169: Walang Pangalan-2
169: Walang Pangalan-2
+25 Points
At ganun na lang ang gulat niya nang makita ang laman ng envelop. Mga larawan iyon na kuha nang kung sino habang naglalagay ang isang lalaki ng mga gallon sa trunk nang kotse.
At ganun na lang ang panlalaki nang mata niya nang makita ang plate number ng kotse, Paano niya makakalimutan ‘yon. Ang plate number nang kotsing sumabog. Ang kotse na sinasakyan ni Charlene. Nagmadali siyang tinginan ang iba pa at kita sa ilang kuha ang mukha ni Gener. Ang half-brother ni Charlene.
“Darling ano ‘yan?” Muntik nang mabitawan ni Gaston ang mga larawan nang biglang sumulpot sa likuran niya si Daisy.
“Anong ginagawa mo dito?” pikang usig ni Gaston sa asawa.
“Bakit ba? Hindi na ba ako puweding dumalaw. Noong nakaraan pinuntahan ako ni Clarence kasi namiss raw niya ako nang dalawin ka niya pero wala ako. Saka miss na rin kita, hindi ba puweding–”
“Daisy, pagkatapos nang ginawa mo sa anak ni Clarence. Gusto mong patawarin pa kita,” magtangis ang bangang ni Gaston.
“Sinabi ko naman sa’yo wala akong alam doon. Sina Gener at Natasha nga ang may gawa noon. Bakit ba ayaw mong maniwala?”
“Tumigil ka na. Hindi tamang nandito ka pa. Malapit nang ibaba ang final ruling sa annulment natin. Makukuha mo ang sapat na alimony na kailagan mo para mabuhay ka nang marangya.”
“Darling naman, bakit ka ba ganyan?” maktol ni Daisy. “Akala mo ba ginagawa ko lang ‘to dahil sa pera. Alam mong hindi totoo ‘yan kung ‘yan ang iniisip mo. Mahal kita. Kayo ni Clarence kaya gusto kong manatili sa tabi mo. Pamilya tayo diba,” tila maamong tupang saad ni Daisy.
“Pinal na ang pasya ko Daisy. At alam mong kapag sinabi ko, ‘yon na ‘yon. Umuwi ka na sa bahay mo. Gusto kong mapag-isa.” Walang emosyong taboy ni Gaston dito.
“Bakit ka ba ganyan sa akin? Ginawa ko naman ang lahat para sa’yo. Sabihin na nating nagkamali ako dahil basta ko na lang pinaniwalaan sina Natasha. Pero bakit ba ako ang sinisisi mo sa bagay
na ‘yon. Inosente ako Gaston kaya–”
“Daisy, tama na. Siguro nga mali ako. At oo inaamin ko. Mula nang matagpuan ko si Yuri, walang
araw na hindi ko naalala ang ina nila.” Naglamlam ang mga mata ni Gaston na napatingin sa mga larawan sa kanyang harapan.
“At kapag naiisip ko ‘yon. Nagtataka ako kung bakit ang bilis kong naniwala na may ibang lalaki si
#00
18
111
O
* 169 Walang Pangalan-2
+25 Points
Charlene, dahil sa mga larawang ipinadala sa akin. Kasalanan ko ang lahat kaya patawad. Pero ikaw rin mismo ang nagsabi, na wala kang hihingin at ipipilit na kapalit sa pagpapakasal mo sa akin para may kilalaning ina şi Clarence. Pero sa totoo lang, bakit hindi ka niya nagawang tawaging Mommy kahit kailan.”
“Ano bang sinasabi mo? Ikaw naman ang may gusto na huwag niya akong tawaging Mommy diba. Bakit ka ba ganyan? Sa mahigit sampung taon ba wala ka man lang naramdamang pagmamahal para sa akin? Pero ayos lang naman sana… kaya bakit…”
“Dahil nakokonsensya ako sa tuwing makikita ko si Yuri. Kaya sige na do me favor. Let’s cut our ties from here.”
“Ano?”
“Narinig mo ako. Umalis ka na. Sa tingin ko kailangan ko ngang mag-imbestiga sa pagkamatay ni Charlene,” walang emosyong saad ni Gaston na muling tinitigan ang mga larawang hawak nito. “Alam mo nagsasayang ka lang nang panahon, patay na si Charlene. Matagal na, bakit kailangan mo pang ungkatin ang lahat lalo’t umamin na si Gener sa kasalanan nila.”
“Tama, patay na si Gener. At sa autopsy niya namatay siya sa lason, pero ang natagpuang resibo nang gamit sa bulsa nang pantalon niya ay para sa sleeping fills. Benzodiazepines.”
“Ano namang…”
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)