168: Pagkakataon-1
168: Pagkakataon-1
168: Pagkakataon
+25 Points
“MAY BALITA NA ba?” kaagad na tanong ni Clarence kay Joel nang dumating ito. Nangunot ang noo ni Clarence nang mapansing tila naging seryoso ang mukha ni Joel.
Naroon sila sa study room niya sa bahay kung saan madalas silang mag-usap. Sound proof kasi sa office niya. Dahil hindi pa siya handang sabihin kay Moira ang mga natuklasan.
“Sa tingin ko Sir, mas lumalalim ang imbestigasyon, mas nagiging mabigat ang kasong ‘to.” seryosong saad nito. Saka inabot sa kanya ang ilang larawan. Lalong nagsalubong ang kilay ni Clarence dahil doon.
“Ano to?”
“Alam kung gusto mong imbestigahan ko pa ito para maabsuwelto ang Tita mo, kaya sinunod ko ang payo mong sundan ko si Eric.”
“Ano ba kasi? Ano ba ‘to?” Kuyom ang kamaong tanong ni Clarence habang nakatitig sa larawan. Habang isa isang tiningnan ang larawan. Kahit nakatalikod si Eric ay makikilala niya ito. “Mental hospital?” lalong lumalim ang gatla sa noo ni Clarence.
“May pinuntahan siya sa hospital na ‘yan. Kaso hindi ako makapasok. Pamilya o kamag-anak lang daw ng mga pasyente ang puweding pumasok at dumalaw. Nang nabangit ko si Eric. Nabago kaagad ang ekspresyon ng doktor. At hindi raw nila kilala si Eric.”
“Kamag-anak?” napatitig siya kay Joel. Mula pagkabata niya nakilala na niya si Eric bilang assistant ng kanyang tita Daisy. “Sino ang pupuntahan niya sa ganitong lugar?”
“Aalamin ko pa sir, pero may isa pa. Nagpadala siya nang mail pagkagaling niya sa hospital. Para kay Senador Gaston.”
“Ano?”
“Hindi ko nakita ang laman ng envelop pero walang detalye nang sender ang mail na pinadala niya. Kung ano man n’yon sa tingin ko importante. Siya nga pala kinausap rin siya ni Ma’am Yuri. At mukhang nag-iimbestiga rin ang mag-asawa. Tungkol sa pagkamatay nang Mommy n’yo?”
“Bakit? Teka, iyong aksidente lang ang inaalam natin pero bakit parang ang dami nang lumalabas na problema. Ano ba talagang nangyayari Joel?” Naguguluhang tanong ni Clarence. Ilang lingo na sumasakit ang ulo niya dala nang labis na kaguluhan nang kanyang isip.
Alam niyang may mga mali sa bagay-bagay kaya hindi siya mapakali at makapag-isip ng mabuti.
00
18
111
O
168 Pagkakataon-1
+25 Points
Nagpapaimbestiga siya sa pag-asang mali ang naunang report sa kanya. Pero mukhang imbes ná mapatunayan niyang walang kinalaman ang kanyang Tita Daisy sa aksidente na ikinamatay nang ama ni Moira. Mas marami pang lihim ang unti-unti niyang nauungkat. At hindi siya titigil hanggang hindi nasasagot ang mga katanungan na patuloy na nagpapagulo sa kanyang utak.
“Sige, pumunta tayo sa mental hospital. Iyon ang unahin natin. Gusto kong malaman kung anong itinatago ni Kuya Eric.” suhesyon ko dito.
“Pero hindi tayo makakapasok. Saka gabi na, Sir.”
“Hindi naman kailangang magpaalam para pumasok diba? Kung pupunta tayo sa umaga, malamang hindi rin tayo papasukin. Kaya mas madaling mag-imbestiga sa gabi. Tingnan natin ang records ng hospital. Magaling ka do’n diba.” Napakamot naman si Joel dahil doon. “Baka doon natin makita ang sagot.” Mababakas ang determinasyon sa isipan ni Clarence. Kaya napailing na lang si Joel. Sa tagal niyang kilala si Clarence alam niyang hindi ito titigil hanggang hindi nakukuha ang gusto.
Pababa na sila lang hagdan nang siya namang paglabas ni Moira mula sa kumedor.
“Saan kayo pupunta, kakain na tayo?” aluk nitong halatang hirap ng kumilos. Kaya napalapit si Clarence sa asawa.
“Akala ko nasa kuwarto ka.”
“Hindi ako puweding laging nakahiga at mag-antay na lumabas ang anak ko. Kaya nagluto ako ng dinner natin, kumain tayo.”
muna
“Okay sige,” sang-ayon ni Clarence na inakay na si Moira pabalik nang kumedor. Si Thelma naman at si Manang Tess ay abala na sa paghahanda nang hapag.
“Siya nga pala, Joel may balita na ba sa kaso ni Dad?” Maya maya tanong ni Moira dito na ikinagulat naman ni Joel.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)