Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 328

170: Missing-1

170: Missing-1

170: Missing

+25 Points

“MENTAL Hospital?” takang sambit ni Zade, matapos ibigay ni Javier ang mga larawan na kuha nang tauhan niyang nagkasunod sa mga kilos ni Eric. “Teka muna bakit ka ba nandito?” Inis na baling ni Zade sa lalaking kampanting naka-upo sa sofa.

“Pinapunta ko si Alpha, ano ka ba?” saway ko kay Zade nang makapasok ako sa private office nito dala ang tatlong tasa nang kape para sa mga ito.

“Pero-”

“Sabi ko gusto ko nang mabigyan ng hustisya ang mga taong napahamak dahil sa paghahanap nila nang katarungan para kay Mama Charlene. At dahil alam kong hindi ka naman makikinig sa gusto ko, kaya mas mabuting pagtulungan na lang natin.” ani ko habang inilalapag isa isa ang tasa nang kape sa lamesita. Saka ako naupo sa tabi ni Zade.

“Nag-aalala lang namana kong baka mapahamak ka,” anitong binalingan ako. Saka hinawakan ang mukha ko.

“Nasobrahan sa sweetness, tsk..tsk.” dinig ko ang mahinang sambit ni Javier na umilingpa.

“Mas mapapadali ang imbestigasyon kong magtutulungan tayo, gusto ko na ring mabigyan ng katarungan ang pagkamatay nang ama ko,” seryosong paliwanag ni Alpha matapos tumikhim.

“Wala tayong sapat na katibayan. Pero isang tao ang itinuturo na ugat nang problema nating lahat.” ani ko sa mga ito. Iyon ang nagpapahirap sa amin ngayon. Alam na namin na si Daisy ang mastermind sa pagkamatay ni Mama pero walang sapat na ebidensya.

“Naisip ko lang, nakatakas si Natasha diba? Sa tulad niyang wala nang pera at koneksyon. Sa tingin ko si Daisy lang ang puweding tumulong sa kanya.” si Javier, napatingin kami dito. Oo nga pala nakatakas si Natasha at hanggang sa kasalukuyan wala pa rin balita sa mga police.

Napatuwid naman nang upo si Alpha. “At hindi tutulungan ni Daisy si Natasha kung walang dahilan, tama?” anitong tila may kung ideyang tumatakbo sa isipan nito. At sa tingin ko may idea ako sa iniisip nito ngayon.

“Bakit hindi natin puntahan sa mental hospital si Atasha. Baka dinalaw niya ang anak niya,” suhesyon ko saka ako napatingin sa larawang hawak ni Zade.

“Posible bang siya ang dinalaw ni Eric dito?” ani Zade na napatingin rin sa larawan. “Pero bakit siya

pupuntahan si Eric?”

“Hindi natin malalaman kung hindi natin titingnan,” nasabi ko. “ako nang pupunta.”

OO

18

UI

O

170 Missing-1

“Yuri, umayos ka ha. Hindi puwede. Delikado! Aalam mo namang…hayst!”

+25 Pointe

“Mas lalong hindi ka puweding pumunta doon,” saway ko rin kay Zade. “Kaming tatlo na lang ang pupunta doon. Para hindi ka mag-alala, okay.”

“Pero,”

“Tama si Ma’am Yuri, baka kapag nakita ka ni Atasha eh matauhan ‘yon at bigla na namang magulo. Nakangising dagdag ni Javier.”

“Fine. Pero tandaan n’yo bantayan n’yong mabuti ang asawa ko. Kundi lagot kayo sa akin.” Banta ni Zade sa dalawang lalaki na napailing na lang.

Walang nagawa si Zade nang umalis na kaming tatlo nila Javier at Alpha.

May bahagi sa pagkatao ko ang lihim na nagdarasal na baka makakuha na kami nang ebidensya sa tulong ni Natasha. Iyon ay kung makikipag-cooperate ito sa amin.

MEANWHILE

NAPALAPIT si Clarence at Joel sa tila natatarantang mga nurse at doctor. “Hanapin n’yo si Daisy kundi patay tayong lahat.” Tarantang utos nang doctor na bakas ang panic sa mukha.

“Hindi naman siya lumalabas kapag umaga kaya bakit?” anang isang babae.

“Excuse me, si Daisy-” nag-aalangang tanong niya sa mga ito. Tanda niyang Daisy ang tawag nang nurse sa kanyang Mommy Charlene. “Nasaan si Daisy?”

“Sino ka?” Kunoot noong tanong nang doctor.

“Ako ang anak niya at matagal na namin siyang hinahanap.” Lakas loob na deklara ni Clarence na ikinagulat nang mga kaharap.

“Sir, nagkakamali ho yata kayao. Wala nang pamilya si Daisy. Maliban sa kapatid niya. Mahigit sampung taon na ako dito at—”

“Twenty three years na naming pinaniniwalaang patay magulang namin dahil sa pagsabog ng kotse niya. Tapos nandito lang pala siya itinatago n’yo.” Walang alinlangang inilabas ni Clarence ang ipinari-size niyang larawan nang ina.

“Si Daisy nga ‘to.” pagkukumpirma nang nurse.

“Hindi Daisy ang pangalan niya kundi, Charlene Saavedra.” Kita niyang namutla ang mukha nang

Doktor.

“Sandali lang sir, ikaw ba si Clarence Saavedra? Iyong CEO nang…” natakpan nang babaing nurse ang bibig nito. At nagmadaling kinuha ang phone nito para i-check sa internet ang kanyang hitsura.

#00

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)