168: Pagkakataon-2
+25 Points
“Sana nga, gusto ko talagang makulong ang taong ‘yon,” mariing sambit ni Moira. Kaya’t napapikit naman si Clarence.
Matapos kumain ay nagpaalam na rin sina Clarence at Joel. “Clarence alam mong malapit na akong manganak kaya dapat hindi ka uuwi nang late ha.”
“Sige,” sagot nitong tinginan pa ang sariling relos. “Uuwi ako bago mag 10pm. May aasikasuhin lang kami ni Joel. Kung anu’t ano man tawagan mo ako.” bilin pa nito bago tuluyang umalis.
Pass eight na ng gabi nang makarating sila sa Cavite kung saan naroon ang Mental institution. Malayo ‘yon sa mga kabahayan at mataas rin ang pader na bakod.
“Nakalock na ang gate nila,” ani Joel na simulyapan ang gate na bakal.
“Mukhang ordinaryong padlock lang ‘yan. Kaya mo bang buksan?” tanong ni Clarence sa kasama.
“Kaya, pero baka ma-tresspassing tayo, Sir.”
“Nandito na rin lang tayo. Hindi ako makakatulog kung hindi ko malalaman kung ano at sinong pinuntahan ni Eric dito. Wala siyang pamilya kaya imposibling may kamag-anak siya dito.”
“Okay sige,” sang-ayon ni Joel at may kong anong kinuha sa compartment ng kotse nito. Isang maliit na bakal na stick ang may kakaibang desenyo ang nakita niyang inilabas nito. “Ayaw ko nang gawin ‘to pero mapilit ka eh.” monologue ni Joel na nakangisi. Nagpark sila sa isang madilim na bahagi bago sila bumaba nang kotse. Dahil wala namang ilaw o security sa may gate. Walang kahirap-hirap na nabukasan ni Joel ang padlock.
“Tang ina. Magnanakaw ka ba dati?” Di makapaniwalang komento ni Clarence ng tuluyan silang makapasok.
“Grabe ka sa magnanakaw, Sir. Locksmith ang tatay ko noong nabubuhay pa siya. Lahat ng klase nang susi pati vault kaya niyang buksan. Matindi pa kay Lupin ‘yon. At sympre minana ko ang talent na ‘yon. Hindi ko nga lang na master ang pagbubukas ng safe.” nakangising kuwento ni Joel. Isinabit lang nito ang padlock bago sila sumalisi papasok. May kalayuan kasi sa main gate ang pahabang building na my dalawang palapag.
“Bakit ang dilim naman ng paligid ng hospital na ‘to?” Komento niya.
“Nasa dulo nang building ang record section nila.”
“Tara na, bilisan na nati-.” Natigilan sila pareho nang may nakaputing bigla na lang tumakbo at nawala sa madilim na likod nang pader.
#00
18
O
168 Pagkakataon-2
“Multo ba ‘yon?” Bakas ang kaba sa boses ni Joel na napaatras sa likod ni Clarence.
“Takot ka ba sa multo?” walang emosyong tanong ni Clarence dito.
“Qo sympre, normal akong tao, Sir. Multo at asawa ko lang ang kinakatakutan ko.” Sira ang mukhang pag-amin nito.
Muli na namang tumakbo ang babaing nakaputi at may mahabang buhok
Maya maya at dinig na nila ang mabining paghum nito at patakbo takbo na tila naglalaro.
“Puta baliw lang pala,” relieve na saad ni Joel na tumuwid ng tayo.
+25 Points
“Humm…hmmm..hmmm…hmm,” dinig nila ang mahinang hum ng babae habang sumasayaw ito sa karimlan. Noon niya napansing may hawak itong manika na tila iyon ang isinasayaw at kinakantahan nito.
“Ang hirap siguro maging baliw no?” mahinang komento ni Joel. Habang pareho silang nakatingin sa babaing sumasayaw at panay ang hum.
“Ang ganda-ganda mo aking mahal…hummm.hmmm..hhmmm.” Inataki siya nang awa para sa babaing sumasayaw sa dilim.
“Sir, bilisan na natin baka may makakita sa atin dito.”
“Sandali lang. Bakit nila hinahayaan ang babaing ‘yan dito sa labas at nakayapak pa?” Napatingla siya sa madilim na langit.
“Gusto ko nang umuwi hmmm…hmmmm, uwi… uwi na tayo aking mahal hmmm.” sa kung anong dahilan parang kumikirot ang dibdib ni Clarence dahil sa mabining boses ng babae. Parang bata pero masarap pakingan sa tainga. Dahil sa lambing ang dating noon sa pandinig niya.
Ang kaninang madilim na kalangitan ay unti-unting nagliwanag dahil sa pagkawala nang mga ulap at pagsilay nang buwan. At tila ikinatuwa ‘yon nang babae na nagpaikot-ikot at sumayaw saka inilahad pa ang dalawang mga kamay sa ere. Sa isang kamay ay hawak pa rin nito ang dalawang maliit na manika.
Subalit biglang tumigil ang babae at napalukmo sa damuhan. At ang kaninang masayang pagkanta nito ay napalitan ang mahinang paghikbi. At tila iyon palasong gumuhit sa dibdib ni Clarence sa hindi niya malamang dahilan.
“Sir, tara na baka may…” giit ni Joel. Subalit imbes na pakingan ito natagpuan ni Clarence ang sariling naglalakad palapit sa babaing nakayuko at nakatitig sa hawak nitong manika.
“Gusto ko nang umuwi, kuya….miss ko na sila..” pahikbing sambit ng babae. “uuwi na kami ng mga
anak ko….”
0018
2/3
O
168: Pagkakataon-2
+25 Points
“Miss,” mahinang tawag ni Clarence sa babaing nakayuko. Subalit umagaw sa atensyon niya ang tila sunog na parte sa braso nang babae. “Ayos ka lang ba?” wala siyang ideya kong anong ginagawa niya. Natural lang sa mga baliw ang ganung kilos. Pero iba ang nararamdaman ni Clarence. Kaya gusto niyang mag-usisa. At kausapin ang baliw an babaing may malungkot pero malambing na boses.
At sa tulong nang biglang pagliwanag na buwan sa kaninang madilim na kalangitan. Tila siya napako ng tingin sa babaeng baliw nang mag-angat ito ng tingin ng luhaang mukha nito. At nang tuluyang makita niya ang babae, napaatras si Clarence ng isang hakbang kasabay nang pagbilis ng pinting nang kanyang pulso.
At maging ang babae, mukhang nagulat ng makita siya.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)