang mama namin ni Clarence.”
“Alam ko naman ‘yon. Kaya kami nang bahala okay, ayaw kong masaktan ka. At makinig ka ha,” malambing na saad ni Zade na hinaplos pa ang mukha ko.
“Pambihira, baka puweding sa bahay na kayo maglambingan. Nasobrahan kayo naman kayo sa asukal.” Reklamo ni Javier na sumulyap pa sa rearview mirror sabay iling.
“Kung naiingit ka, mag-asawa ka. O kaya maggirlfriend ka man lang muna pala. At ikaw sa bahay na tayo mag-usap.” baling nito sa akin saka ko kinabig at inakbayan.
“Zade alam mo kanina, sa tingin ko may–may ibang kamag-anak o kapamilya ba si Eric? Kasi may kausap siya kanina sa phone sabi niya, bigyan raw ng pampakalma.”
Kita kong umiling si Javier. “Ayon sa profile ni Eric wala siyang kamag-anak. Lumaki siya sa ampunan pero paglabas siya para mabuhay mag-isa naluko nang mga illegal recruiter kaya tumira siya sa kalsada, doon siya nakilala ni Daisy.”
“So tama ako.” nasabi ko, basta ko na lang naman inassume ang lahat ng mga nasabi ko kanina. Dahil alam kong si Tita Daisy ang kinikilalang pamilya ni Eric. “Pero sino kaya ‘yon? Para kasing masyado siyang nag-aalala.”
Zindy Rivera
Hello mga madam sissy.. salamat sa mga nag-aabang… Enjoy reading mga mdam
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)