174: Banta–1
174: Banta
NAPA–ANGAT nang tingin st Daisy ng marinig niya ang tunog doorbell sa kanyang gate. Umakyat si Eric sa kuwartong ginagamit nito sa ikalawang palapag kaya siya na ang kusang lumabas para tingnan ang bisita.
At ganun na lang ang pag–isang linya nang kilay niya nang napatingin sa babaing nag–aantay sa may gate.
“Sino ka naman?” Kunot ang noong tanong ni Daisy sa sarili saka naglakad palapit sa mababang gate na bakal. “Anong kailangan mo, Miss?”
“Hello, ako si Tamara Fernandez,” pakilala nito na may tipid na ngiti sa labi.
“Anong kailangan mo Miss Fernandez.”
“Hindi n’yo man lang ho ba ako papasukin, Ma’am?” umusti ang nguso nitong nagpacute pa. May hitsura rin ang babae. At pamilyar sa kanya ang pangalan nito. Saan nga ba niya— kusa siyang natigilan sa naalala. Ito ang dahilan kaya iniwan ni Moira si Clarence.
Si Tamara ang babaing nabuntis ni C/ At ito rin ang ina ni Baby Zen na ninakaw nila ni Natasha sa
hospital, bilang kapalit nang anak ni Atasha na namatay. Iyon ang dahilan kaya galit na galit sa kanya si Gaston. Kung hindi pa niya pinaimbestigahan hindi pa niya malalaman ang dahilan ng galit nito.
Ano bang malay niyang ito ang babaing lumandi kay Clarence. Saglit siyang nag–isip bago napagpasyan papasukin na rin ito.
“Anong maipaglilingkod ko sa’yo Miss Fernandez?” tanong ni Daisy nang makarating sila sa living room. Pansin niya ang poised
a paraan nang pag–upo nito at hindi niya maiwasang makita ang sarili sa babae. “Ang totoo hindi kayo ang kailangan ko Ma’am. Si Mister Alcala ang gusto kong maka–usap.” Nakangiting
Isaad nito na ikinasalubong kilay ni Daisy.
“Si Eric, bakit mo kailangan si Eric. At paano mo siya nakilala? usisa ni Daisy.
Kita nitong napangiti si Tamara at napatingin sa hagdan. Kaya napalingon rin doon si Daisy. Hindi nakaligtas sa mata nito ang pagsalubong nang makapal na kilay ni Eric nang makita ang babaing bisita. Sa tantiya ni Daisy nasa 23-24 pa lang ang babae pero mababakas na ang tapang sa mga mata nito.
“Nagkakilala kami sa isang….” nagpaused ito. “Hospital sa cavite. Nasiraan kasi ang kotse ko sa daan at nagpatulong ako sa kanya.”
“Anong ginagawa mo dito Miss?” kunot ang noong tanong ni Eric sa babae.
“Sabi mo Sir, puwede kitang tawagan kapag nagkaproblema, diba.”
“Hindi ka naman nasaktan, at ikaw ‘tong biglang tumawid nang kalsada para humarang—”
“Oo alam ko. Pero kasi,” binalingan nito si Daisy. “May gusto lang akong sabihin, pwede mo ba akong tulungan tungkol sa isang mahalagang bagay.”
alt
“Sandali Miss, hindi ka ba pumunta dito para kausapin kami para tulungan kang mabawi si Clarence?” tanong ni Daisy na ikinatawa nang mahina ng babae.
“Ang galing n’yo naman Ma’am. Paano nyo nalaman? Ang totoo may nalaman akong ika—”
“Miss sa labas na tayo mag–usap,” sabat ni Eric.
“Bakit naman, alam mo sa totoo lang, hindi ko rin gusto si Moira para sa anak ko. Sa tingin ko mas bagay
ka kay Clarence. Ang tanong lang kaya mo bang ilaban si Clarence sa asawa niya…”
“Oo naman, Ma’am, hindi ako papayag na matatalo ako ni Moira. Pagkatapos nang ginawa nila sa amin ng
Mommy ko. Sisirain ko rin ang buhay nila.”
“Sige ba, walang problema. Maiwan ko muna kayo. May kailangan lang akong gawin.” paalam ni Daisy na
napangiti.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)