Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 329

170 Missing-2

170: Missing-2

“Si Miss Daisy matagal na siya dito, bago pa ako nalipat,” paliwanag nang doctor.

+25 Pointé

“Kung ganun nasaan na ang mommy ko, ilabas n’yo s’ya.” Walang gatol na utos ni Clarence sa mga ito. Mabuti na lang talaga may naiwan pang larawan nang kanyang ina.

“Hindi namin alam, actually nawawala siya kani-”

“Ano! Fvck!”

“Pero tinawagan ko kanina ang benefactor niya. Iyong taong nagdala sa kanya dito ay sinusuportahan ang Institution mula nang dalhin siya dito twelve years ago.” Bakas ang pagkailang sa mukha nang doctor. “Dinala siya dito dahil sa depression sa pagkawala nang mga anak niya kaya siya nabaliw matapos maaksidente at na comma ng ilang taon.”

“Sabihin n’yo sino ang nagdala sa Mommy ko dito?”

“Ang benefactor ang hospital mula nang lumipat ako dito. Bihira siyang bumisita, pero regular ang sustento para kay Daisy…kaso ang problema kanina pa namin siya hinahanap. Hindi niya ugaling lumabas sa umaga.”

“Oo Sir, sa lahat ng pasyente namin dito siya lang ang kakaiba. Lalo na lately may mga pagkakataong matino namin siyang nakaka-usap, pero wala siyang maalala kahit ano. Ang madalas lang niyang bangitin si Daisy. Kaya akala namin iyon ang pangalan niya. Pero kapag tinatawag naman namin siya nang ganun nagtatago siya. Kaya madalas Miss lang ang tawag namin sa kanya. Doon lagi siyang kalmado at inaalagaan ang mga manika niya,” mahabang paliwanag ng nurse.

“Kung ganun hanapin n’yo na siya?”

“Sir, tatlong oras na namin siyang hindi makita kaya nagpapanic na rin kami.” paliwanag nang doctor. “Hindi siya puweding lumabas.”

“Fine, hanapin n’yo ang Mommy ko!” kikilos na sana ang mga ito nang muli siyang magsalita. “At sino pala ang benefactor niya?”

“Ho…tawag lang namin sa kanya Mister E. Hindi niya sinasabi ang pangalan niya. Pero kuya ang tawag sa kanya ni Miss.”

“Puwede ba naming makita ang CCTV n’yo rito, detective ako.” pakilala ni Joel.

“Pwede naman, pero kung si Mister E ang hinahanap n’yo. Tumatawag siya in-advance kapag dadalaw siya, dapat naka-off ang CCTV. Iyon ang kondisyon niya para manatili ang supporta niya dito sa hospital.”.

18

O

170 Missing-2

“Ito ba siya?” ani Clarence na ipinakita ang larawan ni Eric.

+25 Points

“Oo… siya si Mister E. Ang benefactor namin at ni Miss Daisy.” tila saglit na huminto ang mundo ni Clarence sa narinig. All along alam ni Eric na buhay ang kanyang ina pero nanahimik lang ito. “Kapatid raw niya si Miss Daisy. Pero kailangan niyang itago para sa kaligtasan nila pareho.” napatingin dito.

SA TAHIMIK at mahabang sementadong kalsada. Makikita ang isang babaing magulo ang buhok. Nakayapak at madumi ang laylayan ng suot nitong hospital gown. Panay ang paglinga-linga nito na tila may kakatabing naglalakad.

“Uuwi na kami… uuwi na ako..” naiiyak na sambit nito sa bawat hakbang. Pero maya maya tumatawa naman ito habang panay ang check sa dalawang batang nakikita nito. “Mga anak ko, uuwi na tayo sa daddy n’yo ha…” nakangiting kinakausap nang babae ang dalawang batang kasabay nitong naglalakad.

“Bibili tayo nang ice cream ha Yuri, gusto mo ‘yon, diba anak ko? Ikaw Clarence-ah bawal ka nang ice cream kaya chocolate na lang. Parehas tayo nang gusto diba…” muling mabining tumawa ang babae habang isa isang tinitigan ang dalawang cute na batang kasama nitong naglalakad.

Ngumiti rin ang dalawang bata dito pero walang sinabi.

“Ang babait nang mga anak ko, kaya uuwi na tayo ha. Pero dapat wala na ang bruha. Kapag nandun pa magtago ulit tayo. Ayaw ko sa kanya. Kaya kayo mag-iingat sa babaing bruha mga anak.” Paalala nito sa dalawang bata.

“Clarence humawak ka kay Mommy… uuwi na tayo..” kausap nito sa batang lalaking biglang tumakbo. “Clarence…” panic na sigaw nito nang makita ang kotse kaya mabilis na hinabol ang anak para iligtas.

EARLIER…

“IPAHANAP mo na siya,” madiing sigaw na utos ni Eric sa doctor ni Charlene. “Hindi siya pweding maka-alis ng hospital. Putang ina!” ang kalmado at relax na si Eric ay halos patakbong tinungo ang kotse nito. At mabilis na nagdrive patungo sa mental hospital.

“Tang ina ka Charlene, gusto mo ba talagang mamatay! Sabi kong huwag kang-aalis d’yan,” gigil na sambit ni Eric at sa bawat gigil nito ay bumibilis ang takbo nito.

Dahil alam niyang malaking problema kung may makakakita kay Charlene. Lalo’t alam niyang

nag-iimbestiga na sina Clarence at Yuri. At higit sa lahat si Daisy.

Mabilis ang takbo niya nang magring ang kanyang phone. It was Daisy kaya inataki siya nang kaba.

“Yes Ma’am?” tumikhim siya bago sinagot ang tawag.

00

18

III

O

4170 Missing-2-

“Nasaan ka ba? May problema tayo, nag-iimbestiga pa rin si Gaston. Nababaliw na ako, Eric.”. bakas ang panic sa boses nito.

“Naipadala ko na ang mga larawan siguradong-”

“Hindi, sa tingin ko desidido pa rin siya dahil sa pesting mag-asawang ‘yon. At si Yuri nga ang dahilan kaya ko hiniwalayan nang asawa ko. Kaya umuwi ka dito at gawan natin ng paraan ang problema. Kundi mababaliw ako sa kakaisip!” utos nito. Kahit hindi nakikita ni Eric alam niyang nanginginig sa inis si Daisy.

“Kumalma ka lang. Babalik ako pagkatapo-”

“Nasaan ka ba kasi ha!” sigaw na tanong ni Daisy.

“May inaayos lang ako. Kung may ipag-uutos ka, papupuntahin ko si Wendel.”

ang

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)